12 Mga Bagong Isinalin na Fact Sheets (12 Newly Translated Fact Sheets)
Sa aming mahigit na 40 taong paglilingkod sa mga tagapag-alaga ng pamilya, ang Family Caregiver Alliance ay nagtrabaho upang matiyak na ang mga tagapag-alaga mula sa lahat ng mga komunidad ay may impormasyon at mapagkukunan ng tulong para sa kanilang natatanging sitwasyon ng pamilya. Para sa mga galing sa magkakaibang kultural na karanasan, kadalasan ay nangangahulugan iyon na matulungan silang malaman ang impormasyon at mga mapagkukunan ng tulong ayon sa kanilang sariling wika.
Bilang bahagi ng aming pagsisikap na gawing mas madali ang pagkuha at pag-gamit ng mas mainam na kalidad ng impormasyon para sa iba’t ibang mga tagapag-alaga, regular na isinasalin ng aming koponan ang mga impormasyon at tulong sa mga tagapag-alaga sa mas maraming wika, kabilang ang English, Spanish, Tagalog, Vietnamese, Chinese, Korean at iba pa.
Ang aming pinakabagong mga isinaling fact sheets ay ilan sa mga kilalang-kilala ng aming mga kliyenteng tagapag-alaga o kamakailan lamang na binago ang nilalaman nito. Pagkatapos pindutin ang alinman sa mga fact sheets, maaari mong piliin ang iyong gustong wika mula sa drop-down na menu sa kaliwang bahagi ng pahina.
- Tahanang Malayo sa Tahanan: Paglilipat ng Tirahan ng Iyong Mga Magulang (Home Away from Home: Relocating Your Parents)
- Pamumuhay Habang may Incontinence (di kayang pigilan ang pag-ihi o pagdumi): Mga Hamon sa Pakikipag-kapwa at Hamon sa Damdamin (Living with Incontinence)
- Parkinson’s Disease at Pag-aalaga
- Mga Dapat Tanungin kapag Kinokonsidera ang Psychotherapic Medication para sa Taong May Dementia (Questions to Ask when Considering Psychotropic Medication for Someone with Dementia)
- Mga Dapat Tanungin kapag Kinokonsidera ang Pag-opera para sa Taong May Dementia (Questions to Ask when Considering Surgery for a Person with Dementia)
- Vascular Dementia
- Mga Malubhang Karamdaman: Tubong Gamit sa Pagpapakain at Makinang Tulong sa Paghinga (Advanced Illness: Feeding Tubes and Ventilators)
- Tumor sa Utak (Brain Tumor)
- Pag-aalaga kasama ang Iyong Mga Kapatid (Caregiving with Siblings)
- Multiple Sclerosis (MS)
- Wernicke-Korsakoff Syndrome
- Pagpapakilala sa In-Home Care Kapag ang Iyong Kaibigan o Miyembro ng Pamilya ay ‘Umayaw’ (Introducing In-Home Care When Your Family Member Says ‘No’)
Para sa karagdagang kaalaman at mga mapagkukunan ng impormasyon kabilang ang mga payo sa pangangalaga, bisitahin ang aming pahinang mapagkukunan ng impormasyon at tulong para sa mga tagapag-alaga sa wikang Tagalog.