Ang Dapat Malaman ng Bawat Caregiver Tungkol sa Pera (What Every Caregiver Needs to Know About Money)
Minsan, tila ang mga tao ay may komportable na pag-usapan ang sex kaysa sa pera. Ang bawat pamilya ay may mga di sinasabing tuntunin at inaasahan kung paano nila dapat pakitunguhan ang pera: kung paano makakatipid, kung paano gumastos, kung sino ang nagkokontrola, kung paano ginagawa ang mga desisyon. Kapag ikaw ay naging isang caregiver para sa ibang tao, ang pera ay may mahalagang parte sa mga pagpipilian ko sa kanilang pag-aalaga. At walang duda, ang pera ay malaking mapagkukuhanan ng di pagkakasunduan sa pamilya.
Ang maraming mga mas nakatatanda ang lumaki noong panahon ng Depression o nagkaroon ng mga magulang na may “Depression mentality”. Ang pagtitipid ay lubos na mahalaga. Ang pagkakaroon ng pera “sa oras ng kagipitan” ay napakahalaga. Mahalaga ang di pagsasayang. Ang pagkakabalisa na maubusan ng pera ay isang isyu. Isang ipon na nagpapahintulot sa mga magulang na makapag-iwan ng mana sa kanilang mga anak ay ginagawa batay sa prinsipyo. At maraming mga adult na bata ay inaasahang makakatanggap ng mana at nais na gamitin nang sukdulan ang halagang matatanggap nila.
Sa sandaling kailangan ng isang tao ang caregiver, kailangang pag-usapan ang pera. Mas maraming nakatatandang adult ay nag-aatubili na ipaalam sa kanilang mga adult na anak ang tungkol sa kanilang pinansiyal na kalagayan. Mahirap aminin na ito ang “araw ng kagipitan” na pinag-iipunan nila buong buhay nila. Mauunawaan rin, na sila ay lubos na nag-aatubili na isuko ang pamamahala sa kanilang mga pananalapi. Gayunman—at lalo na kapag may nagpakita ng katibayan ng cognitive na paghina—kailangang pamahalaan ng caregiver ang mga pananalapi para maiwasan ang mga pagkakamali—ang bills na hindi nabayaran, o nabayaran ng higit sa isang beses, mga pamumuhunan na hindi naasikaso, walang katuwirang paggastos, o nawalan lang ng pera sa bahay o hanang nasa kalsada.
Pag-usapan ang Pera
Kung walang malinaw na pag-uunawa sa pinasiyal na kalagayan ng taong kailangang alagaan, magkakaroon ng balakid ang caregiver sa kaniyang kakayahan na magbigay ng mabuting pangmatagalang pinansiyal na mga desisyon. Ang pagsisimula ng usapan ay maaaring ang pinakamahirap na parte. Dapat ka bang magkaroon ng personal na usapan, o dapat na magsagawa ng pagpupulong kasama ang pamilya kasama ang mga kapatid at kasama ang iba pang mga mahahalagang tao? Baka ang pag-uusap na ito ay tila narinig mo na:
“Nanay, may kailangan tayong gawing mahirap na desisyon sa susunod na mga taon. Makakatulong kung sama-sama nating unawain ang mga finances para mapagdesisyon tayo ng wasto para sa iyong pag-aalaga dahil nagbabago rin ang mga pangangailangan mo.”
“Ay naku, ayokong pag-usapan iyan ngayon. Maayos naman ang lahat at ako ang nag-aasikaso ng lahat ng bills ng walang anumag problema.”
“Alam ko na okay naman ang mga bagay-bagay ngayon, pero paano kung mahulog ka at mabali ang braso mo at hindi ka nakakasulat sa tseke? Kaya’t paano na mababayaran ang bills mo?”
Ito na ang panahon para simulan ang “paano kung” na usapan. Magmungkahi ng mga marahil na mangyayari at tanungin “ano ang gusto mo kung…” at isulat ang mga sagot ng magulang. Ang ilan sa mga tao ay tungkol sa mga kagustuhan sa pag-aalaga ng kalusugan o mga kaayusan sa pamumuhay, at ang ilan sa mga ito ay tungkol sa pera. Mas mabuting maunawaan mo ang pag-iisip ng mahal mo sa buhay sa pera, at pati na rin kung ano ang kaniyang mga nais, mas mabuti mong mapapatupad ang mga kagustuhang iyon at mas maganda ang magiging pakiramdam na sundin ang mga ito sa lubusan ng iyong kakayahan.
Ito ay hahantong sa isang pag-uusap tungkol sa iba pang mga aspekto ng pagtanda na kinasasangkutan ng pera:
- Ang tahanan ba ang pinakamabuting lugar para sa isang inaalagaan?
- Mas mahal bang magbayad para sa assisted living, o mas mahal na kumuha ng isang caregiver para manatili sa bahay?
- Kung ako, bilang isang adult na bata, ang nagkakaloob ng pag-aalaga, paano ko magagastos ang kaunting pera ng aking magulang sa pagkuha ng kapalit o tulong para makapagpahinga ako paminsan-misan?
- Mas mabuti ba kung bayaran ako ng aking mga magulang bilang caregiver, o mas mabuting kumuha ng tao galing sa labas?
- Kung gusto naming kumuha para magtrabaho ang isang tao, dapat ba na sa agency kumuha o pribado itong kunin?
Trabaho at Pag-aalaga sa Mas Nakatatanda
Bilang isang adult na nag-aalaga sa isang tumatandang magulang, marahil na nahihirapan kang magdesisyon sa maraming mga bagay. Ikaw ay may trabaho na may mga responsibilidad at inaasahan. Maaaring may asawa at mga anak ka na inaalagaan. At kailangan mong alagaan ang iyong sarili. Ang pag-aalaga sa iyong sarili ay dapat na kinabibilangan ng pag-eehersisyon, pagkain ng tama, pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan, at pagkakaroon ng panahon na magpahinga. Sa pagitan ng mga iyon ay dapat ka rin matulog. Ngayon ay isama pa ang pag-aalaga sa mga dapat gawin at pamamahala ng pananalapi ng iba. Ang pagbabalanse sa lahat ng mga ito ay nagiging isang dagdag na bagay na kailangan mong gawin. Hindi madali na magulat sa dami ng kailangang gawin.
Maraming mga caregiver ang nagmumuni-muni na umalis sa kanilang trabaho para maging mas naroroon at available sa isang tao na kailangan ngayon ng tulong araw-araw. Ito ay isang mahirap na desisyon, dahil nakaka-apekto ito hindi lang sa iyong mga pananalapi (at iyong sa pamillya mo), pero ang mga pananalapi ng iyong magulang at marahil pati na rin ng iyong mga kapatid o iba pang mga kamag-anak. (Para sa karagdagang impormasyon sa pagpapalit-palit sa pagitan ng caregiving at ang iyong trabaho, basahin ang FCA fact sheet Work and Eldercare.)
Kapag huminto ka nang magtrabaho, kailangan mo agad harapin an gmga pagbabago sa health insurance. Sa ilalim ng COBRA, maaari mong pribadong bayaran ang insurance ng hanggang 18 buwan, o, sa ilalim ng kasalukuyang Affordabe Care Act, hindi ka makakabili ng health insurance sa open market (ng walang multa para sa mga pre-existing na kondisyon). Pero ito dadagdag sa iyong gastusin o para sa kapamilya na pananagutan mo.
Ang pag-aalaga sa isang tao na naririto at ngayon ay mahalaga, pero ang pagplano para sa sarili mong pagtanda ay mahalaga rin. Ang di pagkakaroon ng kasalukuyang kita ay ikokompromiso ang iyong kita sa hinaharap. Kung hindi mo bayaran ang Social Security System ng ilang taon, ang kita mo ay mababawasan pagdating ng panahon na kailangan mo nang kolektahin ang iyong mga benepisyo mula sa Social Security Ang mga pension, retirement fund, mga IRA, 401K employer na katugma, at iba pang mga savings account ay maaaring maapektuhan rin. Ang pag-alis sa trabaho ay maaaring maka-apekto sa pagsulong sa trabaho, na makaka-apekto rin lumaon sa mga kita. At ang trabaho ay maaaring magsilbi rin na iyong outlet, mabaling sa iba ang pansin, at suporta mula sa kapwa.
Ang isa sa mga pinakamadalas na tanong sa Family Caregiver Alliance ay, “Paano ako mababayaran bilang caregiver ng aking magulang?” Kung ikaw ang pangunahing caregiver, may paraan ba na ang iyong magulang o ang tumatanggap ng pag-aalaga ay mababayaran ka para sa tulong na binibigay mo?= Ang maiksing sagot ay oo, basta’t sumasang-ayon ang lahat ng mga panig. (Para malaman kung paano magtakda ng isang pormal na kaayusan ng bayad, basahin ang FCA fact sheet sa Mga Kasunduan sa Personal na Pag-aalaga.) Kung ang inaalagaan ay karapat-dapat para sa Medicaid (MediCal sa California), marahil na puwedeng bayaran ka sa pamamagitan ng In-Home Supportive Services (IHSS).
Mga Pinansiyal na Aspekto ng Pagiging isang Caregiver
Mga dapat mong itanong sa iyong sarili at sa iba pang mga miyembro ng pamilya:
- Paano mababayaran ang aking upa/mortgage kung lumipat ako kasama sina Nanay o Tatay?
- Okay lang ba ang mga miyembro ng pamilya sa pagsasauli sa akin ng bayad nina Nanay/Tatay para sa mga karagdagang gastusin na maiipon ko sa pag-aalaga sa kanila? Maaaring kabilang sa mga ito ang mga gastusin sa pamumuhay, mga medikal na gastusin, transportasyon, at pagkain.
- Kung ako ang nagbibigay ng pangunahing pag-aalaga, ikaw ba (o ibang mga miyembro ng pamilya) ay makakatulong, o maaasahan ba mula sa akin na gawin ito lahat? Paano namin mahahati ang mga responsibilidad? Kung babayaran ako, dapat ka bang bayaran para sa mga bagay na ginawa mo?
- Paano kami, bilang pamilya, magdedesisyon sa pag-aalaga ni Nanay/Tatay? Paano kami magpapasya kung paano gagastusin ang kanilang pera? Sino ang may kontrol sa mga pananalapi?
- Saan ako makakapunta para makakuha ng tulong? Ang aking mga kaibigan o pamilya ba ay makakatulong sa akin na magkaroon ng mga pahinga? Ano ang mga hobby o iba pang mga bagay na magagawa ko bilang panlibang kapag walang ginagawa bilang isang caregiver? Paano ako magkakaroon ng perang paggastos para makalabas kasama ang aking mga kaibigan o makabili ng mga bagay na gusto ko?
- Kung ako ang pangunahing caregiver, okay ba sa iyo na gastusin ko rin ang pera nina Nanay/Tatay para makatulong rin sa aking pag-aalaga sa sarili? Ito ay nangangahulugan na marahil na mas kakaunti ang mamanahin. Dapat ba ay iba ang aking hati sa mana kung ako ang gumawa lahat? Kung hindi ako umalis sa aking trabaho at gawin ko ito, okay na sa iyong kumuha ng tulong sa pag-aalaga kay Nanay/Tatay? Ito rin ay makaka-apekto sa iyong mana.
- Kung kailangan ni Nanay o Tatay na lumipat sa isang assisted living community o nurisng home, paano tayo magdedesisyon, at gaano kalaki ang parte ng pananalapi sa pagdedesisyon?
- Kung maubusan ng pera si Nanay o Tatay, may makakatulong ba sa atin sa kanilang mga gastusin sa pamumuhay?
- Ano ang kailangan nating malaman tungkol sa Medicaid at Medicare na coverage para makapagdesisyon ng tama sa pagbabayad sa pag-aalaga sa hinaharap?
Ang Pera ay isang Emosyonal na Isyu
Lahat tayo ay may mga emotional trigger kapag pinag-uusapan ang pera. Ang pera ba ay katumbas ng pagmamahal? May nakakakuha ba ng mas malaking pera dahil sa pangangailangan o dahil siya ang “paborito”? Nagbigay ba ng suporta ang mga magulang para sa iisang kapatid nitong nakaraang mga taon? Ano ang mangyayari sa kaniya kapag hindi na makakatulong ang mga magulang?
Kung hindi mapahintulutan ng magulang na mapamahalaan ng mga caregiver ang pananalapi, may mga damdamin na walang tiwala o tinuturing na isang bata. Ang mana ay dapat bang hatiin ng patas o ibigay kung sino ang may pinakanangangailangan nito, o sinuman ang pinakamaraming nagawa? Kung wala masyadong pera, maaaring may mararamdaman na galit at paninisi na inilagay ng mga magulang ang mga anak sa isang mahirap na situwasyon. Kung maraming pera, ang pagkaganid ay magiging isang malaking factor sa pagdedesisyon.
Madalas, ang mga pamilya ay nahahati sa kung sino ang namamahala sa pera at kung sino ang nag-aalaga. Inilalagay nito ang caregiver sa isang posisyon na kailangang humingi ng pera, at ang taong namamahala ng pera ay may kontrol sa paggastos ng pera. Ito ay maaaring humantong sa di pagkakasunduan at paglalayo mula sa pamilya. (Basahin ang FCA fact sheet Pag-aalaga kasama ang Inyong Mga Kapatid.)
Mga Madalas na Komento at Tanong
- “Kung nagtipid lang sana ang aking mga magulang.”
- “Ako na dati pa ang responsabile, at ngayon ay pareho ang dami ng mana natin.”
- “Sobrang walang responsibilidad si Tatay, hindi siya nagplano para sa pagtanda niya o maaaring maging sakit at ngayon ako na lahat ang dapat mag-asikaso.”
- “Paano ko gagalangin ang nais ni Nanay na hindi ilagay sa isang nursing home kung wala siyang pera para kumuha ng dagdag na tulong sa bahay?”
- “Kung lumipat si Tatay kasama namin, paano namin mababago ang upa para makabawi sa mga karagdagang gastusin? Ano ang palagay ng aking mga kapatid kung gawin namin ito?”
- “Paano ko masasabi kay Nanay na gumastos ngayon para sa kaniyang pag-aalaga, kaysa isipin na kailangan niyang tipirin ito ngayon para sa kinabukasan?”
- “Hindi ba dapat na ang aking mas mayaman na kapatid ang mas malaki ang gagastusin para kay Nanay kaysa sa akin, dahil hindi naman ako mayaman?”
- “Puwede bang regaluhin na kami nina Nanay at Tatay ngayon ng pera para maging kuwalipikado sila sa isang nursing home sa ilalim ng Medicaid lumaon? Mapagkakatiwalaan ba kita na hindi gumastos para mayroon pera sina Nanay at Tatay sa hinaharap?”
- “Puwede mo bang ipadala sa akin ang lahat ng mga bank statement dahil ikaw naman ang namamahala sa kanilang pananalapi? Gusto namin malaman kung saan napupunta ang kanilang pera.”
- “Kailangan ko ng kaunting pahinga mula sa pag-aalaga. Puwede mo bang gamitin ang kaunting pera nila para magbayad sa iba na alagaan si Nanay nitong Sabado’t Linggo para makapagbakasyon ako?”
- “Kami ay nagbabayad sa isang caregiver para makasama si Tatay ng tatlong beses sa isang linggo. Puwede ba tayong magpalitan sa isa sa ibang mga araw? Kung hindi, puwede bang mas lakihan ang bayad para masakop ang mga gastusin ng caregiver?”
- “Si nanay ay may pinuhunan na nagkakahalagang $100,000 Ano na ang nangyari doon?”
Kapag isang Factor ang Dementia
Kung walang dementia ang inaalagaan, siya ay may karapatan na magdesisyon, kasama na dito ang mga di tamang desisyon. Ito ay nangangahulugan na maaari siyang magdesisyon ng walang katuwiran tungkol sa pera at kung paano ito gastusin o kung paano ito di gastusin. Ito ay lubos na mahirap tanggapin para sa mga caregiver – nais nating tumulong na gawin ang “tama” at gumawa ng mga makatuwirang desisyon. At, tayo ay nag-aalala na kailangan nating isa-isahan at lutasin ang mga problema na darating kung hindi maayos na pangasiwaan ang pera. Ang bawat pamilya ay naghihirap dito sa kani-kanilang paraan. Ang pagsasama ng isang tao na galing sa labas, tulad ng isang minister, abogado, social worker, o physician ay maaaring makatulong.
May dementia man ang isang tao o wala, hindi maaaring sumailalim ang matatanda sa “di nararapat na impluwensya.” Ang mga taong kakaibiganin sila ay maaaring makahanap ng paraan para mapalapit sa puso nila – at pati na rin sa bulsa – sa mga paraan na maaaring humatong sa pagiging “sobrang mapagbigay” ng mas nakatatanda sa kaniyang mga pondo. Ang pagbabantay sa salapi ay makakatulong sa iyong mahuli ang anumang di pangkaraniwang paglabas ng pera.
Kung may dementia si Nanay o Tatay mula sa isang disorder tulad ng Alzheimer’s disease, stroke o iba pang kondisyon, kailangan nila ng pamamahala para matiyak na ang mga pananalapi ay maayos na napapangasiwaan. Kailangan ang tulong ngayon, dahil ang makatuwiran at makabuluhang mga desisyon ay maaaring di na posible lumaon. At dahil lumalala ang dementia, dapat magtakda ng mga pamamaraan sa lalong madaling panahon, para maaaring mapamahalaan ang mga pananalapi lumaon. Mas madaling gawin ito habang ang inaalagaan ay nakakaunawa pa at lumagda sa mga kinakailangang dokumento para mabigyan ang caregiver o fiduciary (pinagkakatiwalaan) ng mga nararapat na kapangyarihan. Kung hindi ito gawin sa oras, maaaring kailangang mag-apply para sa conservatorship, na mahal, nakakapagod sa damdamin, at sayang sa panahon. (Basahin ang FCA fact sheets na Guardianship at Conservatorship (English) at Legal na Pagpaplano Para sa Kawalan ng Kakayahan.)
Kung di pa nagagawa ang legal na pagplano, simulan sa pagplano sa estado o “elder law” na abogado na makakatulong sa pagsusulat ng isang will o trust, at makukumpleto rin ang isang Power of Attorney for Finances, na maaaring paganahin kapag nasa wastong panahon na. (Basahin ang FCA fact sheetPaghahanap ng Abogado para Makatulong sa Pagplano ng Estate.)
Pera, Pera, Pera: Parati na Lang Tungkol sa Pera
Maraming mga di pagkakasunduan at tension ay pinagigitnaan ng mga isyu sa pera – sino ang mayron nito, sino ang wala; paano ito nagastos; paano pagpapasyahan kung paano ito gagastusin; ano ang mga isyu dati ng pamilya sa pera; ano ang mga isyu ngayon. Ito ay mapanghamon na pakitunguhan ang kaguluhan ng ating mga damdamin sa mga magulang, sa sakit, sa pagtanda, at pagkamatay, at minsan ang mga emosyon na ito ay lalabas kapag may di pagkakasunduan tungkol sa pera. Ang pagkakaroon ng isang family meeting na may facilitator ay maaaring makatulong sa pamilya na magkaisa kaysa sa mapagwatak-watak sanhi ng mga isyu na ito (Basahin ang FCA fact sheet Pagsasagawa ng isang Meeting ng Pamilya.)
Mga Pinagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong
Family Caregiver Alliance
National Center on Caregiving
(415) 434-3388 | (800) 445-8106
Website: www.caregiver.org
Pagaaring yaman: https://www.caregiver.org/tagalog/
E-mail: info@caregiver.org
FCA CareNav: https://fca.cacrc.org/login
Services by State: https://www.caregiver.org/connecting-caregivers/services-by-state/
Hangad ng Family Caregiver Alliance (FCA) na mapahusay ang kalidad ng buhay para sa mga caregiver sa pamamagitan ng edukasyon, mga serbisyo, pananaliksik, at pagtatanggol. Sa pamamagitan ng National Center on Caregiving nito, ang FCA ay naghahandog ng impormasyon sa kasalukuyang social, pampublikong patakaran at mga isyu sa pag-aalaga, nagkakaloob ng tulong sa pagde-develop ng pampubliko at pribadong mga programa para sa mga caregiver. Para sa mga residente ng mas nakalalawak na San Francisco Bay Area, ang FCA ay nagkakaloob ng direktang serbisyo ng suporta sa mga pamilya para sa mga caregiver noong may mga Alzheimer’s disease, stroke, pinsala sa ulo, Parkinson’s disease, at iba pang nagpapahinang karamdaman sa kalusugan na nararanasan ng mga adult.
Fact at Tip Sheets ng FCA
Isang listahan ng lahat ng mga fact at tip ay available online sa www.caregiver.org/tagalog.
Pag-aalaga kasama ang Iyong Mga Kapatid
Pag-aalaga sa Bahay: Gabay para sa Community Resources
Pagsasagawa ng isang Meeting ng Pamilya
Legal na Pagpaplano Para sa Kawalan ng Kakayahan
Mga Kasunduan sa Personal na Pag-aalaga
Mga Karagdagang Makukuhanan ng Impormasyon at Tulong
National Academy of Elder Law Attorneys
www.naela.org
Impormasyon kung paano pumili ng isang elder law attorney at mga rekumendasyon sa mga elder law na abogado.
Ang fact sheet na ito ay inihanda ng Family Caregiver Alliance at na-review ng Harrison Lazarus, CPA, Harrison Lazarus Advisors, Inc. © 2015 Family Caregiver Alliance. Naka-reserba ang lahat ng mga karapatan.