Caregiving 101: Sa Pagiging isang Caregiver
Ang caregiving (pag-aalaga) ay minsan dahan-dahan na dumarating sa iyo. Magsisimula ka sa pagdaan sa bahay ng nanay mo at ikaw ang maglalaba ng kaniyang mga damit o dadalhin mo ang iyong tatay sa appointment niya sa doktor. Makikita mo na lang ang sarili mo na namimili ng grocery at nagpapapuno ng mga reseta. Dahan-dahan, mas marami ang ginagawa mo. Sa parehong punto, matatanggap mo na may pananagutan ka na alagaan ang ibang tao.
Minsan, ang pag-aalaga o caregiving ay nagsisimula sa isang malubhang pangyayari sa kalusugan, tulad ng stroke, atake sa puso o aksidente. Baka bigla mong matatanto na ang mga pagkakalimot ni tatay ay maaaring maging mas malala. Ang buhay mo ay mahihinto, at ang lahat ng enerhiya mo ay mapupunta sa iyong mahal sa buhay. Ang pag-aalaga ay magiging bagong career mo, at aangkop ka sa bagong normal na pamumuhay na ito.
Ang Tungkulin bilang Caregiver
Ang mga caregiver ay maaaring mga asawa, kapartner, nasa hustong gulang na anak, mga magulang, iba pang mga kamag-anak (mga kapatid, mga tiyahin, mga pamangkin, mga biyenan, mga apo), mga kaibigan, mga kapit-bahay. Anuman ang relasyon mo sa taong inaalagaan mo, mahalagang isama mo ang tungkulin na caregiver sa mga listahan ng trabaho mo. Nang hindi tinutukoy ang iyong sarili bilang isang caregiver, hindi mo alam kung paano makakahanap ng mga mapagkukuhanan ng tulong at impormasyon na makakatulong sa iyong mag-navigate sa bagong tungkulin na ito.
Pero may iba pang mga tungkulin ang mga caregiver. Maaaring ikaw ay may full o part-time na trabaho. Maaaring nagpapalaki ka ng mga anak, o isang boluntaryo, asawa, may iba pang mga pananagutan sa pamilya. Ang pagdadagdag sa caregiving sa listahan na iyon ay madaling mahahantog sa pagkayamot at lubusang pagkapagod. Maaaring kailangan mong mag-navigate sa mga social service system, tumawag sa mga doktor habang ikaw ay nasa trabaho, ipagtanggol ang tumatanggap ng pag-aalaga, at asikasuhin ang kanilang pang-araw araw na mga pangangailangan, habang sinusubuan mong gawin ang lahat ng mga parehong bagay na gawi mo para sa iyong sarili at sa iyong pamilya.
Hindi ka masyadong nasanay na gumawa ng maraming mga iba’t ibang gawain na hinihiling mula sa iyo bilang isang caregiver. Bilang resulta nito, halimbawa, maaaring magkaroon ka ng sakit sa likod dahil di ka nagkaroon ng wastong pagsasanay mula sa isang physical therapist kung paano ang tamang paraan ng paglilipat sa isang tao mula sa kama papunta sa chair, o wheelchair papunta sa kotse. O biglang nasa situwasyon ka na nahihirapan pakitunguhan ang iyong nanay na may Alzheimer’s dahil hindi mo natutunan ang mga wastong mga skill na kinakailangan para makipag-usap sa isang taong may cognitive impairment.
Heto ang ilang mga karaniwang gawain ng mga caregiver:
- Bumili ng grocery, linisin ang bahay, maglaba, tulungan sa transportasyon
- Tulungan ang inaalagaan na magbihis, maligo, inumin ang gamot
- Ilipat ang tao mula sa kama/chair, tulungan sa physical therapy, gawin ang mga medikal na tulong – pag-iniksyon, mga feeding tube, paggamot sa sugat, mga paggagamot sa paghinga
- Ayusin ang mga medikal na appointment, magmaneho papunta sa doktor, sumama at makinig kapag may mga medikal na appointment, bantayan ang mga medikasyon
- Makipag-usap sa mga doktor, nars, mga care manager, at iba pa para maunawaan kung ano ang dapat gawin
- Maglaan ng panahon para mapangasiwaan ang mga krisis at pag-aayos para makakuha ng tulong – lalo na sa taong hindi puwedeng iwanan mag-isa
- Pangasiwaan ang mga pananalapi at iba pang mga legal na bagay
- Maging kasa-kasama ng inaalagaan
- Maging isang (madalas) na hindi binabayaran na katulong, na parating dating available 24/7
Ano ang lahat ng mga bagay na ginagawa mo? Subukang gumawa ng isang lsitahan, para sa sarili mong paglilinaw at para sa mga iba pang miyembro ng pamilya na hindi alam ang iyong mga ginagawa.
Mga Unang Hakbang para sa Mga Bagong Caregiver
- Madaling maguluhan sa sobrang dami ng kailangang gawin bilang isang bagong caregiver. Heto ang ilang mga hakbang na maaaring makatulong:
- Ipakilala ang iyong sarili bilang isang caregiver
- Kumuha ng mabuting diagnosis – mula sa isang espesyalista o geriatrician kung kinakailangan – ng kondisyong pangkalusugan ng iyong mahal sa buhay.
- Alamin ang mga partikular na skills na kakailanganin mo para alagaan ang isang taong may ganitong uri ng diagnosis (ang pag-aalaga sa isang taong may Frontotemporai dementia, halimbawa, ay iba sa pag-aalaga sa isang taong may chronic na sakit sa puso)
- Pag-usapan ang pananalapi at mga nais sa pangangalagang pangkalusugan
- Kumpletuhin ang lahat ng mga legal na dokumento, hal. Power of Attorney, Advanced Directives (Mga Paunang Pahayag ng Kagustuhan)
- Sama-samang pag-usapan kasama ng pamilya at mga kaibigan ang tungkol sa pag-aalaga
- Panatilihing may kaalaman sila sa kasalukuyang situwasyon
- Kilalanin ang mga mapagkukuhanan ng tulong, sa parehong personal at mula sa komunidad
- Maghanap ng suporta para sa iyong sarili at sa iyong mahal sa buhay
- Tandaan, na hindi ka nag-iisa
Mga Susi sa Pag-aalaga sa Iyong Sarili
Isang bagay na maghanda para sa isang panandaliang krisis. Pero kailangan ang ibang mga skill para makapagkaloob ng pag-aalaga ng matagalan. Mas magtatagumpa ka kung matutunan mong alagaan ang iyong sarili, at agad na magsisimula. Mga ilang bagay na dapat tandaan:
- Hindi ka perfect
- May karapatan ka sa lahat ng mga nararamdaman mo (Basahin ang FCA Fact Sheet Ang Pandamdaming Bahagi ng Caregiving.)
- Ang depression ang pinakakaraniwang nararamdaman ng mga pangmatagalang caregiver
- Magtakda ng mga makatotohanang inaasahan – para sa iyong sarili at sa iyong mahal sa buhay
- Alamin ang tungkol sa sakit at ano ang maaasahan mo
- Alamin ang mga kakayahan na kailangan mo para maalagaan ang tumatanggap ng alaga at alin ang magagawa at alin ang hindi
- Matutong “humindi” sa mga gawaing hindi mo kaya
- Matutong tumanggap ng tulong mula sa iba
- Patatagin ang laka
- Kilalanin ang nagpapasimula ng galit mo/mga nagdudulot ng stress
- Kilalanin ang iyong mga coping skill
- Tandaan nang tatlong pangunahing bagay para makaraos:
- Kumain ng wasto—ang mabuting nutrisyon salungat sa pagkain kapag stressed Limitahan ang alak at iba pang mga droga
- Ehersisyo—maaaring mahirap na maghanap ng oras pero ito ang pinakamabuting lunas sa depression at nagpaparami sa iyong mga endorphins (ang “mabuting” coping hormone)
- Tulog—7-8 na oras ay mahirap, pero mahalaga. Aminin kapag sobrang pagod ka na at humingi ng tulong
Ang pinakamahalaga, tandaan na ang pag-aalaga sa iyong sarili ay kasing halaga ng pag-aalaga sa iba.
Ang “IRS ng Caregiving (Pag-aalaga): Information (Impormasyon), Respite (Ginhawa), at Support (Suporta)
IMPORMASYON
Ang mga unang yugto ng pag-aalaga ang pinakamahirap. Ito ang umpisa kung saan wala kang masyadong alam kung anong kailangan at inaasahan, at kung kailan ka pinaka-insecure at walang katiyakan.
- Dagdag pa sa impormasyon tungkol sa sakit/kapansanan na hinaharap ng iyong mahal sa buhay, kailangan mong maunawaan ang kaniyang mga gamot at mga medical na intervention. (Basahin ang FCA Fact Sheet Gabay ng Mga Caregiver sa Mga Gamot at Pagtanda.)
- Ano ang mga kaalaman/skill na kailangan mo para maalagaan siya? Saan ako maaaring magsanay para magawa ang mga kinakailangang gawain? Paano ako matututo na wastong:
- Magpakain, magpaligo, mag-ayos, o bihisan ang iba?
- Pamamahala sa paggamit ng banyo o paano papakitunguhan ang kawalan ng kakayahang pigilan ang pag-ihi o pagdumi?
- Pamamahala sa komplikadong schedule ng gamot?
- Paglipat sa iba o tulungan sila sa paglalakad?
- Paano sumusulong ang sakit na ito at paano ito makaka-apekto sa kakayahan ng inaalagaan na maasikaso ang kaniyang sarili?
- Ano ang mga pangangailangan sa pag-aalaga ngayon at ano ang marahil para sa hinaharap?
- Ano ang mga pisikal na limitasyon na mayroon ngayon o magkakaroon ang inaalagaan?
- Ano ang mga cognitive na pagbabago na maaasahan mo?
- May mga maaasahan bang pagbabago sa pag-uugali na kasabay ng mga ito?
- Paano ko haharapin ang mga pagbabagong ito?
- Kung ikaw ay nag-aalaga sa isang taong may dementia, halimbawa, kailangan mong matutunan ang mga estratehiya para sa komunikasyon para magtagumpay ka at gumanda ang kooperasyon sa inaalagaan mo.
- Ano ang situwasyon sa pananalapi? (Tingnan ang FCA Fact Sheet Ang Dapat Malaman ng Bawat Caregiver Tungkol sa Pera.)
- Magkano ang pera na available para makatulong sa pag-aalaga?
- Sino ang puwedeng maka-access dito (Mayroon na bang nakatalagang Financial Power of Attorney)?
- May mga utang o iba pang mga limitasyon sa paggamit ng pera?
- Ano ang mga legal na bagay bagay na dapat mong malaman? (Tingnan ang FCA Tip Sheets Legal na Pagpaplano para sa Kakulangan sa Kakayahan at Saan Mahahanap ang Aking Mahahalagang Mga Papeles.)
- Mayroon bang Will? Mayroob bang Trust?
- Nakumpleto ba ang Medical Power of Attorney (tinatawag rin na Living Will)? (Basahin ang FCA Tip Sheet, Advanced Health Care Directives at POLST.)
- Mayroon ka bang nilagdaan na Release of Information (Pagpapalabas ng Impormasyon at naka-file ba ito sa (mga) doktor ng inaalagaan?
Maaaring hindi mo alam ang mga mapagkukuhanan ng impormasyon at tulong sa komunidad para sa caregiving, pero naroroon ang mga ito para makatulong sa iyo. Makakahanap ka ng tulong sa karamihang mga komunidad para sa transportasyon, mga delivered sa bahay na pagkain, mga day care program, mga pag-aayos sa tahanan, at marami pang iba. Para lubos na matutunan ang tungkol sa mga ito, makipag-ugnayan sa iyong lokal na Area Agency on Aging (AAA) at alamin kung saan ito available sa lugar mo – hindi lamang para sa mahal mo sa buhay, pero para rin sa iyo. (Sa karamihang mga komunidad, ang mga AAA ay maaaring maka-ugnayan sa pamamagitan ng pagtawag sa 211). Maraming mga benepisyo na hindi mo pa nakonsidera – tanungin ang Title IIIE na pagpopondo, ang bahagi ng Older Americans Act na tiyak para sa mga caregiver. Maaaring mayroong mga benepisyo para sa Mga Beterano. Ang iba pang mga benepisyo ay matatagpuan sa Eldercare Locator, or FCA’s Family Care Navigator.
RESPITE
Ang pag-aalaga ay madalas na isang magdamagan na trabaho 24/7, at lahat ay kailangan rin magpahinga paminsan-minsan. Ang pagpapahinga sa trabaho ng panandalian ay makakapagbigay sa iyo ng pananaw at ipaalala sa iyo na may iba pang mundo sa labas. Ang pagpapahinga mula sa pag-aalaga ay makakapagbigay sa iyo ng pagkakataon na maka-ugnayan ang iba, makihati, tumawag, maging nasasapanahon sa mga bali-balita, at magbago. Pero maaaring isang panahon rin ito na gumawa ng mga bagay na nakapagdudulot ng relax sa iyo, tulad ng pagbabasa ng libro ng hindi nagagambala, pag idlip, o paglalakad-laakd. Ang pahingang ito ay isang kinakailangang hakbang sa pag-aalaga ng iyong sarili para maalagaan mo rin ang iba.
Ang pagpapahinga ay maraming mga anyo, mula sa pagbabakasyon ng saglit, hanggang sa pagpapabantay sa iyong bahay ng ilang oras para may magawa kang mga personal na lakad o mag-isang magpunta sa doktor. Ang lokal na adult day care programa ay maaaring may maihahandog na sapat na oras ng pag-aalaga – kasama na ang transportasyon – para makapagtrabaho ka o magawa ang iba mong pang mga kailangan gawin o mga interes mo. Ang ilang mga residential na pasilidad ay naghahandog rin ng pansamantalang respite o pagpapahinga. Maaaring may mga available na pondo sa pamamagitan ng iyong Area Agency on Aging at pati na rin mga organisasyon sa iyong komunidad na makakatulong sa iyong makuha ang pahinga na kinakailangan mo (at available rin sa pamamagitan ng Veteran’s Adminstration para sa mga eligibile). Ang mga faith community, mga organisasyon na ayon sa partikular na sakit at ang network mo ng mga kaibigan ay maaaring makatulong rin.
Sa una, hindi ka madadalian na magpahinga. Sa una, mayroon tayong sariling pag-aatuili na iwanan ang mahal sa buhay, lalo na kung siya ay makakaramdam ng iniwan kung umalis ka. O may takot na may masamang mangyayari kapag ikaw ay wala at ikaw lang ang makakapag-alaga sa kaniya ng wasto. Maaaring makaramdam ka ng guilt at hindi sigurado kung may karapatan kang magsaya kung ang mahal mo sa buhay ay nagdurusa. Maaaring nababahala ka sa gastusin. Pero tandaan, kailangan mo rin alagaan ang iyong sarili.
SUPORTA
Hindi mo ito magagawa ng nag-iisa! At, tulad ng pagpapahinga, ang pagkuha ng suporta para sa iyong situwasyon sa pag-aalaga ay makakatulong sa iyong mas maalagaan ang iyong sarili. Mas matagal kayo bilang isang caregtiver, mas nag-iisa kayo. Ilang beses mong masasabi na, “Hindi ako puwede” bago huminto ang pagtawag sa iyo ng mga tao? Pero ang kawalan ng social interaction na ito ay magdudulot ng di magandang kalusugan para sa iyo. Ang isang dahilan na hindi nakakakuha ng tulong ang mga caregiver ay dahil ang pag-aalaga sa iyong sarili ay tila “isa pang bagay na kailangang mong gawin.”
Pero kailangan nating lahat ng may makakausap. Ang mga special caregiver support group sa iyong komunidad o online ay makakatulong na mabawasan ang pakiramdam na ikaw ay nag-iisa at makakatulong sa iyong mga coping skill mula sa iba na nasa katulad na situwasyon. (Basahin ang FCA Fact Sheet Ang Pag-aalaga sa IYONG SARILI: Pag-aalaga sa Sarili para sa Mga Caregiver ng Pamilya.)
Ang pagdadagdag ng stress sa isa nang mahirap na situwasyon, ang pag-aalaga ay maaari rin magdulot ng di pagkakasunduan sa pamilya, lalo na kung sa pakiramdam mo ay hindi ka nakakatanggap ng tulong at suporta na kailangan mo mula sa mga miyembro ng iyong sariling pamilya. Maaaring magkaroon ng mga samaan ng loob sa lahat ng mga panig. Kung ikaw ay nakikitungo sa di pagkakasunduan sa pamilya, maaaring makatulong na magpulong-pulong. (Tingnan ang FCA Fact Sheets Pagkakaroon ng isang Meeting ng Pamilya at Pag-aalaga kasama ang Iyong Mga Kapatid.)
Paghingi ng Tulong
Ang karamihan sa atin ay nahihirapan na humingi ng tulong. Halos 50% ng mga caregiver ay walang nakukuhang panlabas na tulong. Kapag may nagtanong kung may magagawa sila para makatulong, ang karamihan sa atin ay madalas na sinasabing, “Wala naman. Ok lang, ok lang kami.” Kapag ikaw ay isang caregiver, maaaring mas mahirap ito. Sino ang puwede mong tawagan at ano ang mahihiling mo sa kanilang gawin? Matutunan na tumanggap ng tulong sa umpisa ng iyong transisyon ng pagiging isang caregiver na magpapadali lumaon.
Ang maliliit na mga bagay-bagay na regular na ginagawa ay maaaring malaki ang matutulong. Marahil may isang puwedeng magdala paminsan-minsan ng pagkain o dessert. Ang paghingi ng tulong sa mga gawaing bahay ay maaaring isang oportunidad para makipaghalubilo at pati na rin matapos ang mga gawain. Baka mayroong biglang bumisita at samahan ang iyong mahal sa buhay para makatakbo ka papunta sa grocery. Gumawa ng isang listahan na kailangan mo ng tulong. Idikit ito sa refrigerator. Kung may kailangan ng tulong, ipakita sa kanila ang listahan at hayaan sila ang pumili kung ano ang magagawa nila. Sa ganoong paraan, mas marahil na masisiyahan sila sa gawain. Kung alam mo na may kaibigan kang mahilig magluto pero hindi mahilig magmaneho, ang iyong mga posibilidad na magkaroon ng tulong sa paghahanda ng makakain sa sahil na magmaneho papunta sa isang appointment.
Ang Pag-aalaga sa IYONG SARILI:
Ang caregiving ay maraming mga hamon at marami ring gantimpalang nabibigay. Pero kailangan ninyong unawain ang sarili mong mga pangangailangan at pati na rin mangako sa pag-aalaga sa ibang tao. Iyon lang ang paraan para mapanatili ang iyong pasensya at mapanatili ang pag-aalaga mo at magtagumpay paglipas ng panahon. Maraming mga bagay na dapat matutunan at ang karamihan ng mga caregiver ay “umaangkop” lang lumaon. Ang pagkuha ng wastong impormasyon at training ay makakatulong sa iyong magkaroon ng tiwala sa sarili na gawin ang maraming mga trabaho. Ang impormasyon ay available online, sa mga tiyak sa sakit na website, sa Family Caregiver Alliance, sa pamamagitan ng mga medical provider, sa Area Agencies on Aging, sa ilang mga employee assistance program, mga support group, mga senior center, at sa iyong komunidad. Simulan sa pagsasabi ng “Ako’y isang caregiver at kailangan ko ng tulong.”
Mga Pinagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong
Family Caregiver Alliance
National Center on Caregiving
(415) 434-3388 | (800) 445-8106
Website: www.caregiver.org
Pagaaring yaman: https://www.caregiver.org/tagalog/
E-mail: info@caregiver.org
CareNav: https://fca.cacrc.org/login
Services by State: https://www.caregiver.org/connecting-caregivers/services-by-state
FCA Fact Sheets: www.caregiver.org/fact-sheets
Hangad ng Family Caregiver Alliance (FCA) na mapahusay ang kalidad ng buhay para sa mga caregiver sa pamamagitan ng edukasyon, mga serbisyo, pananaliksik, at pagtatanggol.
Sa pamamagitan ng National Center on Caregiving nito, ang FCA ay naghahandog ng impormasyon sa kasalukuyang social, pampublikong patakaran at mga isyu sa pag-aalaga, nagkakaloob ng tulong sa pagde-develop ng pampubliko at pribadong mga programa para sa mga caregiver.
Para sa mga residente ng mas nakalalawak na San Francisco Bay Area, ang FCA ay nagkakaloob ng direktang serbisyo ng suporta sa mga caregiver noong may mga Alzheimer’s disease, stroke, traumatic brain injury, Parkinson’s disease, at iba pang nagpapahinang karamdamang pangkalusugan na nararanasan ng mga adult.
ElderCare Locator
Isang pampublikong serbisyo ng Administration on Aging, U.S. Department of Health and Human Services, eldercare.acl.gov.
Ang fact sheet na ito ay inihanda ni Donna Schempp, LCSW, at ni-review ng Family Caregiver Alliance. Pinondohan ng California Department of Health Care Services. © 2016 Family Caregiver Alliance. Naka-reserba ang lahat ng mga karapatan.