Dementia: Ano ang Dementia at Ano ang Ibig Sabihin Nito? (Dementia: Is This Dementia and What Does It Mean?)
Talaan ng mga Nilalaman
- Ang alaala at pagtatanda
- Ang ilan ay mababalik sa dati, ang iba naman ay hindi
- Paano nakikilala ang sakit na dementia?
- Ano ang mga reversible dementia?
- Paano naman ang lumalala, o di nababalik sa dating kalagayan (irreversible) na mga dementia?
- Mga Medikal na Paggagamot para sa Dementia
- Pakikipag-usap Tungkol sa Dementia sa Mga Health Care Provider
- Ano ba talaga ang tungkulin ng caregiver (tagapag-alaga)?
- Ito ay tila nakakagulat na tanggapin kaagad. Mayroon bang available na tulong?
Ano ang unang naiisip kapag narinig mong may taong may dementia?
Para sa karamihan, ang katawagan ay nauugnay sa mga nakakatakot na kahulugan.
Sa katotohanan, ang dementia ay isang grupo ng mga sintomas, mga pagbabago sa personalidad, o di karaniwang pag-uugali. Maaaring kabilang sa mga ito ang:
- panandaliang memory loss
- pagkalito
- kakulangan ng kakayahan na makalutas ng problema
- kawalan ng kakayahan na kumpletuhin ang mga aktibidad na maraming hakbang (paghahanda ng pagkain, o pagbabalanse ng isang checkbook)
Ang pagsasabing ang isang tao ay may dementia ay tumatanggap sa mga pagbabago na ito sa isang tao, pero wala itong pagpapaliwanag kung bakit sila mayroong ganitong mga sintomas. Hindi nito ipinapaliwanag ang dahilan.
Ang alaala at pagtatanda
Ang anumang uri ba ng pagkalimot o paghina ng alaala ay nangangahulugan na dementia? Hindi ba’t normal na parte ng pagtanda ang memory loss — isang bagay na dapat nating asahan lahat?
Ang pagtatanggap sa mga pagbabago sa alaala sa isang kaibigan o miyembro ng pamilya ay maaaring mahirap. Hindi kakaiba na sabihing ito ay isang normal na bahagi ng pagtatanda bilang isang paraan ng pagpapagaan kung ano ito talaga para sa iyong pamilya. Sa totoo, alam natin na ang malubhang memory loss ay hindi isang normal na parte ng pagtanda, at wala sinuman sa atin ang dapat na huwag pansinin o di ito bigyang halaga.
Para sa ilan sa atin, ang gawi ay maaaring kabaliktaran – ang pagtitiyak na ang isang kaibigan o miyembro ng pamilya ay mayroong Alzheimer’s disease. Minsan (hindi parati), ito ay Alzheimer’s.
Pero may iba pang mga kondisyon na may katulad na mga sintomas. Maaari rin magdulot ang mga ito ng memory at cognitive na problema na nakakagambala sa mga pang-araw araw na aktibidad. Ang ilan ay nakaka-apekto sa mas bata at pati na rin sa mas nakatatanda.
Ang ilan ay mababalik sa dati, ang iba naman ay hindi
Ang ilang mga kondisyon ay maaaring magdulto ng mga nababalik sa dating kalagayan na dementia. Ang mga interaksyon ng mga gamot, depression, mga kakulangan sa bitamina, at thyroid na abnormalidad ay lahat maaaring magdulot ng pansamantalang pagkakaroon ng dementia o delirium. Sa kabutihang palad, ang maagang pagtutuklas, ang naaangkop na paggagamot ay tunay na makakapagbalik sa dating kalagayan ang mga kasong ito.
Ang di mababalik sa dating kalagayan na mga dementia ay lumalala, at ang Alzheimer’s disease ay ang pinakakaraniwan. Ang iba pang mga degenerative dementia ay maaaring mukhang Alzheimer’s, pero mayroon silang mga bukod-tanging mga katangian na kailangan ng espesyal na pansin at iba’t ibang mga paggagamot.
Sa maraming mga dahilan ng pagkakaroon ng dementia – at ang paggagamot sa bawat isa – makikita natin kung bakit ang malinaw at nasa oras na diagnosis ay lubos na kritikal.
Paano nakikilala ang sakit na dementia?
Ang diagnosis ng dementia ay kailangan ng kumpletong medial at neuropsychological na evaluation. Tinitiyak muna ng proseso kung ang tao ay may cognitive na problema at kung gaano kalala ito. Makalipas ang diagnosis at pagtutuklas sa sanhi, maaaring magrekumenda ang doktor ng paggagamot. At ang mga pasyente at caregiver ay maaari nang magplano para sa hinaharap.
Isang medikal na evaluation para sa dementia ay karaniwang binubuo ng ilang mga parte.
- Pagbabalik-aral sa kasaysayan o pagsisimula ng mga sintomas
Maaaring magtanong ang mga clinicain sa iyo o sa taong inaalagaan mo ng mga tanong tulad ng:
- Ano ang mga problemang naobserbahan o nakilala mo?
- Ano ang kaayusan ng pagkakasunod na naganap ang mga pagbabagong ito?
- Gaano katagal na ang mga sintomas?
- Paano ito nakaka-apekto sa kakayahan ng tao na gumana sa pang-araw araw?
Maaaring hindi matandaan ng pasyente ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o kalubhaan ng problema. Ito ang dahilan kung bakit ang caregiver o iba pang kilala ang indibiduwal ang dapat sumama sa pasyente at ibigay ang imppormasyong ito sa care team.
2. Medical history (medikal na kasaysayan) at mga gamot
Ang mga detalye ng medical history ay maaaring tumiyak sa lumalalang panganib sa isang partikular na uri ng dementia. Isang review ng mga gamot ay makakatulong sa mga clinican na mamarkahan ang mga partikular na gamot o mga reaksyon na gamot na maaaring magdagdag sa mga cognitive na problema. Muli, mahalaga na mayroong tiyak na mabibigay ang impormasyong ang kasama ng indibiduwal habang appointment.
3. Neurological exam
Ang mga neurological exam ay naghahanap ng mga sintomas na maaaring magpahiwatig ng mga partikular na uri ng dementia o iba pang mga kondisyon, tulad ng stroke o Parkinson’s disease, na may mas mataas na panganib para sa mga cognitive na problema.
4. Mga pagsusuri sa laboratoryo
Baka di isama ng iyong doktor ang posibleng kakulangan sa bitamina, impeksyon, o hormone imbalance – ang lahat ay maaaring magdulot ng mga cognitive na sintomas. Ang mga halimbawa nito ay kinabibilangan ng:
- Thyroid imbalances
- Vitamin B12 deficiency
- Syphilis
Mga karaniwang chronic na kondisyon tulad ng mataas na cholesterol at mataas na presyon ng dugo ay nalalagay sa panganib ang isang tao na mag-develop ng dementia. Maaaring i-utos ng doktor ang mga lab test para ma-screen sa panganib na ito.
5. Brain imaging
Ang CT scan o MRI ay nagtatasa sa anatomy ng utak para sa mga kondisyon na maaaring magdulot ng mga cognitive na pagbabago, tulad ng brain tumor o strokee. Ang mga imaging test ay maaaring magsilbi rin bilang punto ng pagsisimula o sanggunian para sa laki ng utak at mga pagbabago sa blood vessel na babantayan lumaon.
6. Mental status testing
Kilala rin bilang neuropsychological exams, ang mga tanong na ito na nasa papel ay sumusuri sa maraming area ng cognition:
- Memorya
- Lengguwahe
- Paglulutas sa problema
- Pagpapasya
Pinaghahambing ng care team ang mga resulta ng test sa mga pasyenteng may parehong edad, edukasyon, at etnisidad. Ito ay nakakatulong na makilala ang nauugnay na dalas at kalubhaan ng mga pinaliwanag na isyu.
Ang diagnosis ay gumagabay sa paggagamot
Ang proseso ng pagbibigay ng diagnosis sa dementia ay nagiging mas wasto nitong nakaraang mga taon. Sinusuri ng mga espesyalista ang data na nakolekta at nagpapasya kung may problema, kung gaano ka-advanced na ito, at ang madalas na sanhi ng dementia.
Ang sanhi man ay nababalik sa dating kalagayan o di nababalik sa dati, ang kondisyon ay gumagabay sa plano sa paggagamot at pag-aalaga para sa iyong kaibigan o miyembro ng pamilya.
Mahalaga ang isang malinaw na diagnosis.
Ano ang mga reversible dementia?
Sa mas nakatatanda, may iba’t ibang mga sakit at disorder na maaaring magdulot ng paghina ng cognitive na paggana. Ang sakit o reaksyon sa gamot ay maaaring magdulot ng pagbabago sa kalagayan ng kaisipan (mental). Ang mga sintomas na ito ay minsan tinatawag na “pseudodementias.” Isang medikal na evaluation ay maaaring magpasya kung reversible (mababalik sa dating kondisyon) ang dementia o magagamot ito.
Ang mga kondisyon at pangyayari ay maaaring magdulot ng mga reversible na sintomas ng dementia:
Mga reaksyon sa medikasyon
- Ang isang karaniwang dahilan na nakakaranas ang mga mas nakatatanda ng mga sintomas na tila may dementia ay ang salungat na reaksyon sa gamot.
- Dapat na bantayan ng doktor ang lahat ng mga gamot, reseta, over-the-counter na mga remedyo, at mga herbal supplement para mabawasan ang mga posibleng side effect.
Endocrine abnormalities
- Ang mababa o matataas na thyroid level, parathyroid disturbance, o adrenal abnormality ay lahat maaaring magdulot ng pagkalito na tila dementia.
Metabolic disturbances
- Ang di paggana ng bato at atay, ang eletrolyte imbalance (blood chemistry level), hypoglycemia (low blood sugar), hypercalcemia (high calcium), at mga sakit sa atay at pancreas — ay lahat maaaring magdulot ng pagkalito at pagbabago sa ganang kumain, tulong at mga damdamin.
Emotional distress
- Ang depresion o pangunahing pagbabago sa buhay tulad ng pagreretiro sa trabaho, diborsyo, o pagpanaw ng kaibigan o miyembro ng kaibigan na maaaring maka-apekto sa kalusugan ng katawan at pangkaisipan.
- Mahalagang sabihin sa doktor ang tungkol sa mga pagbabago sa buhay na maaaring magdulot ng stress.
Paningin at pandinig
- Ang mga di natuklasang problema sa paningin o pandinig ay maaaring magresulta sa di naaangkop na mga pagsagot – at maaaring mali ang pagkakaintindi.
- Dapat magsagawa ang care team ng mga hearing at eye exam para makilala ang anumang mga isyu.
Mga impeksyon
- Maaaring sintomas ng impeksyon ang pagkalito.
- Sabihin agad ang anumang hudyat ng pagkalito sa doktor.
Mga Kakulangan sa Nutrisyon
- Ang mga kakulangan sa B vitamins (folate, niacin, riboflavin, and thiamine) ay maaaring magdulot ng cognitive impairment.
Paano naman ang lumalala, o di nababalik sa dating kalagayan (irreversible) na mga dementia?
Kung hindi nakonsidera batay sa mga diagnostic ang dementia at napagpasyahan ng care team na ang tao ay may lumalala o di na mababalik sa dati na dementia, mahalaga na hanapin ng mga pamilya at medikal na tauhan ang sanhi ng problema.
Ito ay nakakatulong na tiyaking ang taong naaapektuhan ay nakakatanggap ng wastong medikal na pag-aalaga. Pinapahintulutan rin nito ang mga pamilya na planuhin ang kanilang pag-aalaga at makahanap ng suporta at mapagkukuhanan ng impormasyon at tulong.
Heto ang pinakakaraniwang mga lumalalang dementia:
Alzheimer’s disease
- Ang Alzheimer’s disease ay ang pinakakaraniwang sanhi ng dementia sa mga taong may edad na mas matanda sa 65 taong gulang kahit na maaari rin ito maranasan ng mga taong mas bata. Ang Alzheimer’s ay nakaka-apekto sa humigit-kumulang sa 35 porsiyento ng mga taong mas matanda sa 85 taong gulang.
- Sa kasalukuyan,di tiyak na masasabi ng mga researcher ang sanhi ng sakit na ito, at walang lunas dito.
- Ang mga sintomas ay iba-iba sa bawat isa, pero ang paghina ng memorya, pag-iisip, at kakahayan na mag-function ay lumalala sa loob ng ilang taon, na hahantong sa matinding kawalan ng kakayahan kumilos o gumana.
Ischemic vascular dementia (IVD)
- Ang IVD ay ang ikalawang pinaka-karaniwang dementia.
- Ito ay nauuri sa biglang kawalan ng function o pangkalahatang pagbagal ng mga kakahayang cognitive na gumagambala sa “mga executive function,” tulad ng pagpaplano at pagkukumpleto ng mga dapat gawin.
- Kapag biglaang nagkaroon ng mga sintomas, ang tao ay karaniwang nagkaroon ng stroke.
- Para sa iba, ang kondisyon ay dahan-dahan na nade-develop na may dahan-dahan na kawalan ng paggana at/o pag-iisip.
Dementia with Lewy bodies (DLB)
- Ang Dementia with Lewy bodies (DLB) ay isang progresibong degenerative disease (lumalalang) sakit.
- Ito ay may katulad na mga sintomas ng Alzheimer’s disease at Parkinson’s disease.
- Ang mga taong may ganitong sakit ay may mga sintomas sa pag-uugali at memorya na maaaring paiba-iba, at pati na rin mga problema sa pagkilos na karaniwang nakikita sa may Parkinson’s disease.
- Ang mga karaniwang sintomas ay kinabibilangan ng kahirapan o problema sa pagtulog habang REM sleep at mga halusinasyon.
Frontotemporal dementia (FTD)
- Ang FTD ay isang degenerative na kondisyon ng unahan (anterior) na parte ng utak, na minsan ay makikita sa mga brain scan.
- Ang frontal at anterior temporal lobes ng utak ay nagkokontrol sa pangangatuwiran, personalidad, kilos, pananalita, lengguwahe, mga social grace, at ilang mga aspekto ng memorya. Maaaring humantong ang mga sintomas sa maling diagnosis tulad ng psychological o emotional na based na problema.
- Ang FTD ay karaniwang nangyayari makalipas ang edad na 40 taong gulang at karaniwan bago ang edad na 65.
- Ang mga sintomas ay nakikita sa dalawang magkasalungat na paraan: Ang ilang mga indibiduwal ay overactive, di mapakali, distracted, at pabigla-bigla (nagpapakita ng mahinang pagpapasya sa kapwa); ang iba ay nawawalan ng gana, di aktibo, at may limitadong mga damdamin.
Creutzfeldt-Jakob disease
- Ang Creutzfeldt-Jakob disease (CJD o Jakob-Creutzfeldt disease) ay isang mabilis na sumusulong at nakakamatay na sakit sa utak.
- Ito ay parte ng pamilya ng mga sakit, na tinatawag na transmissible spongiform encephalopathies, na dulot ng isang agent na tinatawag na prion (“pree-on”).
- Ang kondisyon na ito ay maaaring lubos na mahirap i-diagnose dahil marami itong iba’t ibang mga sintomas kasama na ang mga pagbabago sa ugali, mga pagbabago sa pagkilos, mga cognitive na pagbabago, at pangkalahatan na mga pagbabago sa kapakanan tulad ng mga problema sa pagtulog, kawalan ng ganang kumain, at mga sakit ng ulo.
Parkinson’s Dementia
- Ang “Parkinsonism” ay ang pangalan na binigay sa isang koleksyon ng mga sintomas na binubuo ng panginginig, paninigas, bagal sa pagkilos, at di matatag na paglalakad.
- Maraming mga neurological na disorder ay may mga katangian ng parkinsonism, kasama na ang ilang mga dementia.
- Kapag nagkakaroon ng parkinsonism ng walang iba pang mga neurological na abnormality, at walang makilalang dahilan, ang disorder ay tinatawag na Parkinson’s disease tulad ng English na doktor na unang nakatuklas nito noong 1817.
Progressive supranuclear palsy (PSP)
- Ang mga taong may PSP ay karaniwang nagpapakita ng isang grupo ng tatlong mga sintomas na ito: Ang dahan-dahan na kawalan ng balanse at hirap sa paglalakad; kawalan ng kontrol ng kusang pagkilos ng mga mata; at dementia.
- Kahit na ikinokonsidera ng mga eksperto ang tatlong sintomas na ito na mga hudyat ng PSP, ang mga pasyenteng may ganitong disorder ay nakakaranas rin ng iba pang mga sintomas na karaniwan sa lumalalang uri ng sakit sa utak-. Kabilang sa mga ito ang kahirapan sa pagkilos, pananalita at paglunok, at pati na rin mga pagbabago sa pag-uugali.
- Ito ay dahil medyo bihira ito, ang PSP ay madalas na mali ang pagka-diagnose sa Parkinson’s disease. Pero ang tugon na paggagamot at mga klinikal na sintomas ay iba, kaya’t lubos na mahalaga ang diagnosis.
Normal pressure hydrocephalus (NPH)
- Di matatag na paglalakad, di mapigilan na pag-ihi, at dementia ay mga hudyat at sintomas na karaniwang natutuklasan sa mga pasyenteng may NPH.
- Ikinokonsidera na bihirang dahilan ng dementia, ito ay nakaka-apekto sa mga taong mas matanda sa 60 taong gulang.
- Ang eksaktong pagkakaroon ng NPH ay mahirap matuklasan, dahil ang kondisyon ay walang pormal at napagkasunduang depinisyon.
- Binabase ng mga doktor ang diagnosis sa radiographic na katibayan (CT o MRI, halimbawa); ang iba pang mga propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan ay mas umaasa sa mga klinikal na indikasyon. Pero kahit ganoon ay gumagamit pa rin ang iba ng mga kombinasyon ng mga senyas at sintomas na natuklasan nilang maaasahan.
- Karaniwan, ang paggagamot ay isang surgical implant (kailangan operahan) ng isang shunt para mabawasan ang presyon na sanhi ng pamumuo ng cerebrospinal fluid.
Huntington’s disease (HD)
- Ang Huntington’s disease ay isang nakakamatay na disorder na nauuri ng mga di kusang pagkilos (chorea) at cognitive na paghina (dementia).
- Ito ay sanhi ng genetic mutation na maaaring ipasa mula sa bawat henerasyon ng pamilya.
- Ang HD ay isang sakit na may matinding neurological at psychiatric na mga feature na nakaka-apekto sa mga istruktura sa kaloob-looban ng utak — lalo na ang basal ganglia, na responsable para sa pagkilos at koordinasyon. Ang mga istruktura na may responsibilidad para sa pag-iisip, pananaw, at memorya ay naaapektuhan rin. Ito ay marahil sa mga koneksyon mula sa basal ganglia hanggang sa frontal lob ng utak.
- Bilang resulta, ang mga pasyente ay maaaring makaranas ng di nakokontrola na pagkilos (tulad ng paikot-ikot), kawalan ng mga kakayahang mag-isip, at mga gambala sa emosyon at pag-uugali.
Mga mixed na dementia
- Minsan, ang dalawa sa mga kondisyong ito ay nagkakapatong-patong. Ito ay karaniwang nakikita sa Alzheimer’s disease at vascular dementia, at pati na rin sa Alzheimer’s disease at Lewy bodies dementia.
Mga Medikal na Paggagamot para sa Dementia
Walang lunas para sa degenerative o irreversible dementia. Sa ganoong dahilan, ang mga medikal na paggagamot ay nakatuon sa cognitive at functional na kakayahan ng indibiduwal.
Ang mga tiyak na paggagamot ay nag-iiba iba depende sa sanhi ng dementia:
- Para sa mga pasyenteng may Alzheimer’s disease at Lewy body disease, ang mga gamot na tinatawag na cholinesterase inhibitors ay available. Ang mga ito ay pansamantalang makakapagpahusay sa mga sintomas sa pamamagitan ng pagpapalakas sa mga kemikal na kabilang sa memorya at pagpapasya. Ang iba pang mga gamot ay memantine, na maaaring pansamantalang mapahusay ang mga sintomas sa pamamagitan ng pagpapababa sa abnormal na aktibidad ng utak. Ang mga bagong gamot ay binubuo at pinag-aaralan at maaaring maaprubahan ng FDA. Maaaring limitado ang mga ito para sa mga taong nasa maagang yugto ng demensya o magagamit lamang para sa mga kalahok sa mga klinikal na pagsubok. Ang isang neurologist ay maaaring makatulong na matukoy kung ang mga ito ay angkop at upang suriin ang mga panganib at benepisyo.
- Ang paggagamot sa vascular dementia ay nakatuon sa pagkokontrola ng mga factor sa panganib tulad ng mataas na presyon ng dugo at mataas na cholesterol.
- Bago ikonsidera ng isang doktor ang pagrereseta ng iba pang mga gamot para mapamahalaan ang mga sintomas (hal. mga sleep disorder, mga problema sa pagkilos, depression, o pagkakaantig), kailangan nilang maingat na pag-usapan ang tungkol sa panganib at benepisyo kasama ng pasyente, ang tagapag-alaga (caregiver), at ang pamilya. Higit pa dito, ang mga behavioral intervention at non-pharmacological na intervention ay kailangan subukan muna.
- Ang mga paggagamot ay nag-iiba iba batay sa sanhi. Depende sa uri ng dementia, ang ilang mga gamot ay hindi pinapayo – at maaaring magpalala pa sa mga sintomas. Para sa mga dahilang ito, kritikal ang isang wastong diagnosis.
Manaliksik sa mga sanhi at paggagamot para sa dementia ay mabiis na nagpapatuloy. Inaasahan nating lahat ang mga bagong development na isang araw ay maaaring makapagpatigil, malunasan, at kahit maiwasan ang mga nagpapahinang disorder na ito..
Pakikipag-usap Tungkol sa Dementia sa Mga Health Care Provider
Ang mabuting komunikasyon sa primary care provider o neurologist ay nakaka-epekto sa kapakanan ng taong may dementia at pati na rin ang caregiver.
Ang pagsasabi ng iyong mga ikinababahala at paglalarawan sa mga pagbabago na na-obserbahan mo ay magbibigay gabay sa provider para maimbestigahan. Sa ilang mga kaso, maaaring makita mo ang iyong sarili na “tinuturuan” ang medical staff tungkol sa mga sintomas ng tao na inaalagaan mo.
Mahalaga na ang iyong mga ikinababahala ay ganap na isinasaalang-alang, at ikaw ay ginagamot ng may paggalang at dignidad.
Kung hindi ka nakakatanggap ng pansin na sa pakiramdam mo ay kailangan, sabihin ang iyong mga ikinababahala sa provider. Ang request para sa pagrerekumenda sa isang mapagkukuhanan ng impormasyon o tulong sa komunidad na dalubhasa sa evaluation ng mga taong may cognitive na kondisyon. Ang layunin ay makapagtatag ng partnership para mapanatili ang kalidad ng buhay ng may dementia at malutas ang mga maaaring harapin na problema. Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang “Pathways to Effective Communication for Healthcare Providers and Caregivers” ng FCA: https://www.caregiver.org/resource/pathways-effective-communication-healthcare-providers-and-caregivers/.
Ano ba talaga ang tungkulin ng caregiver (tagapag-alaga)?
Makipag-ugnayan sa care team
Magtatag ng mabuting relasyon sa trabaho kasama ng primary care physician. Nakakatulong na tiyakin ang mabuting pag-aalaga at patuloy na pagsusuporta.
Dapat ay naroon habang isinasagawa ang komprehensibong mga medikal na gagawin na maaaring hindi isama ang mga magagamot na kondisyon at magbibigay impormasyon sa kasalukuyang katayuan. Ang pagsasagawa nito ay magbibigay ng pundasyon sa pagpaplano sa pag-aalaga, ngayon at sa kinabukasan.
Palawakin ang kaalaman at skills
Ang isang tamang diagnosis ay magsisimula sa proseso ng edukasyon para sa mga caregiver at mga pamilya para matugunan ang mga pangangailangan, at malalaman kung saan makakakuha ng mga mapagkukuhanan ng tulong at impormasyon at magamit agad ang mga ito.. Kailangan sa irreversible dementia ang antas ng pag-aalaga na kumakaunti habang sumusulong ang sakit. Sa pamamagitan ng edukasyon at sa paggamit ng mga available na mapagkukuhanan ng impormasyon at tulong, ang mga pamilya ay maaaring matuto ng mga bagong skil para mapamahalaan ang paiba-ibang mga pangangailangan sa pag-aalaga.
Gawing ligtas ang lahat ng anggulo ng bahay, pag-aralan ang mga pamamaraan para sa pamamahala sa pag-uugali (behavior management), at pagtutugon sa mga legal at pinansiyal na bagay-bagay ay mahahalagang hakbang na magagawa ng mga pamilya para mapamahalaan ang dementia, at ang mga pinagkukuhanan ng impormasyon at tulong na available. Maraming mga caregiver support group—kabilang na ang ilan na matatagpuan sa Internet—ay naghahandog ng emosyonal at praktikal na suporta.. Maaaring kailangan rin matutunan ng mga caregiver ang tungkol sa pangmatagalang pag-aalaga, at makipag-ugnayan sa kanilang mga komunidad para makahanap ng tulong na kailangan nila. Ang listahan ng mga mapagkukuhanan ng impormasyon at tulong ay naghahandog ng mas maraming impormasyon kung saan makakapagsimulang maghanap ng tulong.
Mga bagay-bagay tungkol sa pamilya at mga desisyon
Ang bawat pamilya ay iba. Inaalagaan man ang isang taong may dementia sa tahanan, sa isang assisted living center, sa special care unit para sa may Alzheimer’s, o sa nursing home ay depende sa mga mapagkukuhanan ng pamilya ng impormasyon at tulong at mga pangangailangan ng pasyente. Habang ang paglalagay sa isang pasilidad ay hindi kakaiba sa huling yugto ng dementia, ang bawat pamilya ay nakikitungo sa karanasan ng pag-aalaga sa isang paraan na pinakamabuti para sa kanila.
Maraming mga pamilya ang nag-aalaga sa bahay sa taong may dementia. Habang ito ay isang karanasan na nagbibigay kasiyahan at nagpapagaan ng kalooban, nagdudulot rin ito ng stress. Ipinapakita sa mga pag-aaral na ang pag-aalaga sa isang taong may nagpapahina sa pag-iisip o utak na disorder ay maaaring mas nakaka-stress kaysa sa pag-aalaga sa isang taong may problemang pisikal. Mahalagang ang mga caregiver ay naglalaan ng panahon para alagaan ang kanilang sariling katawan at emosyon.
Pag-aalaga sa caregiver
Ang suporta at tulong ay lubos na mahalaga sa kabuuan ng mga tao o buwan na ikaw ay isang caregiver. Kailangan mong magpahinga paminsan-minsan—isang pahinga mula sa mga kailangang gawin sa pag-aalaga. Ang tulong mula sa mga kaibigan, iba pang mga miyembro ng pamilya, o mga ahensya sa komunidad ay sobrang nakakatulong na maaari mong ipagpatuloy ang pag-aalaga ng mabuti ng hindi masyado napapagod, o makaramdam na burned out.
Ito ay tila nakakagulat na tanggapin kaagad. Mayroon bang available na tulong?
Family Caregiver Alliance
National Center on Caregiving
(415) 434-3388 | (800) 445-8106
Website: www.caregiver.org
Email: info@caregiver.org
FCA CareJourney: www.fca.cacrc.org
Mga Serbisyo ng Caregiver ayon sa Estado: https://www.caregiver.org/connecting-caregivers/services-by-state/
Hangad ng Family Caregiver Alliance (FCA) na mapahusay ang kalidad ng buhay para sa mga caregiver sa pamamagitan ng edukasyon, mga serbisyo, pananaliksik, at pagtatanggol. Sa pamamagitan ng National Center on Caregiving nito, ang FCA ay naghahandog ng impormasyon sa kasalukuyang social, pampublikong patakaran at mga isyu sa pag-aalaga, nagkakaloob ng tulong sa pagde-develop ng pampubliko at pribadong mga programa para sa mga caregiver. Para sa mga residente ng mas nakalalawak na San Francisco Bay Area, ang FCA ay nagkakaloob ng direktang serbisyo ng suporta sa mga pamilya para sa mga caregiver noong may mga Alzheimer’s disease, stroke, ALS, pinsala sa ulo, Parkinson’s disease, at iba pang nagpapahinang karamdaman sa utak na nararanasan ng mga adult.
Iba Pang Mga Organisasyon at Link
BenefitsCheckUp
www.benefitscheckup.org
National Eldercare Locator
https://www.eldercare.acl.gov
Caregiver Action Network
https://www.caregiveraction.org/
ADEAR (Alzheimer’s Disease Education & Referral Center)
www.nia.nih.gov/alzheimers
Alzheimer’s Association
www.alz.org
Ang impormasyong ito ay inihanda ng Family Caregiver Alliance at na-review ng Trish Doherty. Ang mga dulugan para sa impormasyong ito ay kinabibilangan ng National Institutes of Health’s Alzheimer’s Disease Education at Referral Center. (https://www.rarediseases.org), the Centers for Disease Control and Prevention (https://www.cdc.gov/aging/dementia/index.html), Alzheimer’s Association (https://www.alz.org). Na-edit at na-update ni Trish Doherty (http;//www.trishdoherty.net). ©2021 Family Caregiver Alliance. Naka-reserba ang lahat ng mga karapatan.