Dementia sa Lewy Bodies (Dementia with Lewy Bodies)
Kahulugan:
Ang Dementia with Lewy bodies (DLB) ay isang progresibong brain disorder. Pareho ang mga sintomas nito, at minsan ay nangingibabaw pa, sa ilang mga sakit, lalo na sa Alzheimer’s at Parkinson’s.
Ang mga taong nagde-develop ng DLB ay maaaring may cognitive (pag-iisip at memorya) at pag-uugali na mga sintomas na katulad noong sa Alzheimer’s disease at, sa iba’t ibang mga konteksto, sa motor at non-motor na sintomas na nakikita sa Parkinson’s disease. Gayunman, may ilang mga bukod tanging pagkakaiba sa mga kondisyong ito. Ang mga cognitive na sintomas ng isang taong may DLB ay maaaring mag-iba bawat oras o araw, at maari rin pasalit-salit ang atensyon at pagiging alerto. Ang motor symptoms ay maaaring katulad noong mga katangian na nakikita sa Parkinson’s pero ang kalubhaan at pagtugon sa paggagamot ay maaaring mag-iba. Ang dalawa sa mga pinaka nakakatukoy na sintomas ng DLB mula sa Alzheimer’s disease ay kinabibilangan ng malilinaw na visual hallucination, lalo na sa maaga pang yugto ng disorder, at sleep disorder na kung saan ay pisikal na kinikilos ng tao ang kaniyang mga napapanag-inipan, tinatawag na REM sleep behavior disorder (RBD).
Pag-aalaga at DLB
Ang paggagamot at pag-aalaga sa isang tao na may DLB ay kailangan ng madalas na assessment at reassessment. Ang ilang mga taong may DLB ay maaaring mamuhay sa tahanan ng may maingat na pagbabantay at superbisyon. Iyong may mga DLB na madalas na nakakaranas ng paulit-ulit na pagkakadapa o hulog o nawawalan ng malay ay maaaring makinabang mula sa home safety asssessment ng isang occupational o physical therapist. Ang patuloy na pagpapansin sa mga ikinababahala sa kaligtasan mula sa mga caregiver ay kinakailangan rin para mapakaunti ang panganib ng pagkakahulog o pakadapa. May partikular na pag-aalaga dapat kapag ang isang tao na may DLB ay nakatayo sa isang silya o bumabangon sa kama, dahil maaaring biglang bumaba ang presyon ng dugo, na magiging sanhi ng pagkahilo bigla ng indibiduwal at mawalan ng balanse. Maaaring mapahirap ng dementia sa mga taong matuto ng mga bagong kilos na maaaring makatulong sa kanilang makaraos sa mga problema sa pagkilos, tulad ng paggamit ng tungkod o walker. Maaaring kailangan nila ng mas maraming tulong sa ilang mga araw kaysa sa iba. Maaaring matiyak sa ilang mga taong may DLB ng tulong ng caregiver sa pag-iiba ng pansin mula sa mga hallucination, kung mayroon nito.
Kailangan matutunan ng mga caregiver na makapag-navigate at maangkop sa mga mga pagbabago sa cognitive, behavioral at motor. Ang pagdadalo sa mga support group at pag-aaral ng mga kakayahan kung paano ang komunikasyon sa ibang taong may dementia, at pati na rin ang mga kakayahan sa pag-aaral sa pagtulong sa ibang may motor disorder, ay makakapagbawas sa stress at pagkakayamot ng caregiver.
Ang mga caregiver sa California ay maaaring humingi ng tulong sa California Caregiver Resource Center at para makahanap ng kuwalipikadong diagnostic center para sa paunang diagnosis at follow up. Sa California at sa ibang mga estado, makakakita ng mga mapagkukuhanan ng impormasyon sa Lewy Body Dementia Association’s (LBDA) Research Centers of Excellence (RCOE), sa mga loka at pang-estado na opisina sa pagtatanda at kalusugan tulad ng inyong Area Agency on Aging o sa Alzheimer’s Association sa inyong area.
Mga Fact
Ang Dementia with Lewy bodies (DLB) ay madalas na tinatawag na “Lewy body dementia” (LBD), na ang maraming saklaw na termino na kinabibilangan ang DLB at Parkinson’s disease dementia. Ang DLB ay biologically na may kaugnayan sa Parkinson’s disease, dahil ang dalawang ito ay may nagpapatungan na mga proseso ng sakit sa utak at maraming mga klinikal na sintomas.
Ang DLB ay ang ikalawang pinakakaraniwang progressive dementia, na nananagot sa 20% ng mga may dementia. (Ang Alzheimer’s disease ang pinaka-karaniwan.) Ang dementia ay dahan-dahan at proressive na paghina ng kakayahan ng kaisipan (cognition) na nakaka-apekto sa memorya, sa proseso ng pag-iisip, pag-uugali at pagganap sa mga social, occupational at pang-araw araw na mga aktibidad.
Ang katawagan na DLB ay kumakatawan sa pagkakaroon ng Lewy bodies (ang microscopic, maayos, at mabilog na mga protein deposit na binubuo ng alpha-synuclein) na natatagpuan sa mga nerve cell ng naapektuhang parte ng utak. Ang mga “abnormal protein structures” ang unang nailarawan noong 1912 ni Frederich Heinrich Lewy, M.D., isang kasamahan ni Alois Alzheimer, na kinilala ang klinikal at pathological na mga katangian ng pinakakaraniwang uri ng dementia na tinawag tulad niya.
Ang Lewy bodies ay matatagpuan sa kabuuan ng mga outer layer ng utak (ang cerebral cortex) at sa kaloob-looban ng utak sa midbrain at brainstem. Ang mga ito ay madalas na matatagpuan doon sa mga na-diagnose na may Parkinson’s, na humigit-kumulang sa halos 50% ng mga taong may Alzheimer’s, at iba pang mga disorder.
Ang sanhi ng DLB ay hindi alam. Ang mga risk factor ay kinabibilangan ng matandang edad at sleep disorder RBD, na maaaring sundan ng iba pang LBD na sintomas sa loob ng ilang taon o mga dekada. Ang ilang mga kaso ng DLB ay makikita sa ibang mga pamilya, pero tila walang malaking posibilidad ng pagmamana ng sakit. Ang genetic research ay maaaring magpatunay ng mas marami pang impormasyon sa hinaharap tungkol sa mga sanhi at panganib. Ang DLB ay karaniwang nagaganap sa mas nakakatandang mga adult sa pagitan ng mga edad na 50-85 taong gulang, at medyo mas marami kaysa sa mga lalaki kaysa sa mga kababaihan na may sakit.
Mga Sintomas
Ang mga paunang sintomas ng DLB ay madalas na katulad noon sa Alzheimer’s o vascular dementia at likas na cognitive, tulad ng progressive decline sa memorya, pagpapasya, pagpaplano at pag-aayos, o acute na pagkakalito. Ang ilang mga tao ay maaaring magpakita muna ng mga sintomas sa pagkilos ng parkinsonism—bagal, paninigas ng mga kalamnan, panginginib, huminang dexterity, o mabagal at humahalihod na paglalakad. Ang iba naman ay maaaring may visual na hallucination bilang unang sintomas. Iyong may DLB ay maaari rin magdusa mula sa mga delusion, depression, o autonomic a pagbabago (hal. presyon ng dugo, pantog, mga pagdumi)
Ang mga susing sintomas ay:
- Ang mga problema sa pag-iisip tulad ng kakulangan ng atensyon, hindi makapagpasya nang maayos, walang pananaw, at pagtatanggi sa paglulutas sa problema at mga kakayahan sa organisasyon. Ang mga taong may DLB ay nakakaranas ng visuospatial na kahirapan (halimbawa, pag-uunawa kung nasaan kayo), at pati na rin ang kahirapan na gamitin ang mga salita para maipahiwatig ang nais nilang sabihin, o paraang makasunod sa pag-uusap. Ang memorya ay maaaring buo pa sa unang yugto, pero ang mga problema sa atensyon at pagiging alerto ay maaaring makatulad ng mga problema sa memorya.
- Ang pag-iiba iba sa pagkakaroon ng mga cognitive na sintomas pana-panahon, paiba-iba ng oras, paiba-iba ng araw, o paiba-iba kada linggo. Halimbawa, ang tao ay maaaring normal na makipag-usap sa isang araw at tila mas nalilito sa susunod na araw. Mayroon rin mga pagkakaiba sa atensyon, pagiging alerto, at pagiging gising.
- Ang paulit-ulit at nakikitang mga hallucination. Ang mga hallucination na ito ay maayos ang pagkakabuo, malinaw at detalyado. Sa unang yugto ng DLB, maaari rin kilalanin ng tao at ilarawan nito ang mga hallucinatio. Maaaring kaaya-aya at hindi nakakatakot ang mga ito, pero para sa ilan, maaari itong magdulot ng problema. Ang mga hallucination ay maaari rin auditory (naririnig), olfactory (naaamoy o nakakalasa ng isang bagay), tactile (nahihipo o nahahawakan ang isang bagay na wala naman).
- Ang mga problema sa pagkilos ng parkinsonism, na minsan na tinatawag na “extrapyramidal” signs. Ang mga motor symptom na ito ay tila madalas na bilang nagsisimula at maaaring kasama ang bradykinesia (kahinaan ng kilos), panginginig, pangangatog, kawalan ng dexterity, paninigas (paninigas ng limbs), nakaunat na postura, ibang paglalakad, biglang pagkilos ng kalamnan, limitadong pagkilos ng braso, gawi na mahulog, mga problema sa balanse, at kawalan ng expressyon ng mukha. Ang mga problema sa pagkilos at motor ay nagaganap sa huling mga yugto ng 70% ng gma taong may DLB. Pero sa 30% ng mga indibiduwal, at mas karaniwan para doon sa mas nakatatanda, ang mga sintomas ng parkinsonian ay unang nararamdaman, bago ang mga sintomas ng dementia. Sa mga indibiduwal na ito, ang cognitive na paghina ay tila nagsisimula sa depression o banayad na pagiging malilimutin
- Rapid eye movement sleep behavior disorder (RBD). Ito ay nauuri ng malinaw na pananaginip, pagsasalita kapag tulng, at lubusang pagkilos kapag tulog, na paminsan-minsan ay natatamaan o nasisipa ang kasama sa kama. Ang mga resulta ay maaaring ang lubusang pagkahilo sa umaga, at ang sintomas na ito ay maaaring makita ilang taon bago ma-diagnose ang DLB. Higit sa 50% ng mga tao na may DLB ay may ganitong sintomas.
Mga Pagsusuri at Diagnosis (Pagkilala ng Sakit)
Ang DLB ay maaaring mahirap ma-diagnose. Hindi lamang nito katulad ang iba pang mga uri ng dementia, nalalampasan pa nito ang mga Parkinson’s at psychiatric na disorder- Dahil walang iisang pagsusuri tulad ng blood test o brain scan para ma-diagnose ang DLB, iba’t ibang medikal, neurological at neuropsychological na mga pagsusuri ang ginagamit para kilalanin kung ang mga sintomas nito at kung posibleng napapatong sa iba pang mga sakit. Ang tiyak na diagnosis ay magagawa lang sa pamamagitan ng isang autopsy sa kamatayan pero ang posibleng diagnosis ay magagawa habang buhay pa ito.
Kahit na ang Lewy bodies ay matatagpuan sa mga utak ng mga tao na may iba pang mga sakit, makakatulong na maunawaan kung ano ang mangyayari sa utak ng isang taong may DLB. Ang malalaking pagbabago o pathological na katangian na ito ay makikita sa mga utak ng taong naapektuhan ng DLB:
- Ang cerebral cortex ng utak (panlabas na layer ng utak) ay lumiliit. Ang pagliit ng brain tissue na ito (o atrophy) ay makaka-apekto sa pangangatuwiran at complex na pag-iisip, pag-uunawa sa personalidad, pagkilos, pananalita at lengguwahe, sensory input, at visual perception ng espasyo. Ang degeneration ay nagaganap rin sa limbic cortex sa gitna ng utak, na may pangunahing tungkulin sa mga emosyon at pag-uugali. Ang lewy bodies ay nabubuo sa mga nasisirang cortical area.
- Ang mga nerve cell ay namamatay sa midbrain region. Ito ay nagaganap lalo na sa substantia nigra sa brainstem, isang area na nasisira rin sa Parkinson’s disease. Ang mga cell na ito ay kasangkot sa paggagawa ng neurotransmitter (brain messenger) na dopamine. Ang lewy bodies ay natatagapun sa nerve cells na nananatili. Ang midbrain ay kasama sa pagkontrol ng muscle, pagtulog/paggising, arousal, sensory at automic na mga paggana.
- Ang ibang mga cellular structure, mga Lewy neurities, na nakaka-apekto sa nerve cell function ay natatagpuan sa mga utak ng mga tao na may DLB, lalo na sa hippocampus, isang area ng utak na mahalaga sa pagbubuo ng mga bagong ala-ala.
Wala sa mga sintomas na mayroon kapag may DLB ay tiyak lang sa disorder na ito. Para matugunan ang problemang ito, isang internasyonal na grupo ng mga researcher at clinician ay nakapag-develop ng isang pangkat ng diagnostic na kriterya na tinatawag na Consensus Guidelines, na pinakahuling na-update noong 2017, na maaasahang matityak sa mga katangian ng DLB:
Kailangang makita:
- Ang paghina ng progressive cognitive (paghina ng kakayahang makapag-isip) na humahadlang sa normal na aktibidad sa pakikipagkapwa o sa trabaho. Ang mga problema sa memorya ay hindi nangangahulugang magaganap nang maaga pero maaari rin maganap habang sumusulong ang DLB. Atensyon, paglulutas ng problema, pangangatuwiran, at mga nakikitang pananaw sa espasyo ay marahil na manghina nang maaga.
Mayroon ng dalawa sa mga sumusunod (ang isa ay posibleng nagpapahiwatig ng DLB):
- Paiba-ibang cognition: Ang mga pangkaisipang problema ay nag-iiba iba sa araw, lalo na ang atensyon at pagiging alerto.
- Mga nakikitang hallucination: Mga detalyado at well-formed na nakikita, na nagaganap at muling nangyayari.
- Parkinsonism: Mga problema sa pagkilos.
- RBD: Pisikal na ginagawa ang mga napapanag-inipan habang tulog.
Ang isang DLB na diagnosis ay mas may malaking posibilidad kung ang indibiduwal ay nakakaranas rin ng alinman sa mga sumusunod: paulit-ulit na pagkahulog, pagkakahimatay, mabilisan na kawalan ng malay, mga delusion, awa, pagkabalisa, mga problema sa regulasyon ng temperatura at presyon ng dugo, hindi mapigil na pag-ihi, at chronic na konstipasyon, kawalan ng pang-amoy, o sensitivity sa neuroleptic na medikasyon na ibinibigay para makontrol ang mga hallucination at iba pang mga psychiatric na sintomas.
Panghuli, ang oras ng paglabas ng mga sintomas ay isang maaasahang hudyat: kung ang mga cognitive na sintomas ay nakikita bago o sa loob ng isang taon ng mga sintomas sa pagkilos, ang DLB ay mas marahil na sanhi kaysa sa Parkinson’s disease. Ang mga senyas ng stroke o vascular dementia ay karaniwang inaalis ang posibilidad ng DLB.
Ang pagsusuri ay karaniwang ginagawa para maalis ang iba pang mga posibleng sanhi ng dementia, pangkilos, o pag-uugali na mga sintomas. Ang Brain imaging (CT scan o MR imaging) ay maaaring makatuklas ng pagliliit ng utak at maaalis ang pagpapasya ng stroke, likido sa utak (normal pressure hydrocephalus), o subdural hematoma. Ang dugo at iba pang mga pagsusuri ay maaaring magpaita ng kakulangan sa B12, mga problema sa thyroid, syphilis, HIV, o vascular disease. Ang depression ay isang karaniwang sanhi rin ng mga sintomas na tulad ng dementia. Ang mga karagdagang pagsusuri ay kinabibilangan ng electroencephalogram (EEG) o spinal tap (lumbar puncture).
Kinukumpirma ng mga bagong pananaliksik na ang ilang mga pagsusuri ay lubos na mauugnay sa pagkakaroon ng mga Lewy bodies sa utak at ngayon ay madalas na ginagamit para makatulong na mai-diagnose ang DLB. Mga scan gamit ang SPECT o PET na teknolohiya ay maaaring matuklasan ang mga pagkakaiba sa pagitan ng DLB at Alzheimer’s disease. Maaaring kumpirmahin ng pag-aaral ang RBD, isang espesyal na cardiac imaging na maaaring matuklasan ang mga pagbabago sa cardiac nerves na nauugnay sa DLB.
Alzheimer’s at Parkinson’s: Mga Pagkakaiba at Pagkakasabay sa DLB
Ang pagiging katulad ng DLB sa Alzheimer’s at Parkinson’s disease, at ang katotohanan na ang Lewy bodies ay madalas na natatagpuan sa mga utak ng mga tao na may ganitong mga sakit, ay nangangahulugan na ang mga clinician ay dapat na mahigpit na pansinin ang mga factor na tumitiyak sa DLB. Kabilang sa mga factor ang:
- Memory at iba pang mga cognitive na problema na nangyayari sa parehong DLB at Alzheimer’s. Gayunman, sa DLB ay madalas na nagbabago-bago ito.
- Sa DLB, agn mga sintomas na tila Alzheimer at Parkinson ay maaaring maipakita sa loob ng isang taon na may pagitan sa isa’t isa.
- Ang mga hallucination ay nararanasan sa mga huling yugto ng Alzheimer’s, at ng mga taong may Parkinson’s na gumagamit ng gma gamot para mapahusay ang pagkilos at panginginig. Sa DLB, ang mga hallucination ay nagaganap sa mga unang yugto, kahit na walang mga gamot para sa Parkinson’s, at ang mga ito ay madalas, malinaw at detalyado.
- Neuroleptic drugs (minsan ay tinatawag na psychotropic drugs) ang inirereseta para mabawasan ang tinatawag na psychiatric na mga sintomas ng dementia, tulad ng mga hallucination, pagkaka-nerbyos, o hindi mapakali ay magpapasimula o magpapalala sa mga tila Parkinson’s na sintomas sa ilang mga taong may DLB.
- Ang panginginig ay karaniwang hindi masyado halata sa DLB kaysa sa Parkinson’s. At, ang mga indibiduwal na may DLB ay hindi masyado tumutugon sa mga sakit tulad ng levodopa na ginagamit para gamutin ang Parkinson’s.
- Ang ilang mga taong may Parkinson’s ay nagde-develop ng dementia sa mga huling yugto nito. Gayunman, ang dementia ay karaniwang nakikitang sintoas sa DLB.
- Ang isang taong may Parkinson’s ay nawawalan ng neurotransmitter dopamine; sa Alzheimer’s ay nawawalan ang mg tao ng neurotransmitter acetylcholine. Ang taong may DLB o Parkinson’s disease dementia ay nawawalan ng pareho.
- Ang inaasahang itatagal ng buhay ay bahagyang mas maiksi sa DLB kaysa sa Alzheimer’s at Parkinson’s.
- Sa autopsy, ang utak noong may DLB ay lumaong magiging katulad ng taong may Parkinson’s disease na may dementia, dahil ang Lewy bodies ay kumakalat sa buong utak. Ang mga taong may DLB ay madalas na may ilang parehong mayroon nang mga pagbabago sa Alzheimer’s disease din sa utak.
Tagal at Paggagamot
May average na life span pagkatapos ang onset na 5 hanggang 7 taong, ang pagsulong ng dementia na may Lewy odies ay hindi nagpapahinga; gayunman, ang pagbaba ng rate nito ay nagkakaiba-iba sa bawat tao. Walang sinusundan ang DLB na isang pangkat ng pattern ng mga yugto tulad nang nakikita sa ilang mga dementia. Walang lunas o tiyak na paggagamot para mahinto ang pagsulong ng sakit. Karaniwang namamatay sanhi ng pneumonia, mga komplikasyon sa paggalaw, o iba pang mga sakit.
Habang walang mga gamot ang kasalukuyang naaprubahan para tiyak na gamutin ang DLB, maraming mga na-develop na gamot para sa iba pang mga kondisyon na makakatulong na mabawasan ang ilan sa mga sintomas nito. Ang isang komprehensibong plano sa paggagamot ay makakatulong na mapahusay ang kalidad ng buhay ng isang tao na may DLB at ng kanilang caregiver sa pamilya.
Gayunman, dapat mag-ingat sa paggagamot ng isang taong may DLB. Ang mga gamot ay dapat mahigpit na bantayan para sa wastong pagbabalanse dahil ang ilang mga tao ay negatibong naaapektuhan ng ilang mga gamot. Ang Neuroleptic (tranquilizing) antipsychotic mga gamot tulad ng haloperidol (Haldol) o thioridazine (Mellaril), ang ilang mas bago na atypical antipsychotics (especially risperidone, olanzapine) at pati na rin benzodiazepines (Valium, Ativan), at ilang mga certain antihistamines tulad ng diphenhydramine (Benadryl) ay maaaring magdulot ng mga salungat na reaksyon sa mga taong may DLB. Kabilang sa mga side effect ang lumalang mga sintomas na may kaugnayan sa pagkilos, catatonia (non responsiveness), kawalan ng cognitive function, at/o pagde-develop ng paninigas ng kalamnan. Ang mga gamot na ito ay minsan ginagamit sa Alzheimer’s para makatulong sa mga hallucination, nerbyos, at mga sintomas sa pag-uugali, per hindi dapat gamitin sa mga indibiduwal na may DLB. Ang Levodopa ay maaaring ibigay para gamutin ang parkinsonism, gayunman, maaari nitong mapadalas ang mga hallucination sa isang taong may DLB at mapalala ang iba pang mga sintomas, tulad ng pagkakalito o mababang presyon ng dugo. Ito ay karaniwang hindi masyado mabisa sa paggagamot ng mga sintomas sa pagkilos doon sa mga taong may DLB kaysa doon sa may Parkinson’s, lalo na dahil madalang na ibinibigay ang mga mas matataas na dosis. Ang mga sintomas ng dementia ay maaaring gamutin gamit ang mga gamot na orihinal na na-develop para sa Alzheimer’s disease, na tinatawag na cholinesterase inhibitors. Ipinapakita sa mga pananaliksik na ang mga gamot na ito ay maaaring higit pang mabisa sa mga taong may DLB. Dahil dito, ang ilan sa mga paggagamot na ito ay naaprubahan ng mga regulatory agency para sa Lewy body disorders; ang donepezil ay naaprubahan sa Japan para sa DLB at ang rivastigmine ay naaprubahan ng US Food and Drug Administration (FDA) para sa paggagamot ng dementia sa Parkinson’s disease. Ang paggagamot sa mga hallucination ay mapanghamon dahil ang tipikal at di karaniwang mga antipsychotics ay maaaring magpalala sa pagkilos; ang ilang mga mas bagong antipsychotics na may mas malakas na seratonin (isa pang kemikal sa utak) na mekanismo (tulad ng quetiapine at clozapine) ay mas gusto ng mga eksperto sa DLB para gamutin ang mga hallucination sa disorder na ito. Ang ilang mga antidepressant ay nagpapakita rin ng mga positibong resulta, habang ang iba naman ay salungat ang ipinapahiwatig na epekto. Mas maraming pananaliksik ang maagap na kailangan sa area na ito para mapagpasyahan kung aling mga gamot ang parehong ligtas at mabisa para gamutin ang mga hallucination at mga delusion sa DLB.
Kapag ikinokonsiera ang pag-oopera, ang mga pamilya ay dapat na makipagkita sa anesthesiologist para talakayin ang posibleng mga side effect ng anesthesia, dahil ang mga taong may DLB ay madaling makaranas ng deliryo o pagkakalito sa anesthesia. Minsan ang ‘paghihina’ ng cognitive ability na napapansin pagkatapos ng anesthesia ay maaaring magtagal o manatili. Dagdag pa dito, ang mga pamilya noong may DLB na ooperahan o na-ospital ay dapat paunang talakayin ang mga kasalukuyang gamot at anumang posibleng inaasahang mga gamot na gagamitin sa propesyonal para sa pangangalaga ng kalusugan; ang neuroleptics (antipsychotics) at ang ilang mga anti-nausea na gamot ay maaaring magpalala sa motor parkinsonism at dapat na iwasan.
Mga Pinagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong
Family Caregiver Alliance
National Center on Caregiving
(415) 434-3388 | (800) 445-8106
Website: www.caregiver.org
Mga mapagkukunan: https://www.caregiver.org/tagalog/
Email: info@caregiver.org
FCA CareNav: https://fca.cacrc.org/login
Family Caregiver Services by State: https://www.caregiver.org/connecting-caregivers/services-by-state/
Hangad ng Family Caregiver Alliance (FCA) na mapahusay ang kalidad ng buhay para sa mga caregiver sa pamamagitan ng edukasyon, mga serbisyo, pananaliksik, at pagtatanggol. Sa pamamagitan ng National Center on Caregiving nito, ang FCA ay naghahandog ng impormasyon sa kasalukuyang social, pampublikong patakaran at mga isyu sa pag-aalaga, nagkakaloob ng tulong sa pagde-develop ng pampubliko at pribadong mga programa para sa mga caregiver, naglalathala ng mga ulat sa oras, mga newsletter, at mga fact sheet, at tumutulong sa mga caregiver buong bansa na makahanap ng mga mapagkukuhanan ng impormasyon at tulong sa kanilang mga komunidad. Para sa mga residente ng San Francisco Bay Area, ang FCA ay nagkakaloob ng direktang serbisyo ng suporta sa mga pamilya para sa mga caregiver noong may mga Alzheimer’s disease, stroke, ALS, pinsala sa ulo, Parkinson’s disease, at iba pang nagpapahinang mga kondisyon sa kalusugan na nararanasan ng mga adult.
Iba Pang Mga Organisasyon at Link
Lewy Body Dementia Association
Website: www.lbda.org
Email: lbda@lbda.org
LBDA Research Centers of Excellence: www.lbda.org/rcoe
LBD Caregiver Link: (844) 311-0587
Ang Lewy Body Dementia Association (LBDA) ay isang 501(c)(3) nonprofit organization na nakatuon sa Lewy body dementias (LBD), na nagbibigay suporta sa mga tao na may LBD, ang kanilang mga pamilya at mga caregiver at pagtataguyod ng mga scientific advance. Ang mga Research Centers of Excellence na LBDA ay naghahandog ng kadalubhasaan at clinical management ng LBD, mga mapagkukuhanan ng impormasyon at tulong na nagbibigay suporta para sa komunidad ng LBD, at mga oportunidad para makilahok sa pananaliksik.
National Institute on Aging
www.nia.nih.gov/health/topics/lewy-body-dementia
Ni Angela Taylor, Director of Programs sa Lewy Body Dementia Association at nirepaso ni Dr. Jennifer Goldman, Chair, Lewy Body Dementia Association Scientific Advisory Committee. © 2016-2020 Family Caregiver Alliance. All rights reserved.