Legal na Pagpaplano Para sa Kawalan ng Kakayahan (Legal Planning for Incapacity)
Sa pagharap sa pagtanda at sa pangangailangang mag-plano para sa kinabukasan, kailangang ninyong harapin at gawin ang mga desisyong legal tungkol sa maraming aspeto ng inyong buhay. Ang mga legal na desisyon na ito ay hindi lamang protektahan kayo laban sa ibang tao na gawin ang mga bagay na marahil hindi ninyo gusto, pinoprotektahan rin nila ang pamilya at mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng gabay sa pag-aalaga na gusto ninyong matanggap. Pagkatapos na makumpleto ang lahat ng legal na papeles, ang susunod na hakbang ay umupo at kausapin ang pamilya tungkol sa mga desisyon na ginawa ninyo at kung bakit.
Ano ang Mga Legal na Dokumento na Dapat Mayroon ang Lahat?
Advance Health Care Directives (Mga Paunang Kautusan sa Pangangalaga ng Kalusugan)
- Nagbibigay ng kapangyarihan sa isang tao na iyong itinalaga para gumawa ng mga desisyon sa pag-aalaga sa inyong kalusugan KUNG KAYO LAMANG ay walang kakayahang makapagsalita para sa inyong sarili.
- Tinatawag rin na Living Will, Durable Power of Attorney for Healthcare
- Ang bawat estado ay mayroong bahagyang magkaibang bersyon ng porma, pero ang isang porma mula sa isang estado ay may bisa at tinatanggap rin sa ibang estado.
- Ang mga ospital at tanggapan ng mga doktor ay may ganitong mga porma.
- Ang lahat ng may edad na 18 taong gulang pataas ay dapat mayroon nito.
- Dapat na makumpleto habang kayo ay may kakayahan pang malaman kung ano ang nilalagdaan ninyo, hal. walang dementia
- Madalas na ginagamit para magpasya sa mga feeding tubes, mga ventilator, at iba pang mga paggagamot sa katapusan ng buhay o kapag may taong walang malay
- Kailangan lang ang may saksi; hindi kinakailangan na ma-notaryo
Ano ang mangyayari kung wala kayong Advance Health Care Directive?
- Gagawin ng mga doktor ang lahat para gamutin ang inyong kondisyon at mapanatili kayong buhay
- Tatanungin sa pamilya kung ano ang gagawin
- Kung hindi nila alam kung ano ang mga nais ninyo, maaaring may mga hindi pagkakasundo sa pamilya at konsensya dahil sa pagsasagawa ng maling desisyon
- Ang pagsasanay ng manggagamot, mga patakaran ng ospital at ng nursing home ay madalas nag-uutos ang “kabayanihang pamamaraan” para mapanatili ang buhay. Halimbawa, ang “buhayin” ang taong may malubhang sakit pagkatapos ng isang stroke, at paggamit ng respirator para sa taong itinuturing na “brain dead”, ay karaniwang pamantayan at patakaran sa maraming mga ospital.
POLST
- Nangangahulugan na Physician’s Orders for Life Sustaining Treatment at pinapalitan ang DNR—Do Not Resuscitate
- Pinapahintulutan ang mga indibiduwal na may malubhang sakit para magpasya kasama ang kanilang mga doktor kung anong paggagamot ang gusto o hindi nila gusto. Dahil ito ay kautusan ng manggagamot, hindi ito bukas sa kagustuhan ng iba.
- Makakatulong kung hindi ninyo gusto ng 911 Emergency Responders na gawin ang CPR (Cardio-pulmonary resuscitation) at saklaw ang iba pang mga paggagamot na gusto at hindi gusto
Ano ang mangyayari kung wala kayong POLST?
- Kapag tinawag ang 911, kailangang gawin ng mga EMT ang lahat ng posibleng paraan para mabuhay ang isang tao at mapanatili itong buhay hanggang sa makarating sila sa ospital.
Will
Ipinapakita kung paano ninyo gusto na ipamahagi ng inyong estate (mga pera at ari-arian) sa pamilya, mga kaibigan, mga organisasyon, atbp. pagkatapos ninyong mamatay.
- Tinawag rin na Last Will and Testament (Huling Habilin at Testamento)
- Ang bawat estado ay may magkakaibang mga batas tungkol sa mga estate, pero ang karamihan sa mga estado ay kinikilala ang Will (huling habilin) na ginawa sa ibang estado
- Maaaring gawin na sulat-kamay lamang o kinumpleto gamit ang mga online na porma, pero kinakailangang may saksi at/notaryo
- Kung ang estate ay masalimuot o higit sa $100,000, pinakamahusay na magkaroon ng abogado para tumulong sa inyong isulat ang huling habilin o repasuhin kung ano ang sinulat ninyo.
- Dapat na makumpleto habang kayo ay listo pang malaman kung ano ang nilalagdaan ninyo, hal. walang dementia
- Sa isang will, kayo ay magtatalaga ng tao na maging isang executor o administrator (tagapamahala) na siyang magbabayad sa inyong mga panghuling bayarin at sisiguraduhing maipapatupad ang lahat ng inyong mga kagustuhan.
- Ang probate ay ang paglilipat ng ari-arian kapag may namatay. Ang probate court ang nagsisiguro sa executor na tiyaking ang estate ay hinati ayon sa pagkakasaad sa will.
Ano ang mangyayari kung wala kayong will?
- Kung mamatay kayo nang walang will, mag-uutos ang korte na i-probate ang inyong estate, hal. magpapasya kung paano dapat hati-hatiin ang inyong estate.
Durable Power of Attorney for Finance
Nagpapahintulot sa isang tao na pamamahalaan ang inyong mga pananalapi, kasama ang checking account, mga investment, at ari-arian, para mabayaran ang inyong mga mga bayarin.
- Ang Durable Power of Attorney ay may bisa kahit kayo ay wala nang kakayahan.
- Dapat na makumpleto habang kayo ay listo pang malaman kung ano ang nilalagdaan ninyo, hal. walang dementia
- Kinakailangan ang isang taong pinagkakatiwalaan ninyo, dahil ang taong ito ay maraming kontrol sa inyong mga pananalapi. Kung wala kayong mapagkakatiwalaang tao, kailangan ninyong makipagkonsulta sa isang propesyonal.
- Ang mga asawa ay maaaring walang pahintulot na humawak sa lahat ng inyong mga pondo maliban na lang kung ang lahat, kasama ang mga investment, ay isang joint property.
Ano ang mangyayari kung wala kayong Power of Attorney for Finance?
- Kung wala kayong durable power of attorney para sa finance at hindi ninyo mapapamahalaan ang inyong mga pananalapi, isang huwes ang siyang magtatalaga ng isang taong gagawa nito. Maaaring nangangahulugan din na kailangan kayong i-conserve, hal. Ang korte ay magtatalaga ng isang taong mamamahala sa inyong pangangalaga at mga pananalapi.
Mga Panghuling Kaayusan
- Magpasya kung nais ninyo ng cremation o libing at ipaalam ito sa iyong pamilya. At ipaalam rin sa mga mahal sa buhay ang tungkol sa inyong kagustuhan hinggil sa organ donation at iba pang mga espesyal na kaayusan.
- Isulat ang inyong mga nais at ilagay sa isang lugar kung saan mahahanap ito ng mga miyembro ng pamilya.
- Kung mas maraming mga desisyon ang pauna ninyong gawin, mas kakaunting desisyon na lang ang kailangang gawin ng pamilya sa panahon ng pagluluksa.
Ano ang mangyayari kung hindi ninyo ipaalam ang inyong mga kagustuhan tungkol sa mga panghuling kaayusan?
- Ang pamilya ay madalas na may hindi pagkakasundo hinggil sa nais sana ninyong mangyari
- Ang batas ay siyang maaaring magpasya kung sino ang may kapangyarihan na magdesisyon kapag ito ay hindi malinaw o may hindi pagkakasundo.
Ano ang Iba pang Mga bagay na Maaring Kailangan Ninyo?
Mga Trust
Ang trust ay lumilikha ng isang legal na entity na may hawak sa inyong mga pag-aari para hindi kailangang dumaan ang inyong estado sa probate kapag namatay kayo.
- Tinatawag rin ito na Living Trust
- Papangalanan ninyo ang isang trustee para mamahala sa trust habang pareho pa kayong buhay, at para ipamahagi ang trust sa mga beneficiary (tagamana) kapag namatay kayo.
- Maaari kayong maging isang trustee ng trust habang nabubuhay pa kayo, kung saan papangalanan ninyo ang successor trustee para sa trust na mamamahala nito pagkamatay ninyo o kapag kayo ay wala nang kakayahan.
- Ang isang revocable trust ay nagpapahintulot sa inyong makontrol ang lahat nang nangyayari sa trust habang nabubuhay pa kayo.
- Ang isang irrevocable trust ay hindi mababago nang wala ang pahintulot ng beneficiary.
- Maraming mga opsyon para sa mga trust para sa mga tiyak na layunin, tulad ng:
- Special Needs Trusts: Nagtatabi ng pera para makatulong sa isang taong may kapansanan
- Charitable Trust: Perang binibigay sa kawanggawa
- Bypass Trust: Irrevocable trust na pinapasa ang mga pag-aari sa asawa at pagkatapos, sa mga anak sa kamatayan ng ikalawang magulang, ito ay nagbibigay limitasyon sa estate taxes
- Life Insurance Trust: Inaalis ang life insurance mula sa estate at ng sa gayon, sa estate tax
- Generation Skipping Trust: Pinapahintulutan ang mga apo ang direktang makamana nang hindi nagbabayad ng buwis
Ano ang mangyayari kung wala kayong trust?
- Depende sa halaga ng inyong mga pag-aari, ang inyong estate ay sasailalim sa isang probate, na tagagal ng ilang buwan at makakatamo ng mga gastusin sa korte.
Beneficiary Forms
Ang mga bank account, mga investment, at retirement plan ay maaaring italaga bilang “payable on death” sa isang pinangalanang beneficiary (tagamana), na nangangahulugang ang ang mga pundo ay hindi kailangan sumailalim sa probate.
- Pahintulutan ang agad-agad na paghawak sa pondo, sa halip na hintayin na magtapos ang probate.
Ano ang mangyayari kung wala kayong pundo na “payable on death?”
- Maliban kung ang pondo ay nasa isang trust, ang estate ay dapat na ma-probate ang sa pamamagitan ng korte, na maaaring tumagal ng ilang buwan (kung saan ang pondo ay hindi magagamit) at magtamo ng mga gastusin sa korte.
Saan Makikita ang Mga Mahahalaga Kong Papeles
Magkaroon ang isang sentral na lugar para itabi ang mga will, trust, power of attorney, atbp mga papeles para alam ng mga miyembro ng pamilya kung saan hahanapin ang mga dokumentong ito. Mangyari lang basahin ang downloadable form ng FCA: Saan Makikita ang Mga Mahahalaga Kong Papeles.
Ano ang mangyayari kung wala kayong sentral na lugar?
- Madalas sa mga oras ng hindi inaasahang pangyayari at pagkabalisa, tayo ay nalilto at hindin natin alam kung saan nakalagay ang mga importanteng bagay. Ang pagkakaroon ng lugar kung saan nakatago ang mga ito ay makakaiwas sa posibilidad na ang mga papeles ay mawala o mailagay sa ibang. Ang mga legal na papeles ay kinakailagnan para matiyak na ang pag-aalaga ayon sa inyong kagustuhan ay maipatupad.
Konklusyon
Sa isang pinakahuling survey, 81% ng mga tao ay nagsabing nasaisip nila ang mga isyung ito, gayunman, 33% lang ang nagsabing nakumpleto na nila ang mga kinakailangang papeles. Kahit na mahirap na pag-usapan at isipin ito, mahalagang alagaan ang mga bagay-bagay na ito para sa sarili mong pakinabang at ng inyong mahal sa buhay.
Mga Pinagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong
Family Caregiver Alliance
National Center on Caregiving
(415) 434-3388 | (800) 445-8106
Website: www.caregiver.org
Mga mapagkukunan: https://www.caregiver.org/tagalog/
Email: info@caregiver.org
FCA CareNav: https://fca.cacrc.org/login
Services by State: www.caregiver.org/connecting-caregivers/services-by-state/
Hangad ng Family Caregiver Alliance (FCA) na mapahusay ang kalidad ng buhay para sa mga caregiver sa pamamagitan ng edukasyon, mga serbisyo, pananaliksik, at pagtatanggol. Sa pamamagitan ng National Center on Caregiving nito, ang FCA ay naghahandog ng impormasyon sa kasalukuyang social, pampublikong patakaran at mga isyu sa pag-aalaga, nagkakaloob ng tulong sa pagde-develop ng pampubliko at pribadong mga programa para sa mga caregiver. Para sa mga residente ng San Francisco Bay Area, ang FCA ay nagkakaloob ng direktang serbisyo ng suporta sa mga pamilya para sa mga caregiver noong may mga Alzheimer’s disease, stroke, ALS, pinsala sa ulo, Parkinson’s disease, at iba pang nagpapahinang mga kondisyon sa kalusugan na nararanasan ng mga adult.
Iba Pang Mga Organisasyon at Link
American Bar Association (ABA)
www.americanbar.org
National Academy of Elder Law Attorneys
www.naela.com
National Association of Area Agencies on Aging
www.n4a.org
Compassion and Choices
www.compassionandchoices.org
Ang fact sheet na ito ay inihanda ng Family Caregiver Alliance. ©2012 Family Caregiver Alliance. Naka-reserba ang lahat ng mga karapatan.