FCA logo

Mga Dapat Tanungin kapag Kinokonsidera ang Pag-opera para sa Taong May Dementia (Questions to Ask when Considering Surgery for a Person with Dementia)

Kung nahaharap ka sa desisyon tungkol sa pag-oopera ng taong may dementia, maraming mga bagay ang dapat ikonsidera at mga dapat tanungin. Una, upang makapagdesisyon hinggil sa anumang medikal na bagay para sa isang taong may dementia, kailangan ay mayroon kang durable power of attorney para sa pangangalagang pangkalusugan na nagbibigay awtorisasyon sa iyo na magdesisyon sa medikal na pag-aalaga nila. Mahalagang magdesisyon ng husto batay sa mga nalikom na impormasyon dahil ang pagpili sa anumang opsyon ay magdudulot ng mga resulta na maaaring maka-apekto sa kalidad ng buhay ng tao na kailangang operahan at para sa iyo. Heto ang listahan ng mga tanong at bagay na dapat ikonsidera bago ka magdesisyon. Tandaan na ang bawat situwasyon ay iba at ang ilan sa mga ito ay maaaring hindi angkop para sa situwasyon mo.

Pagkokonsidera sa Pag-oopera

  1. Ano ang layunin ng pag-opera? Halimbawa, kung ang paseìyente ay may knee replacement, matututo ba silang maglakad muli o sanhi ba ng dementia ay mapipigil itong mangyari? Ang pag-opera ba para sa hip fracture ay isang hakbang na nagbibigay ginhawa lang, hal. para maibsan ang sakit, o makakatulong ba ito na makakilos muli? Kinakailangan ba ang pag-opera? Ano ang mangyayari kung magpasya kami na hindi magpa-opera? Ano ang prognosis ng pag-opera at hindi pag-opera?
  2. Ano ang mga panganib ng anesthesia? Mapapalala ba ng anesthesia ang dementia? Ito ba ay magiging permanente o pansamantala? Ano ang pagkakaib sa pagitan ng general anesthesia o ng spinal block o lokal na anesthesia?
  3. Kung ang pasyenteng may dementia ay gumagamit na ng mga inireresetang gamot, ano ang magiging interaksyon ng mga gamot na iyon sa pain medication; ano ang mga side effect? Makakapagpatuloy ba ang pasyente sa paggamit ng kanilang regular na mga gamot bago sila operahin, habang sila ay namamalagi sa ospital at makalipas ang pag-opera? Ang gamot ba ng pasyente pagkatapos ma-opera ay magdudulot ng interaksyon sa iba pang mga gamot nito?
  4. Ano ang proseso sa paggaling para sa pag-opera na ito? Kapag na-opera, kailangan ba ng mahigpit na pagsunod sa pananatiling malinis ng lugar na inoperahan, dapat na nasa isang posisyon lang (immobile), o mga complex na programa ng ehersisyo para makatulong makalipas na ma-opera?
  5. Advance Health Care Directives (Mga Paunang Kautusan sa Pangangalaga ng Kalusugan):
    1. Mayroon kaming advanced health care directive: Ano ang mga posibleng konsekwensya mula sa pag-opera na kailangan naming ikonsidera na maaaring magresulta sa di namin paggamit ng awtoridad na ito? Dapat ba namin suspindehin ang DNR/DNI hanggang sa panahon pagkatapos ma-opera?
    2. Wala kaming advanced health care directive: Ano ang mga posibleng konsekuwensya mula sa pag-oepra na kailangan nating ikonsidera at paano magdedesisyon tungkol sa paggagamot kung wala ang kapangyarihan na ito na nakatalaga – sa kaalaman na ang taong may dementia ay maaaring walang kakayahan na lumagda sa isang power of attorney o ipaalam ang kanilang mga ninanais?

Sa ospital

  1. Ang staff ba ay pagsasanay sa dementia at alam kung paano pamahalaan ang mga pag-uugali na tiyak sa mga pangangailangan ng pasyente? Gaano kadali ako makakasali sa pasyente pagkatapos ma-opera? May mga tiyak bang oras ng pagbisita o maaari akong bumisita kahit gaano katagal kung kinakailangan?
  2. Kung ang pasyente ay walang mga isyu sa ala-ala bago ma-opera, pero nagkaroon ng dementia pagkatapos ma-opera, ano ang dapat ikabahala? May konsepto ng delirio dulot ng ospital sanhi ng mga gamot at/o pagkakatuliro. Ano ang dapat nating bantayan?
  3. Kung ang pasyente ay nababalisa o pagkatapos ma-opera, ano ang protocol na gagamitin ng staff para pangasiwaan ang ganitong pag-uugali? Gagamit ka ba ng medikasyon o gamot para mapakalma sila? Gagamit ka ba ng mga restraints para mapanatili sila sa kama kung subukan nilang bumangon o hilahin ang mga IV?

Pananakit

  1. Paano mo babantayan ang pananakit ng taong may dementia kapag hindi nila mabigkas o masabi kung saan ang parte na masakit sa kanila, pero ipinapakita ito sa maraming mga paraan – pag-aalis ng damit, paghila sa mga IV tube, atbp.? Paano namin malalaman na wala silang nararamdaman na sakit?
  2. Ano ang mga side effect ng pain medication sa taong may dementia?
  3. Paano kung ang taong aking inaalawaan ay umiwas sa paggamit ng mga gamot na iniinom? Mayroon bang mga ligtas na paraan na makakapagbigay ng gamot?

Paggaling

  1. Ano ang proseso ng rehabilitasyon para sa pag-opera na ito?
  2. Ano ang mga magiging instruksyon pagkatapos ma-opera? Makakasunod ba ang pasyente sa mga instruksyon pagkatapos ma-opera (huwag hipuin ang mata pagkatapos ma-opera, parating gamitin ang walker para makatayo pagkatapos ma-opera sa uhod, atbp.)? 
  3. Sila ba ay dadalhin sa rehab center o sa bahay pagkatapos ma-opera? Gaano katagal bago mababayaran pabalik ng Medicare ang rehab? Ano ang kriterya? Paano kung hindi na covered ang pasyente pero sa palagay ko ay kailangan pa nila ng dagdag na rehab?”
  4. Ano ang dapat kong asahan na gagawin sa rehab center o rehab sa bahay?

Pag-aalaga sa Bahay

  1. Kapag ang pasyente ay pinauwi sa bahay pagkatapos na ma-opera o pagkatapos ang rehab, ano ang maaasahan sa bahay para maalagaan ang pasyente? Gaano katagal bago makakabalik ang pasyente sa ganap na pagkilos o kasing husay tulad ng inaasahan?
  2. Ano ang mga serbisyo ng suporta na sakop ng home health care at paano ito makakatulong sa akin? Gaano katagal?
  3. Paano ko papakitunguhan ang mga mapanghamon na pag-uugali sa bahay, tulad ng pagtayo ng pasyente at hindi paggamit ng walker?

Ni Donna Schempp, LCSW