FCA logo

Mga Payo sa Pagpapahinga: Ang Pagpapahinga sa Pag-aalaga sa Isang Nangangailangan (Respite Tips: Taking a Break From Giving Care to Someone in Need)

MGA PINAGKUKUHANAN NG PAGPAPAHINGA

  • Oras at tulong mula sa pamilya at mga kaibigan
  • (Binabayaran) na propesyonal na in-home na tulong
  • Adult Day Health Care
  • Pansamantalang pagtatalaga sa labas ng bahay sa isang assisted care residence
  • Para sa Mga Beterano: Makakakuha ng hanggang 30 araw ng respite care kada taon para sa mga naka-listang beterano ayon sa pagpapasya ng Veteran’s treatment team. Maaari kayong makipag-usap sa Veteran’s Patient Aligned Care Team (PACT) social worker, case manager, o sa Caregiver Support Coordinator (CSC) para sa karagdagang impormasyon kung anong mga opsyon sa pagpapahinga ang mayroon sa inyong lugar.

Kung walang Pahinga, ang mga Caregiver ay may mas malaking Posibilidad na Makaranas ng Burnout

  • Kabilang sa mga sintomas ng burnout ay: matinding pagkapagod, pagkakayamot, kawalan ng pasensya, at kahirapan na makaraos sa pang-araw araw na mga tungkulin ng pag-aalaga.
  • Ang pagpapahinga bago ninyo maranasan ang isang burnout ay ang susi sa pag-aalaga sa inyong sarili. 

Mga Payo na Dapat Isaalang-alang

  • Huwag hintayin na umabot sa sobrang pagod at ganap na pagkahapo. Ang respite ang pinakamabisang paraan kung gawin nang maaga at regular na gawin. Kahit ang maiiksing pagpapahinga ay may maidudulot na pagkakaiba.
  • Maingat na magplano kung ano ang gusto ninyong gawin sa inyong pagpapahinga. Huwag sobrahan ang inyong schedule, pero maghanap ng isang bagay na makabuluhan at magkakalinga sa inyo.
  • Dapat ninyong maunawaan na maaaring hindi maging maayos ang lahat kapag nasa respite, lalo na sa una. Ito ay maaaring bago para sa inyo at sa taong tumatanggap ng pag-aalaga, at maaaring kailangan ng kaunting panahon para sa pagsubok at pagkakamali.
  • Maaaring bukas kayo sa respite, pero nag-aalala kayo na ang taong inaalagaan ay hindi kaagad ito matatanggap. Maaari ninyong marinig ang mga sumusunod:
    • Ikaw ang lang ang taong na nais kong kasama. Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko.
    • Hindi ko kailangan ng kahit na sinong makakasama; mabuti ako na nag-iisa.
    • Ang lugar na iyon (adult day care o overnight residence) ay puno ng mga tao na kailangan ng higit pang pag-aalaga kaysa sa akin.

Nakokonsensya ka ba sa Pagpapahinga o Kahit na Iniisip lang na Magpahinga?

  • Tandaan na wala kayong ginagawang masama.
  • Malumanay, ngunit mariing igiit ang inyong pangangailangan ng panahon na tumigil sandali upang makapag-pahinga.
  • Makipag-ugnayan sa isang taong dating gumamit ng respite para malaman kung ano ang naging kapaki-pakinabang para sa kanila.
  • Alamin na ang pagpapahinga ay makakatulong sa inyo at sa taong inaalagaan ninyo na makaraos at magpatuloy sa kanilang buhay. 

Ano ang Dapat Gawin sa Oras ng Pagpapahinga (Respite)

  • Kahit anong gusto ninyong gawin! Matulog, mag-ehersisyo, maglaan ng panahon para sa isang bagay na nais ninyong gawin (hal. Gawaing libangan gamit ang kahoy o sining, pagkakanta, o iba pang paboritong aktibidad), makipagkita sa isang kaibigan para mag-tanghalian, kape, manood ng pelikula, dumalo sa kasal o iba pang mahalagang kaganapan, sundin ang appointment ng doktor, maglaan ng panahon na hindi kayo magagambala para sa sarili.

Mga Pinagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong

Family Caregiver Alliance
National Center on Caregiving
(415) 434-3388 | (800) 445-8106
Website: www.caregiver.org
Mga mapagkukunan: https://www.caregiver.org/tagalog/
Email: info@caregiver.org 
FCA CareNav: https://fca.cacrc.org/login
Services by State: www.caregiver.org/connecting-caregivers/services-by-state/

Hangad ng Family Caregiver Alliance (FCA) na mapahusay ang kalidad ng buhay para sa mga caregiver sa pamamagitan ng edukasyon, mga serbisyo, pananaliksik, at pagtatanggol. Sa pamamagitan ng National Center on Caregiving nito, ang FCA ay naghahandog ng impormasyon sa kasalukuyang social, pampublikong patakaran at mga isyu sa pag-aalaga, nagkakaloob ng tulong sa pagde-develop ng pampubliko at pribadong mga programa para sa mga caregiver. Para sa mga residente ng mas nakalalawak na San Francisco Bay Area, ang FCA ay nagkakaloob ng direktang serbisyo ng suporta sa mga caregiver noong may mga Alzheimer’s disease, stroke, traumatic brain injury, Parkinson’s disease, at iba pang nagpapahinang karamdamang pangkalusugan na nararanasan ng mga adult.

Fact at Tip Sheets ng FCA

Isang listahan ng lahat ng mga fact at tip ay available online sa www.caregiver.org/tagalog.

Iba Pang Mga Organisasyon at Link

Eldercare Locator
Mapagkukuhan ng impormasyon at tulong para sa mga mas nakakatandang adult at kanilang mga pamilya
eldercare.acl.gov