Mild Cognitive Impairment (MCI)(Tagalog)
Malawakang Pananaw
Alam natin na ang kawalan ng memorya ay nauugnay sa pagtatanda. Nakakalimutan natin ang pangalan ng isang tao, kung saan natin nailagay ang susi, ang petsa. Pero kung ang kawalan ng memorya ay nagiging sanhi na ng at napapansin ninyong ito ay nangyayari ng padalas, maaaring mayroon kayong tinatawag na mild cognitive impairment (MCI).
Ang fact sheet na ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga praktikal na mungkahi sa MCI para makaraos dito kasama na rin ang mga epekto nito, at mga mungkahi kung paano makakatulong ang mga miyembro ng pamilya o mga kaibigan.
Mga Katotohanan Tungkol sa Mild Cognitive Impairment
Ang Mild cognitive impairment ay isang kondisyong nalalagay sa pagitan ng normal na kawalan ng memorya dulot ng edad, Alzheimer’s disease at iba pang katulad na karamdaman. Hindi lahat ng may MCI ay nagkakaroon ng dementia. At tulad ng dementia, ang MCI ay hindi isang sakit, kundi isang kumpol ng mga sintomas na naglalarawan sa mga pagbabago sa pag-iisip and pag-proseso ng impormasyon. Ang mga problema sa memorya ay ang pinakakaraniwang hudyat ng MCI. Ang taong may MCI ay maaari rin makaranas ng mga kahirapan sa pagpapasya, pag-iisip, at lengguwahe na higit pa sa inaasahan sa norma na pagtanda. Dahil sa mga hindi kilalang dahilan, ang MCI ay tila mas nakaka-apekto sa mga lalaki kaysa sa mga babae.
Ang mga miyembro ng pamilya at kaibigan na nakakapansin ng mga problemang ito ay maaaring hindi magpahayag ng pagkabahala dahil ang mga maagang sintomas ay mga pagbabago na maaaring kaugnay lang sa pagtanda. Ang mga taong dumaranas ng MCI ay madalas na alam ang kanilang kalagayan pero nagagawa pa rin ang mga karaniwang gawain at namumuhay na mag-isa.
Mga Sintomas ng MCI
Kung kayo o ang mga miyembro ng inyong pamilya ay may dumadaming pag-aalala sa kakayahang pangkaisipan at memorya, ang sanhi nito ay maaaring MCI. Kung sa gayon, makakaranas kayo ng ilan o lahat ng mga sintomas sa ibaba:
- Mas madalas na kahirapang matandaan ang mga simpleng bagay
- Kahirapang sudin ang mga pinag-uusapan o mga simpleng tagubilin
- Madalas pagkawalang bigla sa mga nasasaisip
- Nakakalimutan ang mga tipanan o inaasahang kaganapan
- Sobrang pagkabahala kapag sinusubukan ninyong mag-plano o magdesisyon.
- Nawawala kahit na nasa pamilyar na lokasyon.
Sa MCI, ang mga pagbabagong ito ay hindi biglaang nangyayari pero lumalala sa paglipas ng panahon. Bilang karagdagan sa mga cognitive na sintomas na ito (o marahil dahil sa mga ito), maraming taong may MCI ay nakakaranas rin ng pangalawang mga emosyonal na sintomas tulad ng depression, pagkabalisa, pagkaka-irita, o kawalan ng emosyon.
Mga Sanhi ng MCI
Ang mga sanhi ng MCI ay hindi malinaw, pero tila ang ilan sa mga parehong panganib sa Alzheimer’s disease ay mga panganib rin para sa MCI. Kabilang sa mga panganib na iyon:
- May edad na 65 o mas matanda pa
- May kasaysayan ng MCI sa pamilya, Alzheimer’s disease, o iba pang uri ng dementia
- Pagkakaroon ng ilang mga medikal na kondisyon, tulad ng mataas na presyon ng dugo, diabetes, stroke, mataas na kolesterol, o sakit sa puso.
- Pag-abuso sa pag-inom, kasama na ang pagkakagumon sa alak
- Kakulangan sa ehersisyo
Ang brain imaging at medikal na pananaliksik ay nagpapakita na ang ilang mga taong may MCI ay may mga plaque, neurofibrillary tangles, at shrinkage sa memorya sa gitna ng utak na na-obserbahan din doon sa taong may Alzheimer’s disease (AD).
Ang iba pang mga problema (na maaaring mabalik sa dati) ay nag-aambag sa kawalan ng memorya, kasama ang mga interaksyon ng mga gamot (mula sa parehong inirereseta at over-the-counter na gamot), mga impeksyon, mga kakulangan sa bitamina, malnutrisyon, thyroid at iba pang metabolic disturbance, depression, at drug/alcohol abuse.
Mahalagang tandaan na ang ilang taong may MCI ay hindi na lumalala ang kalagayan, at hindi bumubuo ng Alzheimer’s. Natuklasan sa mga kasalukuyang pag-aaral na humigit-kumulang sa kalahati ng mga taong na-diagnose na may MCI ay makakaranas ng patuloy na pagsulong ng mga sintomas, na hahantong sa diagnosis ng Alzheimer’s disease o katulad na dementia.
Diagnosis at Paggagamot
Walang nag-iisa at tiyak na pagsusuri para makita ang pagkakaroon ng MCI. Kinakailangan ang isang kumpletong pagsusuri para ma-diagnose ang MCI at/o maalis ang posibleng sanhi ng mga sintomas.
Ang masusing pagsusuri, katulad ng sa Alzheimer’s disease, ay kinabibilangan ng pisikla na pagsusuri, neurological examinations, mga laboratory tests, neuropsychological at memory tests, pagrerepaso sa medikal na kasaysayan at mga gamot, at mga klinikal na obserbasyon. Ang mga karanasan ng pasyente at malalapit na kaibigan o mga miyembro ng pamilya ay mahalaga rin sa proseso ng pagsusuri.
Tulad ng walang nag-iisa at tiyak na pagsusri, walang ring tiyak na paggagamot o lunas para sa MCI. Inirerekumenda ng ilang mga doktor ang paggamit ng mga gamot na kasalukuyang inirereseta para sa maagang yugto o katamtaman na Alzheimer’s disease para mapanatili ang mga cognitive na kakayahan sa MCI pero walang malinaw na may katibayan mula sa mga pananaliksik ang tungkol sa mga pakinabang. Ang mga bagong gamot ay binubuo at pinag-aaralan at maaaring maaprubahan ng FDA. Maaaring limitado ang mga ito para sa mga taong nasa maagang yugto ng demensya o magagamit lamang para sa mga kalahok sa mga klinikal na pagsubok. Ang isang neurologist ay maaaring makatulong na matukoy kung ang mga ito ay angkop at upang suriin ang mga panganib at benepisyo.
Ang mental stimulation at pisikal an ehersisyo ay nagpapanatiling mahusay ang pag-gana ng inyong utak at katawan. May haka-haka ang mga propesyonal na ang mga bagay na mabuti para sa puso at mainam rin para sa utak. Iminungkahi ng isang pag-aaral na ang simpleng paglalakad ng lima hanggang anim na milya kada linggo ay nakakatulong na mapanatili ang mga cognitive na kakayahan o pinapabagal ang pagsulong ng MCI.
Paano Makaraos kapag may MCI
Ang banayad na kahinaang cognitive ay nakakapag-payamot sa inyo. Para makaraos sa pagkakayamot, subukan ang ilang mga pamamaraan na nakasaad sa ibaba para makatulong mapagpunan ang anumang paghina ng memorya na nakakasagabal sa inyong kasiyahan sa buhay, ang kakayahan sa trabaho, sa inyong mga relasyon, at inyong mga layunin sa hinaharap.
- Maging matiyaga sa inyong sarili at hilingin sa inyong pamilya na magtitiyaga rin sa inyo. Unawain na maaaring maramdaman ninyo ang pagkayamot, pagkabalisa, o kalungkutan sa kawalan ng ilang mga kakayahan. Ang dahan-dahan na pagkilos ay minsang nagpapadali na matandaan o makumpleto ang isang ginagawa.
- Alamin ang lahat tungkol sa MCI at ibahagi ang kaalamang iyon lahat ng taong nakapaligid sa inyo. Nang sa ganun ay maiintindihan nilang mabuti ang mga pagbabagong nakaka-apekto sa inyo.
- Pag-usapan sa pamilya, o sa iba pang pinagkakatiwalaang tao ang inyong mga kagustuhan para sa mga desisyon na nakaka-apekto sa inyong buhay, sa oras na sumulong ang MCI at magiging dementia. (Para sa mga karagdagang impormasyon sa pagtatalakay ng inyong mga kagustuhan, basahin ang FCA Fact Sheets Making Choices About Everyday Care at Legal Issues in Planning for Incapacity, na nakalista sa ilalim ng Mga Pinagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong na seksyon ng fact sheet na ito.)
- Humanap ng mga mabisang paraan para pakawalan ang galit at pagkakayamot na nararamdaman ninyo. Mag-ehersisyo, makipag-usap sa isang malapit na kaibigan o isang counselor, at isiping sumali sa isang support group para sa mga taong may memory loss. (Ang Alzheimer’s Association ay may mga support group para sa mga taong nasa maagang yugto ng Alzheimer’s disease, kasama ang mga taong may diagnosis na MCI). Nakakatulong ang pakikipag-usap sa ibang taong may parehong karanasan. Hikayatin ang ibang miyembro ng inyong pamilya na humanap ng counseling at suporta para matugunan ang kanilang mga pangangailangan.
- Ipagpatuloy ang pagtuklas ng mga paraan para matugunan ang personal na pangangailangan and pagiging malapit sa isa’t-isa. Sumali sa mga salo-salo ng pamilya kung kaya ninyo, at panatilihin ang pakikipag-ugnayan sa inyong mga kaibigan. Ang hangaring mapanatili ang malalapit na ugnayan sa iba ay dapat ipag-patuloy habang nabubuhay.
- Humingi sa inyong manggamot ng isang angkop na ehersisyo ayon sa inyong mga pangangailangan. Ang ehersisyo ay nag-aambag sa magandang kalusugan ng katawan, mababawasan ang pagkabalisa at hangga’t maaari, pinananatiling maayos ang kalusugan ng inyong utak.
- Gumamit ng mga paalalang madaling makita o maabot. Ang mga kapaki-pakinabang na paraan ay ang pasusulat ng mga tala para sa inyong sarili, pagkakabit ng malaking kalendaryo para masubaybayan ang mga appointment, mag-iwan ng mensahe para sa inyong sarili sa inyong answering machine, gumamit ng automatic dispensing pill box, at itaksa ang alarm sa isang mobile device para ipaalala sa inyo sa mga susunod na gawain.
- Gawin ang inyong personal na kuwento sa pamamagitan ng paglilikha ng isang scrapbook, pagsulat ng inyong sariling talambuhay, o pagkakaroon ng isang journal. Ito ay isang napakagandang paraan magmuni-muni sa inyong buhay at ibahagi ang inyong sarili doon sa mga nalalapit sa inyo. Ang inyong mga anak at apo ay lubos na pagkakaingatan ang mga keepsake na ito.
- Panatilihing aktibo ang inyong utak sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay na ikasisiya ninyo: bumuo ng mga palaisipan, magbasa ng dyaryo, maglaro ng baraha, makinig sa musika, magsulat sa isang journal, matuto ng isang bagong bagay.
- Dapat malaman at maunawaan ninyo na kayo basta’t isang taong may MCI, ngunit mas higit pa. Ipagdiwang ang marami at iba’t-ibang mga katangian na mayroon kayo.
- Palawakin ang inyong kamalayan sa mga proyektong pananaliksik ukol sa MCI at mga clinical trial ng mga bagong gamot. Sumali sa mga medication trial kung sa palagay ng inyong manggagamot ay maaaring makakatulong ito.
- Maging isang tagapagtaguyod para sa inyong sarili at sa iba pang mga indibiduwal na may MCI. Sumulat at tumawag sa mga lokal at pang-estado na kinatawan, at tulungan ang mga community agency sa pagsasanay sa mga kawani at propesyonal tungkol sa MCI.
- Kumpletuhin ang Advance Healthcare Directive, ang Durable Power of Attorney, at ang Durable Power of Attorney for Finances. Ang mga dokumentong ito ay makakatulong sa inyong mahal sa buhay na makapagbigay sa inyo ng uri ng pag-aalagang ayon sa inyong kagustuhan at mga kakailanganin ninyo pagdating ng panahon na wala na kayong kakayahang ipahiwatig ang iyong mga kagustuhan. Makipagkita sa isang abogado na may hustong kaalaman sa estate planning para makapagbalangkas ng isang will, gumawa ng isang trust, at pamahalaan ang iba pang mga legal na bagay bagay.
- Pagtuunan ng pansin ang inyong kakayahan sa kasalukuyan at iwasan na mag-alala kung ano ang maaaring mangyari sa darating na panahon. Alamin na maraming mga paraan para mamuhay ng isang aktibo at produktibong buhay. Pagtuunan ng pansin ang mga bagay na kayang gawin and hindi ang mga bagay na hindi kaya.
Heto ang ilan pang mga karagdagang mungkahi para makatulong na gawing mas mahusay ang inyong memorya, kalusugan, at kapakanan:
- Alagaan nang husto ang inyong katawan. Uminom ng maraming tubig. Kumain ng mga pagkaing mababa sa taba at masustansya, low-fat, at maraming mga prutas at gulay.
- Panatilihing bago ang listahan ng inyong mga gamot at impormasyon sa pakikipag-ugnayan (mga doktor at pamilya). Ingatan ito palagi at dalhin kahit saan magpunta.
- Bawasan ang mga kalat sa bahay; hilingin sa isang kaibigan na tumulong sa pag-aayos at paglalagay ng palatandaan sa mahahalagang mga papeles, mga dokumento, at gamot.
- Bawasan ang pag-inom ng alak; maaaring may negatibong epekto ito sa kakayahan ng inyong kaisipan.
- Huwag manigarilyo.
- Patuloy na sumali sa mga libangan sa labas ng bahay kasama ang mga kaibigan at pamilya.
- Huwag itigil ang pag-aaral. Magbasa ng libro, sumali sa isang klase, magpunta sa isang konsyerto u isang dula.
- Makipag-usap sa mga kaibigan o trained counselor para masabi ang inyong mga nararamdaman.
Mga transisyon
Maaaring kailangan nang baguhin ang inyong mga karaniwang gawain sa araw-araw dahil sa MCI. Bagama’t darating ang panahon na mas kakailanganin ninyong umasa sa iba para tumulong sa iba pang gawain, maaaring ikaw ay gusto pa ring maging kasali sa pagdedesisyon na nakaka-apekto sa inyong buhay. Ang layunin ay makahanap ng balanse sa inyong buhay: sa pagtiyak sa kaligtasan habang pinapanatili ang makatwiran na kalayaan.
Ang mga sumusunod ay maaaring kailangang i-angkop sa inyong buhay:
- Pagmamaneho: Kung nagmamaneho kayo, ang patuloy na pagsusuri sa kakayahang magmaneho at pagsangguni sa inyong manggagamot ay lubhang mahalaga. Mainam rin na makinig sa mga payo galing sa taong malapit sa inyo, dahil maaaring mas mapapansin nila ang mga pagbabago sa inyong kakayahang magmaneho bago pa man ninyo mapansin ito. Ang AARP ay naghahandog ng mga klase sa pagmamaneho at mga pagsusuri sa pagmamaneho.
- Mga responsibilidad sa bahay: Ang pamamahala sa bahay ay maaaring maging mahirap para sa inyo. Ang mga gawain tulad ng pagluluto at pagkuha ng gamot ay maaaring magdulot ng peligro sa kaligtasan. Halimbawa, maaaring makalimutan ninyong isara ang apoy ng kalan o makalimutan na inumin ang inyong gamot. Gayunman, posibleng magpatuloy sa paglalahok sa mga aktibidad sa sambahayan na may kaunting tulong mula sa iba o sa tulong ng teknolohiya (electronic medication reminders, atbp.). Maaari ninyong piliin na may kapamilya o kaibigan na tumulong sa ilang mga gawain, o marahil na makakakuha kayo ng tulong mula sa labas. Ito ay mabuting panahon para simulang talakayin ang mga opsyon doon sa mga malapit sa inyo kung hindi ninyo mapamahalaan ang mga gawain na ito pagdating ng araw.
- Mga Pinansiyal na responsibilidad: Ang masikot na gawain tulad ng pagbabalanse ng tseke, pamamahala ng insurance, at pagbabayad ng mga bayarin ay maaaring nakakayamot at nakakasindak. Isiping magpatulong sa isang pinagkakatiwalaang miyembro ng pamilya o kaibigan para makatulong. Magpatulong sa isang abogado para makagawa ng isang Power of Attorney for Finances. Ito ay magpapahintulot sa isang pinagkakatiwalaang tao na kumilos sa ngalan ninyo kung hindi ninyo ito magawa. Tiyakin na isama ang taong ito sa maagang proseso para may panahon siyang matuto kung ano ang kailangang gawin. Tulad ng pagmamaneho, ang pamamahala ng sarili ninyong mga pananalapi ay isang hudyat ng kalayaan. Maaaring mahirap na payagan ang ibang gumawa nito para sa inyo, pero walang kahihiyan na aminin na kailangan ninyo ng tulong. Ang mga taong malapit sa inyo ay maaaring kumilala sa inyong pangangailangan ng tulong bago ninyo ito malaman.
- Pangangalaga sa kalusugan: Kumpletuhin ang Advance Health Care Directive (minsan na tinatawag na Durable Power of Attorney for Health Care o Living Will) para matiyak na ang mga miyembro ng inyong pamilya ay alam ang inyong mga pinili sa pangangalaga ng kalusugan. Mahalagang magkaroon ng kumpletong pag-uusap tungkol sa end-of-life na pag-aalaga, at para makumpleto ang mga naaangkop na form na nagsasadokumento ng inyong mga kagustuhan.
Pangunahing Mga Pinagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong sa Komunidad
Ang Eldercare Locator ay isang libreng serbisyo na nag-uugnay sa inyo sa inyong lokal na Area Agency on Aging o iba pang mapagkukuhanan ng tulong.
Ang Family Caregiver Alliance’s National Center on Caregiving (800-445-8106, www.caregiver.org) ay naghahandog ng tulong sa paghahanap ng mga serbisyo sa inyong komunidad. Kung kayo o ang inyong pamilya ay nakatira sa California, makakahanap kayo ng tulong sa pamamagitan ng inyong lokal na Caregiver Resource Center sa pamamagitan ng pagtawag sa (800) 445-8106. Ang mga pangunahing health system tulad ng Kaiser Permanente ay madalas may ibang impormasyon at suporta. Ang mga diagnostic center ay mahalagag mapagkukuhanan rin ng suporta.
Mahirap tanggapin ang isang bagong diagnosis ng MCI para sa inyong sarili o sa mahal sa buhay. Habang lubos ninyong natututunan ang tungkol sa kondisyong ito, hinihikayat namin kayong panatilihing ang isang bukas na isipin at tandaan na hindi kayo nag-iisa. Ang pakikipag-usap sa ibang tao na may mga katulad na karanasan ay maaaring malaki ang maitulong. Ang mga organisasyon na nagkakaloob ng tulong at suporta ay matatagpuan sa mga komunidad sa buong bansa, at maraming mga website ay naghahandog ng impormasyon at mga oportunidad para maka-interaksyon ang iba sa parehong situwasyo. Ang pakikipag-ugnayan sa iba para makakuha ng tulong at suporta ay may lahat may magagawang pagkakaiba.
- Alzheimer’s, senior service, at mga health organization. Ang ilang mga organisasyon, ang parehong lokal at nasyonal, ay tumutulong sa mga taong may cognitive impairment o dementia at ang mga miyembro ng pamilya nito. Maraming naghahandog ng support group, advice line, at mga serbisyo nang walang bayad. Basahin ang Mga Pinagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong na listahan sa katapusan ng fact sheet na ito para sa tiyak na impormasyon sa pakikipag-ugnayan.
- Mga support group at serbisyo ng counseling: Ang mga support group para doon sa may mga mahihinang memorya ay maaaring ang maunang paksa sa talakayan o makakapaghandog ng iba’t ibang malikhaing aktibidad kasama na ang mga naplanong paglabas. Ang mga support group para sa caregiver at mga programa n edukasyon ay available rin sa komunidad para sa mga miyembro ng pamilya o mga kaibigan na tumutulong sa inyo.
- Mga programa para sa boluntaryo: Ang mga oportunidad para sa boluntaryo para sa mga taong may MCI ay available sa ibang mga area. Maaari ninyong ikalugod ang pagkakataon na makapagbigay kontribusyon sa inyong oras at talento sa inyong komunidad.
- Mga Artistic na programa: Ang pagpapahiwatig ng inyong sarili sa pamamagitan ng pagdidisenyo, pagpipinta, clay, o photography, halimbawa, ay maaaring mapakinabangan at makakapagbigay sa inyo ng napakagagandang mga oportunidad para sa “self expression”.
- Structured day programs (May balangkas na mga programang pang-umaga): Ang mga adult day program ay kinabibilangan ng mga aktibidad tulad ng arte, musika, paghahardin, ehersisyo, discussion group, mga field trip, at tulong sa mga pangangailangan sa pisikal na kalusugan.
- Tulong ng propesyonal: Pakinabangan ang mga propesyonal na tumutulong sa pananatiling mabuti ang lakas ng inyong katawan at koordinasyon, tulad ng mga personal trainer, mga occupational therapist, at mga physical therapist. Kumuha ng mga attendant na makakatulong rin sa mga gawaing bahay.
- Legal at mga pinansiyal na tulong: Muli, ang pagbabalangkas ng isang Advanced Health Care Directive at Durable Power of Attorney for Finances ay ang mahahalagang unang hakbang. Ang Area Agency on Aging ay may listahan ng libre at murang legal na mga serbisyo para sa mga senior sa inyong komunidad. Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang Fact Sheet ng FCA Legal Planning for Incapacity.
- Care management (Pamamahala sa Pag-aalaga): Ang isang care manager na may karanasan sa larangan ng dementia ay makakapagkaloob ng edukasyon, tulong sa mga transisyon, emosyonal na suporta, at patnubay sa paghahanap at pagaayos ng mga mapagkukuhanan ng impormasyon at tulong sa komunidad.
Mga Pinagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong
Family Caregiver Alliance
National Center on Caregiving
(415) 434-3388 | (800) 445-8106
Website: www.caregiver.org
Mga mapagkukunan: https://www.caregiver.org/tagalog/
Email: info@caregiver.org
FCA CareNav: https://fca.cacrc.org/login
Services by State: www.caregiver.org/connecting-caregivers/services-by-state/
Hangad ng Family Caregiver Alliance (FCA) na mapahusay ang kalidad ng buhay para sa mga caregiver sa pamamagitan ng edukasyon, mga serbisyo, pananaliksik, at pagtatanggol. Sa pamamagitan ng National Center on Caregiving nito, ang FCA ay naghahandog ng impormasyon sa kasalukuyang social, pampublikong patakaran, at mga isyu sa pag-aalaga at nagbibigay ng tulong sa pagde-develop ng mga pampubliko at pribadong mga programa para sa mga caregiver, at pati na rin ang toll-free center para sa mga caregiver sa pamilya at mga propesyonal sa buong bansa. Para sa mga residente ng San Francisco Bay Area, ang FCA ay nagkakaloob ng direktang serbisyo ng suporta sa mga pamilya para sa mga caregiver noong may mga Alzheimer’s disease, stroke, ALS, pinsala sa ulo, Parkinson’s disease, at iba pang nagpapahinang mga brain disorder na nararanasan ng mga adult.
Fact at Tip Sheets ng FCA
Isang listahan ng lahat ng mga fact at tip ay available online sa www.caregiver.org/tagalog.
Pagdedesisyon: Ano ang Inyong Mahahalagang Mga Papeles? (Making End of Life Decisions: What Are Your Important Papers?)
Mga Legal na Isyu sa Pagpaplano para sa Mga Walang Kakayahan (Legal Planning for Incapacity)
Iba Pang Mga Organisasyon at Link
Alzheimer’s Association
www.alz.org
Alzheimer’s Disease Education and Referral
Center (ADEAR)
www.nia.nih.gov
BrightFocus Foundation
www.brightfocus.org
Eldercare Locator
eldercare.acl.gov
Iminumungkahing Babasahin
Mild Cognitive Impairment (MCI), Mayo Clinic. www.mayoclinic.com
Mild Cognitive Impairment (MCI), UCSF Memory and Aging Center. www.memory.ucsf.edu
This fact sheet was prepared by Family Caregiver Alliance and reviewed by Daniel Kuhn, M.S.W., Education Director, Mather Institute on Aging, Mather LifeWays, and by Cynthia Barton, R.N., M.S.N., Memory and Aging Center, University of California San Francisco. © 2016-2020 Family Caregiver Alliance. All rights reserved.