FCA logo

Pag-aalaga sa Isang Taong May Kawalan ng Pagpigil sa Pag-ihi at Pag-dumi: Emosyonal at Panglipunang Suliranin (Caring for Someone with Incontinence: Social and Emotional Issues)

Kapag tinanong, maraming mga pamilya at kasamang caregiver ang nagsasabi na ang malalang kawalan ng pagpigil ay ang hangganan para mag-desisyong ilipat ang mahal sa buhay sa isang nursing home. Bakit ito maituturing na isang mahirap at emosyonal na sukdulan? Ang kawalan ng pagpigil ay maaaring siyang huling bagay na kayang tanggapin sa isang sobrang nakababahalang situwasyon sa pag-aalaga. Sakop sa ibaba ang ilan sa mga suliraning nakakapag-pahirap sa kawalan ng pagpigil para harapin, at mga mungkahi kung papaano malampasan ang mga mga alalahanin.

Pagtutol

Ano ang dapat ninyong gawin kapag ang inyong mahal sa buhay ay ayaw na gumamit ng mga pads o protective underwear?  Ang isang indibiduwal na hiniling na gumamit ng mga produkto para sa kawalan ng pagpigil ay maaaring makaramdam na hindi na nila kayang alagaan ang kanilang mga sarili sa pinaka-pangunahing antas. Ang kanilang sagot sa inyo ay maaaring hindi pagtanggap, galit, pagtanggi, walang kibong hindi pagsunod.

Paano Makaraos: Mahalagang kausapin ang inyong mahal sa buhay sa isang kalmado, mapag-unawa at tapat na paraan kung paano nakaka-apekto sa inyo at sa inyong kakayahan na makapagkaloob ng pinakamainam na posibleng pag-aalaga sa kanila. Mapapadali nito ang pagtanggap—sa kawalan ng pagpigil at pati na rin ang mga produkto para dito. Kung ang tumatanggap ng pag-aalaga ay namumuhay ng may pangkaisipan na kondisyon tulad ng dementia, alamin ang pinakamabuting mga pamamaran sa pamamagitan ng pagkukuha ng mga klase o pagdalo sa isang support group kung saan maaari kayong matuto ng mga nakakatulong na kagamitan para sa mas matagumpay na komunikasyon.

Maging maingat sa pananalita; ang pagpasok sa isang bahay at pagsabi na ang isang bahay ay may kakaibang amoy ay maaaring makasakit sa damdamin ng taong inaalagaan at maging sanhi ng lumalaban na sagot sa halip na kooperasyon.

Kahihiyan

Maaaring maramdaman ninyo ang kahihiyan hindi lang para sa inyong sarili ngunit para rin sa taong inaalagaan. Mahirap maging responsable sa pag-aalaga ng ibang tao, tulad ng inyong magulang, sa ganitong lubos na personal at madalas ay mapanghimasok na paraan. Kung kayo ay nag-aalaga sa ibang taong may ibang kasarian, maaaring nakakahiya na makita, hawakan at alagaan ang mga pribadong parte ng kanilang katawan. Kung kayo ay nag-aalaga sa isang magulang ng parehong kasarian, maaaring tila nanghihimasok pa rin kayo sa kanilang pribadong dangal. At panghuli, may pagmamalasakit sa pagkakawala ng dignidad na nararamdaman ng isang mahal sa buhay na kailangan ngayon ng pag-aalaga sa ganitong antas.

Paano Makaraos:  Ang pakikipag-usap tungkol dito sa isang matulunging pamilya, mga kaibigan, o mga propesyonal ay maaaring makatulong. Tanggapin ang inyong mga pakiramdam ng pagiging di-komportable. Kumuha ng isang home care worker o kumuha ng iba pang miyembro ng pamilya o kaibigan para makapagkaloob ng pag-aalaga kapag masyado na itong mahirap na gawin.        

Mga Reaksyon

Ang mga caregiver ay madalas na hindi magaling sa pakikitungo sa kawalan ng pagpigil. Baka ang pakiramdam ay parang ang taong inaalagaan ay hinayaang mangyari ang isang kawalan ng pagpigil upang sadyang parusahan kayo. Baka isang araw ay makita ninyong kayo ay nagagalit o nawalan ng pasensya, lalo na kung ang tulong ay kinakailangan sa isang napakagipit na oras, tulad nang habang naghahanda ng hapunan o natutulog. Ang halaga ng mga gamit para sa kawalan ng pagpigil ay maaaring ikabahala sa budget ng caregiver/taong inaalagaan. At kung ang taong inaalagaan ay hindi nakikiisa, mas nagiging pabigat ito para sa inyong relasyon sa kanila. Ang ilan ay maaaring may mga pisikal na reaksyon rin at di komportable sa mga bodily fluid at mga amoy. 

Paano Makaraos: Ang pag-aamin na hindi kayo komportable ay isang mabuting unang hakbang. Ang pagpapanggap na hindi ito isang suliranin para sa inyo kahit na sa katotohanan ito ay isang suliranin, ay nagpapalala lamang sa mga situwasyon para sa inyo at sa taong inaalagaan. Unawain na ang taong inaalagaan ay hindi nagpapahirap sa inyong buhay; wala silang kontrol sa mga nangyayari. Mahirap rin ito para sa kanila. Humingi ng tulong sa isang in-person o online na mga support group, mula sa isang kaibigan o miyembro ng pamilya na nagkaroon ng kaparehong karanasan, o mula sa isang social worker, nars, occupational therapist o iba pang propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan. 

Mga Damdamin

Maaaring makaramdam kayo ng galit o hinanakit na kailangan ninyong harapin ang ganitong situwasyon. Marahil ay masyado mahirap ito para sa inyo. Minsan ay mararamdaman ninyo na mas madali na hindi lamang linisin ang isang tao, pero ito ay isang kapabayaan sa tumatanggap ng pag-aalaga at inilalagay sa panganib ang tumatanggap ng pag-aalaga na puwedeng magkaroon ng mga problema at impeksyon sa balat, lalo na ang mga urinary tract infection.

Paano Makaraos: Tanggapin ang maraming mga damdamin na nararamdaman ninyo tungkol sa pakikitungo sa kawalan ng pagpigil at humingi ng tulong. Ang mga support group, in-person man o online, ay makakapaghandog sa inyo ng parehong emosyonal na pampalakas loob at subok at tunay na mga praktikal na pamamaraan. Walang duda na ibabahagi ng mga caregiver ang kanilang pananaliksik at karanasan sa ibat’t ibang mga produkto. Kumuha ng mga rekumendasyon mula sa inyong doktor, pharmacist, o occupational therapist. Maghanap ng mga produkto na nagpapadali sa mga gawain para sa inyo at sa tumatanggap ng pag-aalaga. Ikonsidera ang pagkuha ng isang personal care aide o pagpapahintulot sa iba pang mga miyembro ng pamilya na tumulong kung kailan maaari. Hindi ninyo ito kailangang gawin lahat nang nag-iisa.

Mga Pisikal na Limitasyon

Ang mga hindi-magkatugmang uri ng katawan, kapansanan ng katawan, o edad o may kaugnayan sa sakit na pisikal na kahinaan ay maaaring magpahirap sa pagkakaloob ng pag-aalaga sa kawalan sa pagpigil para sa inyong mahal sa buhay. Ang isang maliit na taong sinusubukan na tulungan ang isang mas malaking tao na bumangon mula sa kama ay maaaring mailagay sa panganib na masaktan ang kaniyang likod o ma-puwersa ang kanilang mga kalamnan. Maaaring nanganganib kayo na matumba kapag nagising sa kalagitnaan ng gabi para matulungan ang taong inaalagaan na makarating sa banyo o paggamit ng ihi-an. Ang kawalan ng tulog dahil sa pabangon-bangon ng ilang beses sa gabi ay tiyak na makaka-apekto sa inyong pagkilos at kakayahan na harapin ang mga gawain kinabukasan.

Paano Makaraos: Kung kayo ay nag-aalaga sa isang tao na may pisikal na kapansanan, tulad ng paralysis o kahinaan, tiyakin na mayroon kayong isang physical therapist o occupational therapist na magtuturo sa inyo kung paano gagamitin ang inyong katawan para hindi ninyo masaktan ang inyong sarili habang sinusubukan na tulungan ang taong inaalagaan. Makipagtulungan sa inyong manggagamot para matiyak na may anumang plano sa pag-aalaga na kabilang kung ano ang kailangan NINYO at pati na rin ang mga pangangailangan ng taong inaalagaan. OK lang na tanggapin ang mga limitasyon ninyo at magtakda ng mga limitasyon kapag tila makakasama sa inyo ang isang bagay.

Pagpaplano

Ang lumabas kasama isang taong may kawalang ng pagpigil ay kailangan ng isang paunang pagpaplano. Ang mga caregiver at ang mga taong inaalagaan ay madalas na nahihiwalay sa kapwa dahil sa mga pagkakabaala sa pakikitungo sa kawalan ng pagpigil sa labas ng bahay.

Paano Makaraos: Paunang mag-empake ng dalawang maliit na duffle o shoulder bag na laman ang lahat ng maaaring kailanganin ninyo tulad ng mga incontinence pads, wipes, guwantes, pamalit na panloob, at iba pang mga gamit na kakailaganin ninyo. Tiyakin na magsama ng ilang mga plastic bag para malagyan ng mga narumihang produkto. Ang isang bag ay dala-dala ninyo at ang isa naman ay nasa kotse, kung sakali lang. Kung bibiyahe, maghanap ng isang banyo na para sa pamilya/may kasama na pinapahintulutan ang dalawang tao na magkasamang makakapasok. O magdala ng isang laminated flyer, na maaari ninyong ikabit sa pasukan ng isang pampublikong banyo na nagsasabi, halimbawa, “wife caring for disabled husband inside (“asawa na nag-aalaga sa kaniyang may kapansanang asawa sa loob”). Dapat ninyong malaman na sa ilang mga estado, tulad ng California, pinapahintulutan sa ilalim ng batas ng estado ang isang caregiver ng pamilya o binabayarang attendant ng anumang kasarian na mag-alaga sa isang tao sa isang pampublikong banyo. Isaayos para magkaroon ng upuan malapit sa banyo sa isang eroplano o iba pang paraan ng transportasyon. Tandaan kung saan ang mga banyo kapag lumabas, na magbabawas sa pagkabalisa ninyong dalawa. Madalas na dumaan sa banyo, kahit na ang inaalagaan ay hindi nagsabi na kailangan nilang mag-banyo.

Oras at Mga Mapagkukuhanan ng Tulong at Impormasyon

Ang kawalan ng pagpigil ay nagpapahirap sa trabaho ng isang caregiver sa maraming paraan. Ang produktong tumatagas, ang iregular na paggamit nito, o kahit na ang kakulangan sa paggamit kapag kinakailangan ito, ay magreresulta sa mas maraming paglalaba at mas maraming nasasayang na oras sa paglilinis ng banyo at sa palibot ng bahay. Kailangan ang karagdagang oras kung kailangan ang tulong para paliguan ang inyong mahal sa buhay pagkatapos na magkaroon ng di inaasahang aksidente sa pag-ihi o pagdumi. Dahil parami nang parami ang kailangan na oras para sa personal na pag-aalaga, maaaring dahan-dahan na nawawalan kayo ng pasensya at mas nayayamot. Ang mga damdaming ito ay mas nagiging magulo lang kung paglilinis o pagpaligo ay kinakailangan sa buong gabi na nagreresulta sa di pagkakaroon ng sapat na tulog ng caregiver. Ang dumaraming oras na kinakailangan para sa pag-aalaga ng taong may kawalan ng pagpigil ay makaka-impluwensya kung kailangan ng dagdag na tulong, halimbawa, pagkuha ng iba pang miyembro ng pamilya o pagkuha ng isang attendant, at posibleng pagkokonsidera kung oras na para malipat sa isang residential care placement. Ang mga karagdagang dahilan na hindi maaaring kaligtaan ay ang halaga ng mga produkto para sa pangangalaga sa kawalan ng pagpigil, at ang pagsisikap na mabantayan at bilhin ang lahat ng mga kinakailangang gamit. 

Paano Makaraos: Ang pagkuha ng tulong ay maaaring mabawasan ang bigat ng gawain mula sa caregiver. Maraming mga caregiver ang nagmumungkahi na maghanap online para makahanap ng pinakamainam na presyo para sa mga gamit para sa kawalan ng pagpigil at paghahanap ng mga kupon para makatulong na mabasawan ang gastos sa tindahan. Huwag mag-atubiling magtanong sa ibang caregiver—nang personal o sa isang online caregiver support groups—para sa kanilang mga mungkahi sa pinakamabuting mga lugar para bumili ng mga produkto. Maaari kayong magpasya sa huli na ang placement ang siyang pinakamabuting paraan para sa inyo at sa taong inaalagaan—kahit na nangako kayo na hindi ninyo sila ililipat sa isang nursing home. Tapos ang caregiver ay maaari nang bumalik sa pagiging isang partner, isang anak, kaibigan, kapatid at hindi lang ang personal care attendant. Ang pagbabago mula sa pagiging isang mapagmahal na kapartner sa pagiging caregiver ay maaaring magresulta sa pagkakalumbay, konsensya at depression. Ang pag-aalaga sa inyong sariling pangangailangan ay pinakamahalaga sa inyong kakayahang mag-alaga ng iba.

Hindi kayo nag-iisa. . .

Mas madali para sa inyo bilang isang caregiver, at pati na rin sa taong inaalagaan kung magagawa ninyong natural hangga’t maaari ang pangangalaga sa kawalan ng pagpigil. Sa kabila ng lahat, ito naman ay lubos na karaniwan—25% ng mga kababaihan at 15% ng kalalakihan ay nakakaranas ng kawalan ng pagpigil sa isang punto sa kanilang mga buhay. Kumuha ng isang medikal na pagsusuri para makita kung mayroon pa bang maaring gawin para bawasan ang madaliang pangangailangan sa paggamit ng banyo, at para malaman kung ang isang kondisyon ay maaring gamutin, tulad ng urinary tract infection o problema sa prostate. Talakayin sa manggagmot ng taong inaalagaan kung ang gamot o pagsasanay sa pantog ay mabisa sa ganitong situwasyon. Higit sa lahat, maghanap at humingi ng tulong mula sa kapamilya, mga kaibigan, at binabayaran na tulong kung maaari para hindi lahat ay depende sa inyo para gawin ang lahat ng uri ng pag-aalaga.

Mga Pinagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong

Family Caregiver Alliance
National Center on Caregiving 

(415) 434-3388 | (800) 445-8106
Website: www.caregiver.org
Mga mapagkukunan: https://www.caregiver.org/tagalog/
Email: info@caregiver.org 
FCA CareNav: https://fca.cacrc.org/login
Services by State: www.caregiver.org/connecting-caregivers/services-by-state/

Hangad ng Family Caregiver Alliance (FCA) na mapahusay ang kalidad ng buhay para sa mga caregiver sa pamamagitan ng edukasyon, mga serbisyo, pananaliksik, at pagtatanggol. Sa pamamagitan ng National Center on Caregiving nito, ang FCA ay naghahandog ng impormasyon sa kasalukuyang social, pampublikong patakaran at mga isyu sa pag-aalaga, nagkakaloob ng tulong sa pagde-develop ng pampubliko at pribadong mga programa para sa mga caregiver, at tumutulong sa mga caregiver sa buong bansa na makahanap ng mga mapagkukuhanan ng tulong at impormasyon sa kanilang mga komunidad. Para sa mga residente ng San Francisco Bay Area, ang FCA ay nagkakaloob ng direktang serbisyo ng suporta sa mga pamilya para sa mga caregiver noong may mga Alzheimer’s disease, stroke, ALS, pinsala sa ulo, Parkinson’s disease, at iba pang nagpapahinang mga kondisyon sa kalusugan na nararanasan ng mga adult.

Fact at Tip Sheets ng FCA

Isang listahan ng lahat ng mga fact at tip ay available online sa www.caregiver.org/tagalog.

Hiring in-Home Help (Sa Ingles)
Caregiving and Ambiguous Loss (Sa Ingles)

Iba Pang Mga Organisasyon at Link

Urology Care Foundation: American Urological Association
https://www.urologyhealth.org/

National Assocation for Continence
www.nafc.org

Incontinence Support Center
www.incontinentsupport.org

Ang fact sheet na ito ay inihanda ng Family Caregiver Alliance. Copyright © 2014 Family Caregiver Alliance. Naka-reserba ang lahat ng mga karapatan.