FCA logo

Paglipat sa Isang Tao (Transferring a Person)

Mga Tip para Makatulong sa Mga Caregiver na Ilipat ang Isang Mahal sa Buhay na May Mga Limitasyon sa Pagkilos

  • Alamin ang mga pamamaraan ng katawan Humingi ng isang rekumendasyon para sa physical therapy mula sa iyong physician para tulungan ka kung paano gamitin ang katawan mo para hindi ka masaktan.
     
  • Iligtas mula sa sakit ang iyong likod. Kung may naramdaman kang kabigatan o hirap, humingi ng tulong; huwag ito gawin mag-isa. Para ito sa kaligtasan mo at sa kaligtasan ng tao na sinusubukan mong ilipat. Kung masaktan ang likod mo, hindi mo kayang alagaan ang iba pang tao.
     
  • Kausapin ang tao at ipaliwanag kung ano ang ginagawa mo at ano ang gagawin mo. Pag-usapan ang buong proseso habang patuloy ka sa paglilipat, humingi ng tulong sa kaniya kung kailan puwede.
     
  • Siguraduhin na ang mga binti ng tao ay nasa sahig bago mo subukan na patayuin. Gumamit ng mataas at matatag na silya na may tanganan hangga’t maaari. Mas madaling ilipat ang isang tao mula doon kaysa galing sa isang sofa o malambot na upuan.
     
  • Kung ang tao ay nasa kama, pagulungin muna siya sa tabi ng kama at tulungan siya na makaupo na kung saan ang paa ay nakalapat sa sahig.
     
  • Tumayo kung saan ang mga paa ninyo ay nasa parehong agwat ng lapag ng iyong mga balikat kung saan ang isang paa ay medyo nauuna kaysa sa kabila. Ito ay nagbibigay sa iyo ng base para masuportahan ka at ang mahal mo sa buhay.
     
  • Kapag yuyuko ay ibaluktot gamit ang tuhod at di galing sa baywang. Ang mga tuhod mo ay magsisilbing suporta at maliligtas mula sa sakit ng likod. I-flex ang iyong mga tuhod at balakang kapag ibinababa ang isang tao sa wheelchair, silya, o kama, gamit ang mga armrest para sa suporta kung kailan available.
     
  • Ilagay ang mga braso mo sa palibot ng baywang ng tao. Huwag ipapatong sa tao ang kaniyang mga braso sa palibot ng leeg mo, dahil maaari ka niyang mahila at mawalan ka ng balanse. Kung kinakailangan ng tao na tumangan sa isang bagay, ipapalibot ang kaniyang braso sa palibot ng iyong baywang o sa iyong balikat.
     
  • Ipaabante ng kaunti ang katawan nito bago mo subukan na tumayo. Gamit ang umuugang pagkilos para makalikha ng momentum, kung posible. Hayaang malaman niya kung kailan ka mag-uumpisa, hal. kung ikaw ay tatayo sa bilang ng tatlo. Dalhin ang tao ng malapit sa iyong katawan hangga’t maaari.
     
  • Para mapaikot ang isang tao, gamitin ang mga binti mo, ang mga muscle na ito ay malakas at makakatulong sa iyong makaikot. Huwag umikot mula sa baywang. Maliliit lang ang mga hakbang, panatilihin na tuwid ang iyong likdo at leeg.
     
  • Matutong gumamit ng mga assistive na device kung naaangkop, hal. gait belt, transfer board, draw sheet, Hoyer lift. 
     

Ang tip sheet na ito ay inihanda ng Family Caregiver Alliance. ©2017 by Family Caregiver Alliance. Naka-reserba ang lahat ng mga karapatan.