FCA logo

Pagpaplano sa Paglalabas Mula sa Ospital: Isang Gabay para sa Mga Pamilya at Caregiver (Hospital Discharge Planning: A Guide for Families and Caregivers)

Ang pagpunta sa ospital ay maaaring isang nakakatakot na pangyayari para sa mga pasyente at ang mga pamilya nito. Bilang isang caregiver, ganap kayong nakatuon sa medika na paggamot ng miyembro ng inyong pamilya, at pati na rin ang kawani ng ospital. Maaaring hindi ninyo masyadong isinasaisip kung ano ang nangyayari sa inyong kamag-anak kapag nakalabas na ito sa ospital. 

Ngunit ang paraan kung paano pinamamahalaan ang transisyon na ito—kung ang pag-discharge ay sa bahay, isang rehabilitation (“rehab”) facility, o isang nursing home—ay kritikal sa kalusugan at kapakanan ng inyong mahal sa buhay. Natuklasan sa mga pag-aaral na ang mga pagpapahusay sa pagpaplano sa paglalabas sa ospital ay malaki ang magandang kinalabasan ng mga pasyente habang sila ay patungo sa susunod na antas ng pag-aalaga. 

Ang mga pasyente, family caregiver at tagapag-bigay sa pangangalaga ng kalusugan ay may tungkulin lahat sa pag-iingat sa kalusugan ng pasyente makalipas na ma-discharge ito. At kahit na ito’s isang mahalagang parte ng pangkalahatang plano sa pag-aalaga, may nakakagulat na kakulangan sa pagiging maayos sa parehong proseso at kalidad ng pagpaplano sa dischange sa buong sistema ng pangangalaga ng kalusugan.  

Ang Fact Sheet na ito ay susuri sa mga susi sa mahalagang transisyon mula sa ospital patungo sa tahanan, ipapaliwanag ang ilang mga mahahalagang elemento, magbibigay ng mga mungkahi sa pagpapahusay ng proseso, at pagkakaloob sa mga caregiver ng mga checklist para makatulong na matiyak ang pinakamabuting pag-aalaga sa isang mahal sa buhay. Kung kayo ay isang caregiver, may ginagampanan kayong napakahalagang tungkulin sa proseso ng discharge na ito: kayo ang tagapagtaguyod ng pasyente at para sa inyong sarili. 

Ano ang Discharge Planning (Pagpaplano sa Paglabas sa Ospital)? 

Ipinahayag ng Medicare na ang discharge planning ay isang “proseso na ginagamit para makapagpasya kung ano ang kailangan ng pasyente para sa isang maayos na paglipat mula sa isang antas papunta sa ibang antas ng pag-aalaga.” Ang doktor lang ang puwedeng magpahintulot sa pagpapalabas ng pasyente mula sa ospital, pero ang aktuwal na proseso ng discharge planning ay makukumpleto ng isang social worker, nars, case manager, o iba pang tao. Ayon sa nararapat, at lalo na para sa mga pinakakomplikadong medikal na kondisyon, ang discharge planning ay nagagawa sa pamamaraan ng isang pangkat. 

Sa pangkalahatan, ang mga pangunahing kaalamanng sa discharge ay: 

  • Pagsusuri sa pasyente ng isang kuwalipikadong tauhan 
  • Pakikipagtalakay sa pasyente o sa kaniyang kinatawan 
  • Pagpa-plano sa pagbalik sa bahay o paglipat sa iba pang care facility 
  • Pagpapasya kung ang pagsasanay bilang caregiver o iba pang klase ng suporta ay kinakailangan 
  • Mga referral sa isang home care agency at/o naaangkop na mga organisasyon sa komunidad 
  • Pag-aayos ng mga follow-up na appointment o pagsusuri 

Kailangang kasama sa talakayan ang pisikal na kondisyon ng miyembro ng inyong pamilya bago at pagkatapos na ma-ospital; ang mga detalye ng uri ng pag-aalaga na kailangan; at kung ang pag-discharge ay sa isang facility o sa tahanan. Dapat rin kasama ang impormasyon kung ang kondisyon ng pasyente ay marahil na huhusay; ano ang mga aktibidad na maaaring kailangan o di niya kailangan ng tulong; impormasyon tungkol sa mga gamot at diyeta; ang iba pang mga kagamitan na maaaring kailanganin tulad ng wheelchair, commode, o oxygen; sino ang mamamahala ng paghahanda ng pagkain, transportasyon at iba pang mga gawain; at posibleng referral sa mga home care services. 

Bakit Napakahalaga ng Magandang Dischage Planning? 

Ang mabisang discharge planning ay maaaring magpababa sa mga posibilidad na ang inyong kamag-anak ay muling bumalik sa ospital, at makakatulong rin ito sa paggaling, matiyak na ang mga gamot ay nireseta at tama ang pagkakabigay, at sapat ang inyong paghahanda para sa pamamahala sa pag-aalaga sa mahal sa buhay. 

Hindi lahat ng mga ospital ay nagtatagumpay sa prosesong ito. Kahit na ang American Medical Association at ang Joint Commission on the Accreditation of Healthcare Organizations (JCAHO) ay naghahandog ng mga rekomendasyon para sa discharge planning, walang sistemang sinusunod sa buong mundo sa mga ospital sa Estados Unidos. Dagdag pa dito, ang mga pasyente ay ipinapalabas mula sa mga ospital ng “mas mabilis at mas malala ang sakit” kaysa dati, na ginagawang mas kritikal na isaayos ang mabuting pag-aalaga makalipas mailabas. 

Ipinapakita sa mga pag-aaral na hanggang sa 40 porsiyento ng mga pasyente na higit sa 65 taong gulang ang nakaranas ng mga kamalian sa gamot pagkalabas sa ospital, at 18 porsiyento ng mga pasyente ng Medicare na lumabas sa ospital ay muling bumabalik sa loob ng 30 araw. Hindi ito mabuti para sa pasyente, hindi ito mabuti para sa ospital, at hindi ito mabuti sa ahensyang pinansyal, ito man ay Medicare, pribadong insurance, o sarili ninyong mga pondo. Sa kabilang dako, ipinapakita sa mga pananaliksik na ang mahusay na pagpaplano at mabuting pag-follow up ay maaaring mapabuti ang kalusugan ng pasyente, mabawasan ang muling balik sa ospital, at makakapagpababa sa mga gastusin sa pangangala sa kalusugan. 

Kahit na ang mga simpleng hakbang ay malaki ang maitutulong. Halimbawa, kailangan na alam nyo ang numero ng telepono na pwedeng tawagan kahit anong oras (araw at gabi) para sa impormasyon sa pag-aalaga. Dapat isaayos ang isang follow-up na appointment para makapagpatingin sa doktor bago umalis sa ospital ang inyong mahal sa buhay. Dahil ang mga kamalian sa mga gamot ay madalas at posibleng mapanganib, isang masusing pagrerepaso ng lahat ng mga gamot ay dapat maging isang mahalagang parte ng discharge planning. Ang mga gamot ay dapat na “ipagsama”, nangangahulugan iyon na ang mga gamot bago ma-ospital kung ikukumpara sa listahan pagkatapos ma-discharge na listahan para makita na walang mga doble, mga naalis, o nakakasamang mga side effect. 

Sa ilalim ng ilang mga pangyayari, ang discharge planner ay dapat na magsimula sa kaniyang mga evaluation kapag ang isang pasyente ay na-admit sa ospital. 

Ang Tungkulin ng Caregiver sa Proseso ng Pag-discharge 

Ang buong kawani ng pag-discharge ay hindi alam ang lahat ng mga aspekto sa situwasyon ng inyong kamag-anak. Bilang isang caregiver, kayo ang “eksperto” sa kasaysayan ng inyong mahal sa buhay. Habang maaaring hindi kayo isang eksperto sa medikal, kung kayo ay matagal ng naging isang caregiver, siguradong marami kayong alam tungkol sa pasyente at tungkol sa sarili ninyong mga kakayahan para makapagkaloob ng pag-aalaga at ligtas na kapaligiran sa tahanan. 

Ang mga discharge planner ay dapat makipag-usap sa inyo tungkol sa inyong kagustuhan at kakayahan na makapagkaloob ng pag-aalaga. Maaaring mayroon kayong pisikal, pinansiyal, o iba pang mga limitasyon na nakaka-apekto sa inyong mga kakayahan bilang caregiver. Maaaring mayroon kayong iba pang mga obligasyon tulad ng isang trabaho o pag-aalaga sa bata na nakaka-apekto sa oras na pwede kayong mag-alaga. Lubos na mahalagang sabihin sa kawani ng discharge ng ospital ang tungkol sa mga limitasyong iyon. 

Ang ilan sa mga kinakailangang pag-aalaga ng inyong mahal sa buhay ay maaaring medyo komplikado. Lubos na mahalagang makakuha kayo ng pagsasanay sa mga pamamaraan ng special care, tulad ng pag-alagsa sa sugat, feeding tube o catheter, mga pamamaraan sa paggamit ng ventilator, o paglilipat ng isang tao mula sa kama papunta sa silya. 

Kung ang inyong mahal sa buhay ay may mga problema sa memorya na sanhi ng Alzheimer’s disease, stroke, o iba pang disorder, ang discharge planning ay nagiging mas komplikado, at kailangang parte kayo ng lahat ng mga pag-uusap tungkol sa pag-discharge. Maaaring kailangang ipaalala sa kawani ang tungkol sa espesyal na pag-aalaga at mga pamamaraan sa komunikasyon na kinakailangan ng inyong mahal sa buhay. Kahit na walang mahinang memorya, ang mas nakatatanda ay madalas na may mga problema sa pagdinig o paningin o nalilito kapag sila ay nasa ospital, kaya’t ang mga pag-uusap na ito ay mahirap na maunawaan. Kailangan nila ang inyong tulong. 

Kung kayo o ang miyembro ng inyong pamilya ay mas komportable sa pagsasalita sa ibang wika maliban sa Ingles, kinakailangan ang isang interpreter para sa talakayan na ito tungkol sa discharge. Dapat magkaloob rin ng mga nakasulat na materyal sa inyong wika. Napatunayan sa mga pag-aaral na marami, at minsan ay mapapanganib, na mga kamalian ang nagagawa sa pag-aalaga sa tahanan kapag hindi ikinokonsidera ang wika sa pag-discharge. 

Dahil nagmamadali ang mga tao na pag-alis sa ospital o facility, madaling makalimutan kung ano ang dapat tanungin. Gusto naming i-mungkahi sa inyo na itabi ang mga tanong na nakabuod sa ibaba (sa mga pahina 5-6 ng printout), at hilingin mula sa discharge planner na maglaan ng panahon para repasuhin ang mga ito sa inyo. 

Pagkuha ng Katulong sa Bahay 

Nakalista sa ibaba ang karaniwang mga responsibilidad sa pag-aalaga na maaaring pinamamahalaan ninyo para sa miyembro ng inyong pamilya pagkatapos makabalik sa bahay: 

  • Personal na pag-aalaga: paliligo, pagkain, pagbibihis, paggamit ng kubeta 
  • Pag-aalaga sa bahay: pagluluto, paglilinis, paglalaba, pamimili
  • Pangangalagang Pangkalusuganpamamahala sa gamot, mga appointment sa physician, physical therapy, paggagamot sa sugat, mga iniksyon, medikal na kagamitan at paano ito gamitin 
  • Emosyonal na pag-aalaga: pagiging kasalo, mga makabuluhang aktibidad, mga pag-uusap.  

Ang mga organisasyon sa komunidad ay makakatulong sa mga serbisyo tulad ng transportasyon, mga pagkain, mga support group, counseling, at sandaling pag-tigil sa mga responsibilidad sa pag-aalaga para mapahintulutan kayong makapagpahinga at maalagaan ang inyong sarili. Ang paghahanap ng mga serbisyong iyon ay maaaring mangailangan ng kaunting panahon at ilang mga tawag sa telepono. Ang discharge planner ay dapat na may kaalaman sa mga suporta sa komunidad na ito, pero kung hindi, ang mga lokal na senior center o pribadong case manager ay maaaring makatulong. (Basahin ang Mga Pinagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong  na seksyon sa katapusan ng Fact Sheet na ito.) Ang mga kapamilya at kaibigan ay maaaring makatulong sa inyo sa pag-aalaga sa tahanan. 

Kung kailangan ninyong kumuha ng bayarang tulong sa loob ng bahay, may kailangan kayong gawin na ilang mga desisyon. Sa kasamaang palad, ang mga desisyon sa pagkuha sa trabaho na ito ay madalas na madaliang ginagawa habang nadi-discharge sa ospital. Maaaring bigyan kayo ng isang listahan ng mga ahensya, na may mga instruksyon sa pagpapasya kung alin ang dapat gamitin—pero madalas ay wala nang karagdagang impormasyon. Ito ay isa pang mabuting dahilan kung bakit maaga dapat magsimula ang discharge planning—bilang isang caregiver, mayroon kayong panahon para magsaliksik tungkol sa inyong mga opsyon habang ang inyong mahal sa buhay ay inaalagaan sa ospital. 

Isipin ang inyong mga pangangailangan bilang isang caregiver at ang mga pangangailangan ng taong inaalagan ninyo, kasama ang wika at karanasang kultural. 

Mayroon kayong mapagpipilan sa pagitan ng direktang pagkuha ng indibiduwal o pagkuha sa pamamagitan ng home care o home health care agency. Bahagi ng desisyon na iyon ay maaaring maapektuhan kung ang tulong na kailangan ay “medically necessary” (hal. Inireseta ng doktor), samakatuwid ito ay babayaran ng Medicare, Medicaid, o iba pang insurance. Kung ganoon ang kaso, marahil na sila ang magpapasya sa ahensya na gagamitin ninyo. Sa paggawan ng desisyon, ikonsidera ang mga sumusunod: ang mga home care agency ay namamahala sa lahat ng mga papeles para sa mga buwis at suweldo, may mga kahalili o kapalit kapag ang katulong ay may sakit, at kayo ay mas kakayahang maabot malawak na saklaw na mga kasanayan. Sa kabilang dako, maaaring may mas personal na relasyon kung kayo ay direktang kumuha ng isang indibiduwal, at ang halaga ay maaaring mas mura. Anuman ang maging kaso, subukan na kumuha ng mga rekumendasyon sa pagkuha ng mga kakilala, mga nars, mga social worker, at iba pang mga may situwasyon na katulad ng sa inyo. 

Pag-discharge sa isang Facility 

Kung ang pasyente ay idini-discharge sa isang rehab facility o nursing home, ang mabisang pagpaplano ng transisyon ay dapat makapagtiyak sa patuloy na pag-aalaga, linawin ang kasalukuyang estado ng kalusugan ng pasyente at mga kakayahan nito, i-repaso ang mga resetang gamot, at tulungan kayo na pumili ng pasilidad kung saan ire-release ang inyong mahal sa buhay. 

Gayunman, madalas na ang pagpili ng isang pasilidad ay maaaring isang magdulot ng pagkabahala sa pamilya. Maaaring kakaunti lang ang panahon ninyo at kakaunti ang impormasyong natanggap para makapag-desisyon. Marahil ay isang listahan lamang ng mga pasilidad ang ibinigay sa inyo at hiniling na pumili ng isa. Para makatulong, isang pribadong geriatric care manager (kung saan magbabayad kayo ng isang orasan na singil) o isang social worker ay makakapaghandog ng lubos na kinakailangang payo at suporta. Mayroon rin mga online na pinagkukuhanan ng impormasyon (basahin ang Mga Pinagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong na seksyon ng Fact Sheet na ito) na nagbibigay ng halimbawa: antas sa singil sa mga nursing homes.  

Ang kaginhawaan ay isang dahilan—tulad ng mas madaling makarating sa pasilidad—pero ang kalidad ng pag-aalaga ay lubos na mahalaga, at maaaring kailangan ninyong isakripisyo ang kaginhawaan para sa mas magandang pag-aalaga. Ang listahan ng mga tanong sa ibaba ay magbibigay sa inyo ng direksyon sa inyong pagsisimula sa paghahanap ng isang pasilidad. 

Pagbabayad sa Pag-aalaga Makalipas na Ma-discharge 

Marahil na hindi ninyo alam na ang insurance, kasama ang Medicare, ay hindi nagbabayad para sa lahat ng mga serbisyo pagkatapos na ang pasyente ay na-discharge mula sa ospital. Gayunman, kung may isang bagay na napagpasyahan ng doktor bilang “medically necessary” or kinakailangan sa paggagamot, maaaring makakuha kayo ilang skilled care o kagamitan. Kakailanganin ninyong tiyakin nang direkta sa ospital, sa inyong insurer, o Medicare para malaman kung ano ang sakop at ano ang kailangan ninyong bayaran. Magtabi ng mga rekord ng inyong pag-uusap. 

Paano Kung sa Palagay ninyo na Masyado Pang Maaga para Ma-discharge? 

Kung hindi kayo sumasang-ayon na ang inyong mahal sa buhay ay handa na para ma-discharge, mayroon kayong karapatan na mag-apela sa desisyon. Ang una ninyong hakbang ay makipag-usap sa isang manggagamot at discharge planner at ipahiwatig ang inyong mga ikinababahala. Kung hindi iyon sapat, kailangan ninyong makipag-ugnayan sa Medicare, Medicaid, o sa inyong insurance company. Ang mga pormal na apela ay pinapangasiwaan sa pamamagitan ng naitalagang Quality Improvement Organizations (basahin ang Mga Pinagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong na seksyon). Dapat ninyong malaman na kung ang QIO ay nagdesisyon nang laban sa inyo, dapat ay babayaran ninyo ang dagdag na pag-aalaga sa ospital. Dapat ipaalam sa inyo ng ospital ang mga hakbang na dapat gawin para ma-repaso ang kaso. 

Pagpapahusay sa Sistema 

Tulad ng aming nabanggit sa kabuuan ng Fact Sheet na ito, ang discharge planning ay isang prosesong magka-salungat at nag-iiba sa bawat ospital. Ang lahat ay ayon sa kautusan – kung sino ang gumagawa nito, kailan ito matatapos, paano ito ginagawa, anong uri ng follow-up ang inuutos. At kung ang mga caregiver ay nasuri para sa kanilang kakayahang makapagkaloob ng pag-aalaga at maisama bilang mga ginagalang na miyembro ng talakayan, ang lahat na mga elementong ito ay nag-iiba sa bawat kapaligiran. 

Sa pangkalahatan, ang mga ospital ay kumikita lang kapag may mga gumagamit ng kama, kaya’t sa karamihang mga kaso, ang discharge at transitional care planning ay nagiging “ulila” na serbisyong di mapagkitaan. Maliban sa mga benepisyong malinaw na nagpapahusay sa kapakanan ng mga pasyente at caregiver, ang discharge/transition planning ay madalas na hindi binibigyan ng karadapat-dapat na pansin, at sa katunayan, ang di mabisang pagpaplano madalas nakapagdagdag sa pagkabalisa ng mga pasyente at caregiver. 

Ang mga pag-uusap sa pagitan ng mga eksperto sa pagpapahusay ng transitional care at discharge planning ay nakasentro sa mga pagpapahusay na nakatuon sa edukasyon at pagsasanay, preventive care, at kasama ang mga caregiver bilang mga miyembro ng healthcare team. Napatunayan sa ilang mga pag-aaral na ang mga simpleng hakbang ay nakakatulong. Halimbawa, ang pagpapadala ng buod ng pag-aalaga sa regular na doktor ng pasyente ay nagpapataas sa posibilidad ng mabisang follow-up na pag-aalaga. At ang mga tawag sa telepono mula sa mga may kaalamang propesyonal sa mga pasyente at caregiver sa loob ng dalawang araw makalipas ma-discharge ay makakatulong na maunahan ang mga problema at mapahusay ang pag-aalaga sa tahanan. 

Ang mas malalawak na inirekumendang mga pagbabago sa pamamalakad at patakaran ay kinabibilangan ng: 

  • Pormal na kilalanin ang tungkulin ng mga pamilya at iba pang mga di binabayaran na caregiver, isama sila bilang parte ng healthcare team, at i-assess ang kanilang kakayahan at kusa na magkaloob ng pag-aalaga. 
  • Ipag-tugma ang pag-aalaga sa lahat ng lugar – mula sa ospital hanggang sa pasilidad hanggang sa tahanan. Pahusayin ang komunikasyon sa pagitan ng ospital at mga serbisyo na batay sa komunidad. 
  • Bumuo ng mas mabubuting materyal na pag-edukasyon sa iba’t ibang wika, para makatulong sa mga pasyente at caregiver na suriin ang buong sistema ng pag-alaga at maunawaan ang mga uri ng tulong na maaari nilang gamitin habang nasa ospital at matapos makalabas ng ospital. 
  • Pahusayin ang pagsasanay ng mga kawani sa pangangalaga ng kalusugan, kasama ang mga paraan kung paano tumugon sa mga pagkakaiba sa wika, kultura, at kakayahang magbasa at magsulat. 
  • Gawing mas simple at palawakin ang kwalipikasyon para sa mga pampublikong programa. Gawing isang benepisyo sa Medicare ang transitional care; baguhin ang mga patakaran sa pagsasauli ng bayad (reimbursement policies) para mas marami ang masaklawan na home-based care bilang pandagdag sa institutional care. Gantimpalaan ang mga ospital at physician na nagpapahusay sa kapakanan ng pasyente at bawasan ang muling pagpapa-ospital.  

Konklusyon 

Nasuri ng maraming mga pag-aaral ang kahalagahan ng mabisang discharge planning at transitional care, at binibigyang-diin ang tunay na pakinabang sa pinahusay kinahinatnan ng pasyente at mas mababang daloy ng muling pagbalik sa ospital. Ipinakita sa ilang mga pangunahing programa ang mga nasabing benepisyo, ngunit hangga’t hindin nababago ang sistema sa healthcare financing para masuportahan ang nasabing mga inobasyon sa pag-aalaga, mananatiling hindi ito abot ng karamihan. Ang mga caregiver, pasyente, at tagapag-taguyod ay patuloy sa pagsisikap para mabago ang sistema ng ating healthcare para gawing pangunahing layunin ang discharge planning. Para sa ating mga mas nakakatandang populasyon, mas kinakailangan ang ang mga pagbabagong ito. 

Ang Ilang Mga Pangunahing mga Tanong para sa Mga Caregiver 

Mga tanong tungkol sa sakit: 

  • Ano ito at ano ang maaasahan ko? 
  • Ano ang dapat kong aabangan? 
  • Makakakuha ba kami ng home care at may nurse o therapist ba na pupunta sa bahay namin para makatrabaho ang aking kamag-anak? Sino ang magbabayad sa serbisyong ito? 
  • Paano ako makakakuha ng payo tungkol sa pag-aalaga, mga hudyat ng panganib, numero ng telepono ng taong makakausap, at follow-up na mga medikal na appointment? 
  • Ako ba ay nabigyan ng impormasyon sa pamamagitan ng salita o kasulatan sa paraang nauunawaan ko at maaari kong gawing sanggunian? 
  • Kailangan ba namin ng espesyal na instruksyon dahil ang aking kamag-anak ay may Alzheimer’s o memory loss? 

Anong uri ng pag-aalaga ang kinakailangan? 

  • Paliligo 
  • Pagbibihis 
  • Pagkain (mayroon bang mga pinagbabawal sa karaniwang pagkain, hal. mga malalambot na pagkain lang? Hindi puwede ang ilang uri ng pagkain?) 
  • Pangangalaga sa personal na kalinisan 
  • Pag-aayos ng anyo 
  • Paggamit ng kubeta 
  • Paglilipat (paglipat mula sa kama papunta sa upuan) 
  • Pagkilos (kasama ang paglakad) 
  • Mga gamot 
  • Pamamahala sa mga sintomas (hal. pananakit o pagkahilo’t pagsusuka) 
  • Espesyal na kagamitan 
  • Koordinasyon sa medikal na pag-aalaga ng pasyente 
  • Transportasyon 
  • Mga gawaing bahay 
  • Pamamahala sa mga gawaing pananalapi 

Mga tanong kapag ang aking kamag-anak ay madi-discharge sa kanilang tahanan:* 

  • Ang bahay ba ay malinis, komportable at ligtas, tama ang init/lamig, may espasyo para sa ibang kagamitan? 
  • May mga hagdan ba? 
  • Kakailanganin natin ng rampa, handrails, grab bars? 
  • Naitabi ba ang mga peligrong bagay tulad ng mga alpombra at kurdon ng kuryente? 
  • Kakailanganin natin ng equipment tulad ng kama ng ospital, silya sa shower, commode, oxygen tank? Saan ko makukuha ang kagamitang ito? 
  • Sino ang magbabayad sa mga bagay na ito? 
  • Kakailanganin natin ang mga gamit tulad ng mga adult diaper (lamping pang-matanda), mga guwantes na pwedeng itapon, mag bagay na pang-alaga sa balat? Saan ko makukuha ang mga bagay na ito? 
  • Babayaran ba ng insurance/Medicare/Medicaid ang mga ito? 
  • Kailangan ko bang kumuha ng dagdag na tulong? 

Mga tanong tungkol sa pagsasanay: 

  • May mga pamamaraan ba para sa espesyal na pag-aalaga na kailangan kong matutunan para sa mga bagay tulad ng pagbabago ng mga dressing, pagtulong sa ibang malunok ang isang pill, pagbibigay ng iniksyon, paggamit ng espesyal na equipment? 
  • Ako ba ay nakapagsanay para sa mga kakayahan sa paglilipat at maiwasan na mahulog o madapa? 
  • Alam ko ba kung paano ibaliktad ang isang tao sa kama kapag nakahiga para hindi siya magkaroon ng bed sores? 
  • Sino ang magsasanay sa akin? 
  • Kailan nila ako sasanayin? 
  • Puwede ko bang simulan ang pagsasanay sa ospital? 

Mga tanong kapag ang pag-discharge ay sa rehab facility o nursing home: 

  • Gaano katagal na inaasahang manatili ang aking kamag-anak sa pasilidad? 
  • Sino ang pipili ng pasilidad? 
  • Natingnan ko na ba ang mga online resources tulad ng www.Medicare.gov para sa mga marka ng pasilidad? 
  • Malinis ba ang pasilidad, maayos, tahimik, at may komportableng temperatura? 
  • Ang pasilidad ba ay may karanasan sa pakikipagtrabaho sa mga pamilya na may parehong kultura/wika ko? 
  • Nagsasalita ba ng wika ko ang mga kawani? 
  • Angkop ba sa kultura ang pagkain? 
  • Ligtas ba ang gusali (may mga smoke detector, sprinkler system, minarkahang mga exit)? 
  • Madali ba sa akin ang lokasyon? May transportasyon ba ako para makarating doon? 

Para sa mas matagal na pamamalagi: 

  • Ilang kawani ang nagtatrabaho sa anumang takdang oras? 
  • Ano ang turnover rate (tulin ng pagpapalit) ng kawani? 
  • Mayroon bang social worker? 
  • Ang mga residente ay mayroon bang ligtas na labasan? 
  • Mayroon bang espesyal na pasilidad at programa para sa mga pasyenteng may dementia? 
  • May mga paraan ba para sa mga pamilya na makipag-ugnayan sa mga kawani?  
  • Malugod bang tinatanggap ng kawani ang mga pamilya? 

Mga tanong tungkol sa mga gamot: 

  • Bakit inireseta ang gamot na ito? Paano ito gumagana? Gaano katagal kailangang gamitin ang gamot? 
  • Paano namin malalaman kung aling mga gamot ang gumagana? 
  • Ang gamot ba na ito ay may epekto sa iba pang mga gamot? Iyong inireseta at hindi inireseta? O mga herbal na gamot na maaaring ginagamit ngayon ng aking kamag-anak? 
  • Ang gamot ba na ito ay dapat gamitin kasama ng pagkain? May anumang mga pagkain o inumin na dapat iwasan? 
  • Ang gamot bang ito ay maaaring nguyain, durugin, tunawin, o ihalo sa iba pang mga gamot? 
  • Ano ang mga posibleng problema na maaari kong maranasan sa gamot na ito? Sa anong punto ko dapat i-ulat ang mga problemang ito? 
  • Ang insurance program ba ang magbabayad sa gamot na ito? Mayroon bang hindi masyado mahal na alternatibo? 
  • Ang pharmacy ba ay nagkakaloob ng mga espesyal na serbisyo tulad ng pagde-delivery sa bahay, mga online na refill, o review ng gamot at counseling? 

Mga tanong tungkol sa follow-up na pag-aalaga:* 

  • Aling mga propesyonal na pangkalusugan ang kailangang puntahan ng miyembro ng aking pamilya? 
  • Naitakda na ba ang mga appointment na ito? Kung hindi, sino ang dapat kong tawagan para gawin ang mga appointment na ito? 
  • Saan gaganapin ang mga appointment? Sa isang opisina, sa bahay, o sa ibang lugar? 
  • Anong mga kaayusan sa transportasyon ang kailangang gawin? 
  • Paano malalaman ng aming regular na doktor kung ano ang nangyari sa ospital o rehab facility? 
  • Sino ang matatawagan ko sa aking mga tanong sa paggamot? Mayroon bang maaaring tawagan kahit anong oras at kapag Sabado’t Linggo? 

Mga tanong tungkol sa paghahanap ng tulong sa komunidad: 

  • Anong mga ahensya makakatulong sa akin sa transportasyon o mga pagkain? 
  • Ano ang Adult Day Care at paano ko malalaman ang tungkol dito? 
  • Anong mga pampublikong benepisyo karapat-dapat ang aking kamag-anak, tulad ng In-Home Supportive Services o VA services? 
  • Saan ako magsisimulang maghanap ng nasabing pag-aalaga? 

Mga tanong tungkol sa aking mga pangangailangan bilang isang caregiver:* 

  • Mayroon bang pupunta sa aking tahanan para magsagawa ng isang pagsusuri para makita kung may kailangan bang baguhin sa loob ng bahay? 
  • Anong mga serbisyo ang makakatulong sa aking alagaan ang aking sarili? 
  • Kailangan ba ng miyembro ng aking pamilya ng tulong sa gabi at kung gayon, paano ako makakatulong nang sapat? 
  • May mga bagay bang nakakatakot o di ako komportableng gawin, hal. pagpapalit ng diaper? 
  • Anong mga medikal na kondisyon at limitasyon mayroon ako na magpapahirap sa aking pag-aalaga? 
  • Saan ako makakahanap ng counseling at support groups? 
  • Paano ako makakakuha ng leave mula sa aking trabaho para makapagkaloob ng pag-aalaga? 
  • Paano ako makakakuha ng respite (pahinga) mula sa mga responsibilidad sa pag-aalaga para maalagaan ang sarili kong kalusugan at iba pang mga pangangailangan? 

* Inangkop na teksto nang may pahintulot mula sa www.nextstepincare.org, United Hospital Fund. 

Mga Pinagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong 

Family Caregiver Alliance 
National Center on Caregiving 

(415) 434-3388 | (800) 445-8106 
Website: www.caregiver.org 
Mga mapagkukunan: https://www.caregiver.org/tagalog/
Email: info@caregiver.org 
FCA CareNav: https://fca.cacrc.org/login
Services by State: www.caregiver.org/connecting-caregivers/services-by-state/

Hangad ng Family Caregiver Alliance (FCA) na mapahusay ang kalidad ng buhay para sa mga caregiver sa pamamagitan ng edukasyon, mga serbisyo, pananaliksik, at pagtatanggol. Sa pamamagitan ng National Center on Caregiving nito, ang FCA ay naghahandog ng impormasyon sa kasalukuyang social, pampublikong patakaran at mga isyu sa pag-aalaga, nagkakaloob ng tulong sa pagde-develop ng pampubliko at pribadong mga programa para sa mga caregiver, at tumutulong sa mga caregiver sa buong bansa na makahanap ng mga mapagkukuhanan ng tulong at impormasyon sa kanilang mga komunidad. Para sa mga residente ng mas nakalalawak na San Francisco Bay Area, ang FCA ay nagkakaloob ng direktang serbisyo ng suporta sa mga pamilya para sa mga caregiver noong may mga Alzheimer’s disease, stroke, ALS, pinsala sa ulo, Parkinson’s disease, at iba pang nagpapahinang karamdamang pangkalusugan na nararanasan ng mga adult. 

Fact at Tip Sheets ng FCA 

Isang listahan ng lahat ng mga fact at tip ay available online sa www.caregiver.org/tagalog
Hiring In-Home Help  (sa Ingles)

Iba Pang Mga Organisasyon at Link
Next Step in Care 
United Hospital Fund 
Komprehensibong impormasyon at payo para makatulong sa mga caregiver sa pamilya at mga provider sa pangangalaga ng kalusguan na makapagplano ng mga transisyon para sa mga pasyente. Available ang mga pagsasalin-wika sa wikang Espanyol. 
www.nextstepincare.org 

Medicare’s Nursing Home Compare 
www.medicare.gov/nursinghomecompare 

Medicare Rights Center 
www.medicarerights.org 

Center for Medicare Advocacy ”Hospital Discharge Planning” 
www.medicareadvocacy.org 

Aging Life Care Association  
www.aginglifecare.org 


Ng Family Caregiver Alliance and reviewed by Bruce Miller, M.D. © 2016-2020 Family Caregiver Alliance. All rights reserved.