Pamumuhay Habang may Incontinence (di kayang pigilan ang pag-ihi o pagdumi): Mga Hamon sa Pakikipag-kapwa at Hamon sa Damdamin (Living with Incontinence)
Ang karamihang may incontinenec ay hindi sinasabi sa iba ang tungkol dito, madalas na kahit na sa (mga) doktor nila ay hindi sinasabi at lalo na sa mga kaibigan. Ang mga miyembro ng pamilya ay maaaring magpasimula ng pag-uusap tungkol dito, lalo na kung ang bahay ay nag-uumpisang mangamoy o nadumihan ang mga muwebles. Hindi ito madaling pag-usapan. Kung nahaharap ka sa incontinence, dapat mong malaman na hindi na nag-iisa. Isa sa 15 mga Amerikano ang naghahanap ng mga paraan upang pakitunguhan ang lubos na personal na isyu na ito. Heto ang mga karaniwang nararamdaman na may kaugnayan sa mga isyu sa incontinence at ilang mga paraan para harapin ito:
Kahihiyan
Simula ng pagiging sanay sa paggamit ng palikuran noong maliit na bata pa lang, hindi natin inaasahan na darating ang panahon na hindi tayo aabot sa banyo, o di mapipigilan ang ihi kapag tayo ay bumahing, umubo, o humalaklak. Ang ilang mga kondisyon ay maaaring maging sanhi rin ng di pagpansin sa mga hudyat ng katawan mo na umihi o dumumi. Pero ngayon, bilang isang adult, iyong may mga problema sa incontinance ay humaharap sa isang negatibong stigma at madalas ay nakakasakit sa damdamin na pagsabi ng iba.
Pagharap sa problema: Maaaring hindi masyado nakakahiya ito sa pamamagitan ng pag-amin dito, gawin itong joke na lang, at unawain na ito ay lubos na karaniwan. Hindi ka nabigo. Ang katawan mo ay dumadaan sa mga pagbabago na hindi mo makokontrol pero maaaring pamamahalaan lang sa pinakamabuting paraang alam mo.
Mas Maraming Damdamin
Maliban sa kahihiyan, maaari ring mawalan ng pasensya, mayamot, mainis, magalit, matakot, at/o madiri. O maaaring maramdaman mo na nakakaranas ang iba ng mga reaksyon na ito. Maaaring nakakapanliit ito, na tila ninakaw ng kondisyon ang kalidad mo ng buhay. Nagsisimulang malumbay kapag pakiramdam ng taong nawalan siya ng kontrol, nawalan ng pribadong buhay, nawalan ng dignidad, o kawalan ng kalayaan. Sino ang kinakausap mo tungkol sa mga damdamin na ito? Ang pagtatago ba sa iyong sarili ng mga nararamdaman na ito ay ginagawa kang mas malumbay?
Pagharap sa problema:Mahalaga para sa iyo na makahanap ng makakausap tungkol sa iyong mga nararamdaman. Ikonsidera ang pakikipag-usap sa iyong manggagamot, isang counselor, posible rin na isang incontinence support group, puwede rin ang iyong tagagupit ng iyong buhok, kapatid mong babae, o matalik na kaibigan. Ang pagsasaloob lang ng mga damdamin na ito ay maaaring humantong sa pagkalungkot at posibleng depression. Ang pag-amin ng iyong mga damdamin ay nakakatulong na “alisin ang bigat sa iyong dibdib” at gawing mas normal ang situwasyon.
Kawalan ng Pribadong Pamumuhay
Ang banyo ang isang lugar na tunay na pribado. Maaari nating isara ang pinto ng banyo para walang makapanghimasok sa atin kapag naroroon tayo sa loob. Ang palaging may sumasama sa atin sa banyo ay maaaring magdulot ng kawalan ng dignidad, kawalan ng kalayaan, at kawalan ng pagsasarili. Ang paggamit ng commode sa tabi ng kama o isang urinal ay kakailanganin para makita ang pribadong buhay mo kung ibabatay sa iyong kakayahan para maging independiyente. Hindi ka nag-iisa kung ikaw ay nahihiya sa paggamit ng mga produkto o kailangan ng tulong sa mga pinakasimpleng kilos ng isang tao. Paano kung kailangan mo ng katulong sa pagpunas sa iyong sarili? Paano kung ang kasama mo sa kama ay magising at makitang basa ang kama?
Pagharap sa problema: Isipin kung ano ang pinakamahirap na (mga) bagay na kailangan mo ng tulong. Kausapin ang caregiver mo o iba pang kasama mo sa bahay para maipaalam kung ano ang pakiramdam mo tungkol dito, at tingnan kung paano mo maisasaayos ang mga bagay-bagay para maging mas komportable iyong mga taong direktang naaapektuhan. Halimbawa, ang paglalagay ng mga pads at pangpunas sa kabinet ng banyo at paggamit ng mabisang room deodorizer na makakatulong na mapanatiling pribado ang isyu o kahit man lang maiwasang maabala ang ibang kahati sa banyo. Ang paglalagay ng takip sa ibabaw ng commode at pananatiling walang laman ang urinal (arinola) ay makakatulong na gawing normal ang kapaligiran.
Pagkabalisa at Pag-iisa
Kapag ikaw ay lumalabas, iniisip mo ba kung gaano katagal ka mawawala at nasaan ang mga banyo sa daanan? Ang malamig na lagay ng panahon ba ay lalong nagpapa-nerbyos sa iyo para tiwala ang kalooban mo kapag lumabas ka ng bahay? Natatakot ka ba na bumiyahe o gumawa ng mga plano sa mga kaibigan sa takot na walang banyo kapag kailangan mo itong gamitin? Ang incontinence ay humahantong sa pagbibigay limitasyon sa mga aktibidad, pagtatanggi sa mga social invitation, at pag-iwas sa pagbiyahe. Ang pagkanerbyos para makahanap ng banyo sa isang di kilalang lugar o pangangailangan ng tulong mula sa iba kapag kailangan mong gamitin ang banyo ay maaaring pumigil sa iyo na lumabas ng bahay. Parating isipin na ang isyu na ito ay hindi lamang lubos na mabigat sa kalooban pero maaaring makapigil rin sa iyong masiyahan ang mga aktibidad at pagsama sa lakad ng iba.
Pagharap sa problema: Magdala ng karagdagang proteksyon, ito man ay mga pads, panloob, o ang dalawa, para lumakas ang loob mo dahil alam mong may karagdagang seguridad kang dala-dala. Alamin na anuman ang mangyari ay maaari itong malutas. Sabihin sa mga kaibigan/pamilya mo na kailangan mong tumigil ng madalas para gamitin ang banyo. Pinapahintulutan nito ang lahat na paunang makapagplano. Ang paghaharap sa problema sa pamamagitan ng pagbubukod ay hindi mabuti para sa iyong kalusugan. Ang pagbubukod ay maaaring humantong sa depression at lalong malalagay sa panganib sa iba pang mga sakit. Pahintulutan ang ibang tulungan ka sa iyong paghahanap ng mga solusyon para matulungang matugunan ang problemang ito.
Pagtanggi sa katotohanan
Hindi madaling walang amoy kapag ikaw ay nabubuhay ng may incontinence. Maaaring wala kang anumang naaamoy na kakaiba, dahil ang ating pang-amoy ay umaangkop lumaon sa kapag patuloy ang isang uri ng amoy. Totoo rin na humihina ang pang-amoy sanhi ng edad at maraming mga chronic illness kasama na ang Alzheimer’s disease, Parkinson’s disease, at stroke. Kung may iba pang nagpasimula tungkol sa paksang ito—na sana ay sa isang magalang na paraan—maging bukas sa muling pagtatasa kung ano ang magagawa mo para mas mabuting mapamahalaan ang amoy.
Pagharap sa problema: Nagaganap ang di pagtanggap sa katotohanan kapag hindi mo nais na aminin ang isang problema. Kapag may iba pang bumanggit sa paksang ito, dapat may kusa kang talakayin ang problema at ang mga posibleng solusyon. Makipag-usap sa iyong manggagamot, nars, o occupational therapist para sa mas maraming paalala sa pamamahala at pamumuhay habang may incontinence.
Mga Kagamitan
Maraming mga produkto na makakatulong na makaraos sa problema ng incontinence. Ang iba’t ibang mga produkto ay nakakatulong sa iba’t ibang mga situwasyon. Ang gagamitin mo ay depende kung may incontinence sa pag-ihi lang o pati rin sa pagdumi, at kung ang problema mo ay sa mas malalang incontinence o simpleng kaunting tagas lang. Ang mga produkto ay kinasasangkutan ng mga commode, urinals (arinola), adult incontinence underwear (wrap-arounds o pull-ups), at mga plastika na takip para sa kama at ang paboritong silya o upuan. Ang incontinence sa pag-ihi sa unang mga yugto ay maaaring mapakitunguhan sa pamamagitan ng paggamit ng mga absorbent pads sa underwear. Ang pads ay may iba’t ibang mga sukat mula sa malumanay hanggang sa malubhang incontinence. Kung lumala ang kondisyon, maaaring gumamit ng protective underwear. Ang mga panloob na ito ay makukuha ngayon tulad ng regular na panloob na may nababanat na baywang at madaling suotin at hubarin. Para sa di masyado matinding tagas, ang mga underwear liner ay madalas na gumagana ng maayos at hindi masyado sagabal.
Pagharap sa problema: Kausapin ang iyong manggagamot tungkol sa mga produkto, o tingnan ang mga pagpipilian sa iyong lokal na parmasya. Mabibigyan ka ng rekumendasyon ng doktor mo para sa isang occupational therapist na maaaring suriin kung aling mga produkto ang pinakamainam para sa situwasyon mo. Madalas ay mas madali para sa mga taong tanggapin ang pagsuot ng underwear liners o absorbent pads kaysa sa protective underwear.
Hindi ibig sabihin na isang “pagsuko” kung gagamit ng isang produkto. Ang paggamit ng produkto ay makakatulong na mapanatili mo ang iyong dignidad at independensya.
Kapag ito ay higit para sa isang Urinary Incontinence
Ang bowel (dumi) incontinence ay mayroong mga karagdagang isyu. Maaaring may isyu ng amoy at di maginhawa na mayroong dumi na malapit sa iyong katawan sa anumang oras. May pangangailangan na linisin makalipas na may di magandang pangyayari, na nangangahulugan na kailangang maligo, at ang problema ng pagtatapon ng panloob na narumihan. Sa isang punto ay maaaring hindi mo makayanan ng mag-isa ang mga gawain na ito, na umaasa ng tulong mula sa iba. Ang binabayarang tulong ay madalas na makakatulong na mapadali ang mga gawaing ito, pero ang isang miyembro ng pamilya o kapartner na nag-aasikaso ng parehong gawain ay maaaring mas mahirapan. Ang negatibong reaksyon ay maaaring magdulot ng pakiramdam ng hiya at panghihina. Kung kailangan ng tulong sa kalagitnaan ng gabi o madaling araw, hindi lang mapanganib na maaaring mahulog, pero maaaring mapansin mo na ikaw ay nag-aatubili na gisingin ang kapartner mo para humingi ng tulong. Pero kung hindi mo ito gawin ay di ka rin komportable at di mabuti para sa balat mo. Ano ang pinakamainam na gawin?
Pagharap sa problema: Minsan pa, maging bukas na makipag-usap doon sa mga direktang may kinalaman sa iyo at sa iyong kahirapan para mapadali ito sa lahat. Mahalagang sabihin mo na ang kawalan ng kakayahang pigilin ang ihi o dumi ay hindi sinasadya. Ang paggamit ng wika na naaangkop ay maaari ring maipahayag sa mas matinong antas ang pinag-uusapan, halimbawa, ang di paggamit ng mga di direktang katawagan tulad ng “tae”, o “diapers”, pero sa halip ay direktang talakayin ang isang problema sa bowel o pagdumi. Maaaring gusto mong makipag-usap sa iyong manggagamot kasama ng miyembro ng pamilya o kapartner sa pag-aalaga para may alam sa mga pangyayari ang lahat.
Bilang panghuli, alamin ang mga opsyon mo. Minsan ay wala nang magagawa, at minsan ay mayroon pa naman. Hilingin sa iyong manggagamot na magsagawa ng isang kumpletong pagsusuri sa kalusugan para maalis ang pag-iisip na maaaring may urinary tract infection, mga problema sa prostate, at iba pang mga nagagamot na kondisyon. Kung ikaw ay gumagamit ng diuretic na gamot tulad ng Lasix, o iba pang mga gamot na nagdudulot ng madalas na paggamit ng banyo, maghanap ng paraan na orasan ang dosis mo para magamit nang lubos ang oras mo at hindi ka nararapat parating malapit sa banyo. Ang ehersisyo ay karaniwang nakakatulong sa pangkalahatan at ang mga tiyak na ehersisyo tulad ng Kegels ay nilikha para makatulong—pero siguraduhin na tiyakin sa doktor mo kung ano ang pinakamabuting gagana para sa iyong partikular na kondisyon. Ang mga may alkohol na inumin at caffeine ay lalong magpapa-ihi sa iyo. Ikonsidera ang pagbabawas o pag-ooras sa iyong pag-inom ng kape, black o green tea, ilang mga soft drink, mga energy drink, at over the counter na mga gamot na may caffeine. Ang kamatis at maaanghang na pagkain, at pati na rin ang mga citrus fruit at inumin, ay maaaring makapag-irita sa pantog.
Tandaan mo na hindi nangangahulugang wala kayong silbi dahil sa incontinence, at makakatulong ito na mapanatili ang iyong pagpapahalaga sa sarili. Kilalanin na ang iyong kondisyong kalusugan ay hindi bumubuo sa iyong pagkatao. Ang pananatili ng isang pag-iisip na tanggap mo ang mga nangyayari at oo, kahit na nagpapatawa, ay maaaring ang pinakamabuting paraan na depensa sa mas kaunting stress at mas kasiya-siyang buhay.
Mga Pinagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong:
Family Caregiver Alliance
National Center on Caregiving
(415) 434-3388 | (800) 445-8106
Website: www.caregiver.org
Pagaaring yaman: www.caregiver.org/tagalog/
Email: info@caregiver.org
FCA CareNav: https://fca.cacrc.org/login
Services by State: https://www.caregiver.org/connecting-caregivers/services-by-state/
Hangad ng Family Caregiver Alliance (FCA) na mapahusay ang kalidad ng buhay para sa mga caregiver sa pamamagitan ng edukasyon, mga serbisyo, pananaliksik, at pagtatanggol. Sa pamamagitan ng National Center on Caregiving nito, ang FCA ay naghahandog ng impormasyon sa kasalukuyang panlipunan at pampublikong patakaran, at mga isyu sa pag-aalaga at nagbibigay ng tulong sa pagdedevelop ng pampubliko at pribadong mga programa para sa mga caregiver, at tumutulong sa mga caregiver sa buong bansa na makahanap ng mga mapagkukuhanan ng impormasyon at tulong sa kanilang mga komunidad. Para sa mga residente ng San Francisco Bay Area, ang FCA ay nagkakaloob ng direktang mga serbisyo ng suporta sa pamilya para sa mga caregiver ng mga taong may Alzheimer’s disease, stroke, ALS, pinsala sa utak, Parkinson’s disease, at iba pang nagpapahinang kondisyong pangkalusugan na tumatama sa mga adult.
Fact at Tip Sheet ng FCA
Isang listahan ng lahat ng facts at tips at available online sa www.caregiver.org/fact-sheets.
Incontinence (for dementia) (en Ingles)
Iba pang Mga Organisasyon at Mga Link
National Association for Continence
www.nafc.org
Incontinence Support Center
www.incontinentsupport.org
Ang fact sheet na ito ay inihanda ng Family Caregiver Alliance. Copyright © 2014 Family Caregiver Alliance. Naka-reserba ang lahat ng mga karapatan.