Sampung mga Paraan sa Totoong-Buhay Para Sa Pangangalaga sa Dementia (Ten Real-Life Strategies for Dementia Caregiving)
Bilang mga caregivers (tagapangalaga), madalas nating nakukutuban kung ano ang dapat nating gawin. Walang sinumang nagbigay sa atin ng mga aralin kung paano makipag-ugnayan sa isang taong may kawalan sa memorya. Sa kasamaang palad, ang pakikitungo sa dementia ay magkasalungat, hal. madalas na ang tamang gawin ay ang kabaliktaran nang tila tamang gawin. Naririto ang ilan sa mga karaniwang panganib:
- ANG PAGIGING MAY RASON, MAKATUWIRAN, AT TAMA ANG PANGANGATUWIRAN ay maglalagay sa inyo sa gulo. Kapag may taong kumikilos sa mga paraang walang katuturan, malamang ipapaliwanag natin ang situwasyong ito at tawagin ang pansin sa anuman ang angkop upang makamit ang tamang pagsunod. Gayunman, ang taong may dementia ay walang kinikilalang “boss” sa kanilang utak o kaisipan, kaya’t hindi na sila tumutugon sa ating pinaka-mabisang pangangatuwiran. Diretso at simpleng mga pangungusap tungkol sa kung ano ang mangyayari ay siyang madalas na pinaka-mainam.
- ANG MGA TAONG MAY DEMENTIA AY HINDI KAILANGAN NA MAGKAROON NG KAALAMAN SA KATOTOHANAN. Kapag ang tao ay mayroong kawalan ng memorya, madalas nilang nakakalimutan ang mahahalagang mga bagay, hal. pumanaw na ang kaniyang ina. Kapag ipinapaalala natin sa kanila ang kawalang ito, ipinapaalala rin natin ang sakit ng kawalang iyon. Kapag ang tao ay gustong umuwi sa bahay, ang pagpapaalalang sa katunayan sila ay nasa kanilang sariling bahay ay madalas na humahantong sa isang pagtatalo. Ang paglilihis at pagtanong sa kanila tungkol sa taong kanilang itinatanong o sa kanilang tahanan ay mas mabuting paraan para magiging mahinahon ang taong may dementia.
- HINDI KAYO MAAARING MAGING ISANG PERPEKTONG CAREGIVER. Kagaya ng walang perpekto na magulang, walang ring maturingang isang perpektong caregiver. Mayroon kayong karapatan sa lahat ng uri ng damdamin at kung minsan ay mawawalan kayo ng pasensya o mayayamot. Ang matutong magpatawad sa inyong mahal sa buhay at pati na rin sa inyong sarili ay mahalaga sa inyong paglalakbay bilang isang caregiver.
- ANG THERAPEUTIC LYING AY NAKAKABAWAS NG STRESS. Malamang na tayo ay lubos na matapat sa mga tao. Gayunman, kapag ang tao ay mayroong dementia, ang pagiging matapat ay maaaring humantong sa pagkabalisa para sa sarili, pati na rin sa taong inyong inaalagaan. Mahalaga ba talagang iniisip ng inyong mahal sa buhay na sila ay boluntaryo sa day care center? Mas mabuti bang sabihin sa inyong mahal sa buhay na kakain kayo sa labas ng tanghalian at dadaan lang sa opisina ng doktor bago umuwi para may kukunin bilang isang paraan na mapapunta siya sa doktor?
- ANG PAGGAWA NG KASUNDUAN AY HINDI MABISA. Ang pakiusap sa kanila na hindi na gagawin ulit ang isang bagay o tandaang gawin ang isang bagay ay malamang makakalimutan agad sa madaling panahon. Para sa mga taong nasa maagang yugto, ang pag-iiwan ng mga paalala ay nakakatulong minsan, pero habang sumusulong ang sakit, hindi na ito mabisa. Ang pagkukunwari, pagbabago sa ayos ng kapaligiran, kaysa sa pakikipag-usap at pagtatalakay ay karaniwang mas mabuting paraan.
- ANG MGA DOKTOR AY MADALAS NA KAILANGANG TUTURUAN DIN NINYO. Ang pagsasabi sa doktor sa mga nakikita ninyo sa tahanan ay mahalaga. Hindi malalaman ng doktor mula lang sa isang pagsusuri na ang taong ito ay gising buong magdamag. Minsan, kailangan rin ng mga doktor na gawin ang therapeutic lying, hal. pagsasabi sa pasyente na ang anti-depressant ay para sa memorya kaysa bilang anti-depressant.
- HINDI NINYO MAGAGAWA LAHAT. OK LANG NA TUMANGGAP NG TULONG BAGO KAYO MAGING DESPERADO. Kapag naghahandog ng tulong ang mga tao, ang sagot ay palaging “OO”. Gumawa ng listahan ng mga bagay na pwedeng gawin ng mga tao para matulungan kayo, maging ito man ay ang pagdadala ng pagkain, pagtulong na gumupit sa mga rosas o pagbabantay sa inyong mahal sa buhay habang kayo ay may nilalakad. Patitibayin nito ang mga pag-aalok ng tulong. Mas mahirap humingi ng tulong kaysa tanggapin ito kapag inalok, kaya’t huwag hintaying umabot sa “lubusang kailangan na talaga ito” para makakuha ng suporta.
- MAS MABUTING PAREHONG PASOBRAHAN AT BAWASAN ANG TANTIYA SA KAKAYAHANG GUMAWA NG INYONG MAHAL SA BUHAY. Madalas na mas madaling gawin ang isang bagay para sa iba kaysa hayaang sila mismo ang gagawa nito. Gayunman, kung gagawin natin ito para sa kanila, mawawalan sila ng kakayahang maging malaya sa kasanayang iyon. Sa kabilang dako, kapag iginiit natin sa isang tao na gawin ang bagay sa kanilang sarili hanggang ito ay nagpapayamot lamang sa kanila, ginagawa nating mas nagiging balisa ang ating mahal sa buhay at marahil ay ito hindi nakapag-dagdag sa kanilang sariling kakayahan na gagawin ang mga bagay. Ito ay isang patuloy na pakikibaka hangga’t mahanap ang tamang balanse.
- SABIHIN, HUWAG HILINGIN. Ang pagtatanong na “Ano ang gusto mo para sa hapunan?” ay maaaring isang normal na tanong para sa ibang panahon. Ngunit ngayon ay tinatanong natin ang ating mahal sa buhay na mag-isip ng sagot na maaaring wala siyang alam na sagot dito tungkol sa gusto nila, maaaring di sila gutom, at kahit na may sagot sila, maaaring hindi na nila ito magustuhan sa sandaling ito ay inihain para sa kanila. Ang pagsasabi ng “Kakain na tayo ngayon” ay naghihikayat sa taong kumain at hindi sila nalalagay sa mahirap na situwasyon kung saan may kabiguang makasagot.
- NORMAL LAMANG NA TANUNGIN ANG DIAGNOSIS KAPAG ANG ISANG TAO AY MAY MGA SANDALING KALIWANAGAN SA KAISIPAN. Ang isa sa pinakamahirap na gawin ay alalahanin na tayo ay tumutugon sa isang sakit, at hindi sa taong dati nating kilala. Ang lahat ng may dementia ay may mga panahon na sila nasa wastong kaisipan at kamalayan at sila ay nakakatugon ng naaangkop. Madalas ay nararamdaman nating tila ang taong iyon ay nagkukunwari lamang, o marahil ay pinapalaki lamang natin ang problema sa mga sandaling ito ay nagaganap. Hindi tayo nababaliw — sila ay nakakaranas lamang ng mga ganoong sandali.
Ang tip sheet na ito ay naihanda ng Family Caregivers Alliance at na-review ni Donna Schempp, LCSW. ©2011 Family Caregiver Alliance. Naka-reserba ang lahat ng mga karapatan.