Tahanang Malayo sa Tahanan: Paglilipat ng Tirahan ng Iyong Mga Magulang (Home Away from Home: Relocating Your Parents)
Habang nakikita mong tumatanda ang mga magulang mo, kayo ay nahirapan sa mga situwasyon tulad ng mga ito:
- Ikaw ay bumiyahe para bisitahin ang nanay mo habang bakasyon, at nakita mo na halos walang laman ang kaniyang refrigerator, hindi nababayaran ang kanyang bills at magulo ang kaniyang bahay.
- Tumawag sa iyo ang isang kapitbahay para sabihin na ang tatay mo ay pagala-gala sa kalye at hindi mahanap ang kanyang sariling bahay na tinitirahan sa loob a ng 30 taon.
- Napabayaan ng nanay mo ang pag-inom ng kanyang mga gamot para sa diabetes, na lubos na nakakakompromiso sa kaniyang kalusugan.
- Ang tatay mo na lubos na independiyente ay nahulog at nabali ang kaniyang balakang, na nagdulot ng kahirapan para sa kaniyang magamit ang hagdan sa bahay niya.
Kung may paghina sa mga cognitive na kakayahan bilang resulta ng Alzheimer’s disease o isang may kaugnayan dito na dementia, o pag-iba ng medikal na kondisyon na kailangan ang karagdagang pag-aalaga, may malinaw na dahilan para mag-alala sa kapakanan ng iyong magulang. Maaaring oras na para ikonsidera ang paglilipat sa kaniya sa isang mas ligtas na lugar.
Pero saan siya dapat tumira? Madalas, ang una ninyong iisipin ay ilipat si Nanay o si Tatay sa bahay mo — pero isa itong malaking pagbabago na kailangang isipin nang mabuti, at maraming mga alternatibong dapat tuklasin. Ang Fact Sheet na ito ay nagbibigay ng payo at nagbibigay buod sa mga isyu na dapat ikonsidera bago gawin ang mahalaga at mapanghamong mga desisyn hinggil sa paglilipat ng tirahan ng magulang mo.
Unang Hakbang: Bukas na Talakayan
Ang isang bukas at tapat na talakayan kasama ang magulang mo at iba pang mga miyembro ng pamilya ay nagiging isang mahalagang unang hakbang kapag sinusubukan mong magpasya kung ang paglipat sa magulang mo sa isang bagong tirahan ay ang tamang hakbang. Ang mga miting kasama ang iyong magulang, asawa, mga anak, mga kapatid at iba pang may kinalamang tao ay makatulong sa lahat na maibahagi ang kanilang mga pananaw at makakatulong sa iyong makapagpasya kung ano ang pinakamainam na dapat gawin. Ang aktibong komunikasyon sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya ay ang pundasyon sa isang matatag na sistema ng suporta para sa isang nakakatandang magulang at mga miyembro ng pamilya na kasangkot.
Kahit na ang ilan sa mga pag-uusap na ito ay maaaring lubos na mahirap at emosyonal, maraming mga paksa ang nangangailangan ng pansin. Magkakasama, ang pamilya—kasama ang magulang mo—ay kailangang mag-usap tungkol sa:
- lahat ng posibleng mga pagpipiliang tirahan
- mga uri ng pangangalaga na kailangan
- mga pananalapi
- tungkulin ng bawat isa sa transisyon
- mga pagbabago sa pamumuhay
- lokasyon ng bagong tirahan
Ang mga inaasahan ay dapat tiyakin at linawin para sa lahat ng mga kasangkot. Ang sumusunod ay makakatulong na makapagbigay gabay sa iyong mga desisyon.
Ang Antas ng Pag-aalaga na Kinakailangan
Habang tumatanda ang iyong magulang, magbabago rin ang kaniyang mga pangangailangan sa pag-aalaga, at sa karamihang mga kaso, nagiging mas mapanghamon ito. Mahalagang bumuo ng isang mahusay na paraan sa pag-aalaga, at kailangan dito ang pagiging praktikal at pagpaplano. Ang pagkokonsulta sa isang Geriatric Care Manager o social worker ay maaaring kapaki-pakinabang para sa iyo habang kinokonsidera mo ang iyong mga opsyon at iyong mga magagawa mo at hindi mo magagawa para sa iyong magulang.
- Suriin kung kailangan ng magulang mo ang patuloy na superbisyon o tulong sa kabuuan ng araw at kung paano ito maaaring maipagkaloob.
- Alamin kung aling mga aktibidad sa pang-araw-araw na pamumuhay (tulad ng pagkain, paliligo, paggamit ng banyo) ang nagagawang mag-isa ng iyong magulang.
- Alamin ang antas ng kaginhawahan sa pag-aalaga tulad ng paliligo o pagpapalit sa incontinence pad.
- Suriin ang sarili mong kalusugan at mga kakayahang pisikal para makatulong na makapagpasya kung makakapagkaloob ka ng pag-aalaga para sa iyong magulang.
- Tuklasin kung mayroong mga serbisyo tulad ng in-home care, adult day services, delivery ng pagkain, isang friendly visitor program.
- Suriin ang mga pangmatagalang kaayusan at opsyon kung hindi mainam o hindi mo mapipili ang makasama sa parehong tirahan ang magulang mo.
- Tiyakin ang uri ng medikal na pag-aalaga na kakailanganin ng magulang mo, at kung may naaangkop na mga manggagamot at serbisyo — kasama ang mga serbisyo ng transportasyon—na mayroon sa komunidad mo.
- Sa paglipas ng panahon, asahan ang mga pagbabago sa medikal o cognitive na kondisyon ng magulang mo.
Dinamiko ng Pamilya
Ang pamilya ay sagana sa mga makasaysayang karanasan, at marami sa iyong mga positibo at negatibong damdamin tungkol sa mga magulang mo at iba pang mga miyembro ng pamilya ay may magiging tungkulin sa desisyon mo na ilipat ng tirahan o makasama sa bahay ang iyong magulang. Magiging tapat sa iyong sarili at huwag hayaan na ang mga hindi nalutas na di pagkakaunawaan o damdamin ng pagkakasala o obligasyon ay mapilit ka na umako ng higit sa makakayanan mo.
- Maging makatotohanan sa malalaking mga pagbabago sa buhay ng paglilipat ng tirahan ng magulang mo at ang magiging epekto nito sa magulang mo, sa mga kapatid mo, at sa iyong asawa at mga anak.
- Subukan na aregluhin ang mga dati nang di napagkakasunduan sa pagitan mo at ng iyong magulang.
- Kapag nagpapasya kung ililipat ng tirahan o palipatin sa bahay mo ang iyong mga magulang, ikonsidera ang mga opinyon ng iyong asawa, mga anak, mga kapatid at iba pang mga miyembro ng pamilya.
- Makipagkasudo sa iyong mga kapatid kung gaano karami at anong uri ng tulong ang maaasahan mo mula sa kanila.
- Kilalanin na sa kabila ng mga posibleng pangkaisipan at pisikal na limitasyon, ang magulang ninyo ay nasa wastong edad at may karapatan siya hangga’t maaari sa pagsasarili at dignidad, at dapat na nasa gitna ng anumang pagpapasya.
Ang Family Caregiver Alliance ay naghahandog ng mga nakakatulong na Fact Sheets, Holding a Family Meeting at Caregiving with Your Siblings, na nagbibigay ng mas masusing impormasyon (basahin ang mga Mapagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong na seksyon sa katapusan ng Fact Sheet na ito).
Mga Kaayusan sa Tirahan at Mga Opsyon sa Pabahay
Ang paglilipat ng magulang mo sa iyong bahay ay isang opsyon, pero ikaw at ang pamilya mo ay dapat na maglaan ng kaunting panahon para ikonsidera rin ang iba pang mga kaayusan para sa tirahan. Ang mga uri ng pabahay na pipiliin mo ay lubos na dumedepende sa tatlong mahahalagang mga dahilan: ang mga pangangailangan sa pag-aalaga ng iyong magulang, mga pananalapi, at ang mga opsyon sa serbisyo at suporta na mayroon sa komunidad mo o ng magulang mo.
Kapag nagpapasya kung saan dapat tumira ang isang magulang, kailangang talakayin, unawain at tanggapin ng mga miyembro ng pamilya ang mga benepisyo at hirap ng malapit na paninirahan ng isang kamag-anak. Madalas, ang pagpili ng lokasyon ay maaaring magdulot ng di pagkakasunduan sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya dahil iyong mga naninirahan kasama ng magulang ay madalas na may pinakamabigat na responsibilidad sa pag-aalaga ng magulang, at maaaring maramdaman na iyong mga mas malayo ang tirahan ay hindi sapat ang naitutulong. Sa kabilang dako, ang mga miyembro ng pamilya na nakatira sa malayo ay maaaring mayamot dahil wala silang oportunidad na higit pang maging bahagi sa pag-aalaga. Mahalaga ang isang bukas na pag-uusap at isang kasunduan kung paano mahati ang lokal at malayuang pag-aalaga.
Maraming mga residential na komunidad para sa mga matatanda ang pagmamay-ari at pinapatakbo ng mga faith-based o iba pang mga organisasyon na maaaring mas komportable ang iyong magulang dahil mayroon silang kaugnayan o interes sa mga ito. Tanungin sa iyong magulang kung may kilala silang mga kaibigan na lumipat sa mga bagong komunidad na ito, at alamin kung ang magulang mo ay interesado na maging bahagi ng parehong komunidad. Bago ang anumang desisyon mo, bumisita sa higit sa isang komunidad kasama ang magulang mo, hilingin kung gustong sumali sa isang tanghalian o facility tour ng komunidad, basahin ang schedule ng mga aktibidad at menu, at itala kung paano ang interaksyon ng staff sa mga residente. Tanungin sa mga empleyado ng komunidad kung paano nila matutugunan ang mga interes, libangan at mga pangangailangan sa transportasyon ng iyong magulang. Kung ang ikinokonsiderang komunidad ay isang kategorya ng may lisensyang pasilidad, hilingin na tingnan ang kasaysayan ng pagsunod sa mga patakaran ng pasilidad na may mga minimum na pamantayan, at ang bilang at uri ng mga reklamo na maaaring naisampa laban sa pasilidad.
Ang sumusunod na listahan ay nagbabalangkas sa iba’t ibang mga uri ng kaayusan sa pamumuhay na maaaring naaangkop para sa magulang mo. Ang bawat komunidad ay naghahandog ng iba’t ibang mga maaaring pagpilian. Tandaan, hindi karaniwang sakop ng Medicare ang mga gastusin na ito.
Iba pang mga opsyon . . .
- Independiyenteng Namumuhay: Mas gusto ng karamihan na manatili sa sarili nilang bahay kung posible. Minsan, ang mga mapagkukuhanan ng tulong sa komunidad, tulad ng mga meal delivery na serbisyo, “friendly visitors,” housekeeping, transportasyon o iba pang mga in-home assistance ay nagkakaloob ng sapat na suporta para maaaring manatili ang magulang mo sa kanilang tirahan, sa kapaligiran na sanay na sila. Tandaan na kahit na mahirap na pilitin na tanggapin ng iyong magulang ang ganitong klaseng tulong kung sa palagay niya na ikaw ay nakikialam at hindi naman kailangan ang tulong. Ang mga isyu na ito ay dapat matugunan sa isang miting ng pamilya. Maaaring pupuwede ang isang maliit na apartment, condominium o isang palapag na bahay sa komunidad nila o iyong malapit sa iyo, nang may katulong o mga madalas na pagbisita ng pamilya. Ang pakikihati ng isang apartment o bahay kasama ang isang kaibigan o kamag-anak ay maaaring isang posibilidad rin. May mga ahensya sa ilang mga lungsod na makakatulong na isaayos ang may kahating iba sa tirahan (shared living situation). Isang mas bagong opsyon, na tinatawag na Naturally Occurring Retirement Communities (NORCs) o Villages, ay naghahandog sa mga miyembro—karaniwang isang grupo ng mas nakatatandang tao na ang mga tahanan ay magkakalapit—may bantay na mga serbisyo tulad ng pag-aayos ng bahay, transportasyon at social/pang-edukasyon na mga aktibidad. Mayroong isang fee (kaukulang bayad) at ang organisasyon ay pinapamahalaan ng mga boluntaryo at/o may bayad na staff. Dumarami ang kilusan sa buong bansa, at para sa ilan, sapat na suporta ito para mapahintulutan sila na manatili sa kanilang mga tahanan.
- Retirement Community: Ang independiyenteng retirement community ay karaniwang naghahandog ng mga indibiduwal na apartment sa isang maramihang unit na kaayusan, na may mga pang-grupong pagkain, transportasyon, mga serbisyo ng housekeeping at maraming nakaplanong mga social at enrichment na aktibidad. Ang mga residente ay malayang magpunta at umalis kung kailan nila gusto at mapapanatili pa rin ang kanilang pribadong buhay, ngunit natatamo ang mga benepisyo ng pagkakaroon ng isang malaking grupo. Ang mga pasilidad at presyo ay nag-iiba iba sa bawat lugar. Ang ilan ay naghahandog ng koneksyon sa isang nurse o nurse practitioner. Habang dumarami ang mga pangangailangan sa pag-aalaga, madalas ay makakapagdagdag ng mga serbisyo (hal. tulong sa pagbibihis) ng may bayad. Hinihiling sa ilang mga komunidad na ang mga bagong residente ay dapat na ambulatory (hindi gumagamit ng wheelchair) sa pagpasok sa kanila. Ang ilang mga lugar naman ay naghahandog ng tulong na pabahay para sa mga indibiduwal na may mababang kita, na may mahihigpit na mga limitasyon.
- Residential Care Facility (RCF): Ang mga pasilidad ay maliliit na mga group home (minsan ay tinatawag na board at care homes o adult foster home) na nagbibigay ng superbisyon, mga pagkain at pag-aalaga para sa mga taong hindi maaaring iwanan mag-isa pero hindi kailangan ng isang skilled nursing care. Ang mga residential care facility ay nagkakaloob ng tulong sa pagpapaligo, pag-aayos ng anyo, pagkain, paggamit ng banyo, at paglalakad, at nagkakaloob rin sila ng mga socialization at recreational (libangan) na aktibidad. Ang mga kuwarto ay maaaring pribado o may kasama.
- Assisted Living Facility (ALF): Ang mga indibiduwal na medyo independiyente pero kailangan ng pang-araw araw na superbisyon at tulong sa mga gawaing bahay, pamamahala sa gamot at personal na pag-aalaga ay maaaring isaalang-alang ang isang assisted living facility. Ang mga assisted living facility ay naghahandog ng mga kuwarto o tila aparment na mga akomodasyon at, madalas, mga social na aktibidad. Ang mga pagkain ay inihahain sa isang dining room kasama ng iba. Ang kawani ay laging naroon at handa sa pagtulong sa mga pangangailangan sa pag-aalaga tulad ng paliligo, pag-aayos ng anyo, pagkain o paggamit ng toilet, at pag-aalaga ay isinasaayos ayon sa pangangailangan ng indibiduwal. Ang medikal na kawani ay maaaring nandoon sa pasilidad o maaaring tawagan kapag kinakailangan. Ang buwanang singilin para sa assisted living ay natitiyak kung gaano karaming pag-aalaga ang kinakailangan ng tao at nag-iiba iba sa kalawakan ng Estados Unidos. Ang ilang mga assisted living facility ay nakatuon sa—o may kasamang hiwalay na bahagi — para doon sa may mga Alzheimer’s disease o iba pang mga kahinaan sa memorya. Ang mga “pag-aalaga sa dementia” na ito o “pag-aalaga sa memorya” na unit ay naghahandog ng espesyal na kapaligiran na protektado ng seguridad, at mga social at iba pang mga aktibidad na nilikha ayon sa mga kakayahan ng mga residente.
- Intermediate Care Facility (ICF): Ang ganitong uri ng pasilidad ay nagkakaloob ng ‘buong-araw’ na pag-aalaga para doon sa kailangan ng tulong sa paliligo, pag-aayos ng anyo, pagpunta sa toilet at paglalakad. Ang mga indibiduwal sa mga pasilidad na ito ay hindi maaaring mabuhay ng mag-isa at kailangan ang nursing na pag-aalaga, kahit na ang nursing care ay hindi inihahandog ng 24 oras sa isang araw. Karaniwan na hinihiling ng mga residente ang mas mababang antas ng pag-aalaga kaysa sa inaalok sa mga skilled nursing facility.
- Skilled Nursing Facility (SNF): Karaniwang tinatawag na mga nursing home, ang mga pasilidad n aito ay nagkakaloob ng mga nursing na serbisyo ng 24 oras sa isang araw at nilikha para makapagkaloob ng matataas na antas ng personal at medikal na pag-aalaga, tulad ng pangangasiwa sa mga iniksyon, pagbabantay sa presyon ng dugo, pamamahala sa mga ventilator at intravenous na pagpapakain sa mga indibiduwal na hindi kayang kumilos o gumawa nang mag-isa. Ang mga taong nakatira sa mga skilled nursing facility ay karaniwang kailangan ng tulong sa karamihan ng kanilang mga pangangailangan sa pag-aalaga sa sarili; maaaring lubos na mahirap na makapagbigay ng ganitong antas ng pag-aalaga sa isang kapaligiran tulad ng tahanan. Maaaring makatulong ang Medicaid (Medi-Cal sa California) na masaklaw ang mga gastusin kung makatugon ang mga residente sa mga tiyak na pinansiyal at medikal na mga requirement. Maaaring bayaran ng Medicare sa loob ng limitadong panahon ang pamamalagi makalipas na makalabas mula sa ospital, ayon sa kautusan ng mga doktor.
- Ang Eden (o Greenhouse) Alternative ay isang programa sa ilang mga nursing facility sa buong bansa para gawing mas nakasentro sa mas nakatatanda ang kapaligiran at hindi masyadong institusyonal. Ang mga ito ay nakatakda para mahikayat ang kakayahang mag-isa at interaksyon hangga’t maaari para sa mga residente, at magmukhang mas bahay nito. Hinihikayat ang kontak sa mga halaman, hayop at bata.
- Ang Program for All Inclusive Care (PACE) ay nilikha para sa mga taong 55 taong gulang o mas matanda pa na sertipikado ng estado kung saan sila naninirahan para maging karapatdapat bilang isang nursing home, pero maaaring manatili sa bahay na may pandagdag na mga serbisyo para sa kalusugan at serbisyong pang-suporta. Minsan ay tinatawag na “nursing home na walang mga pader” ang dumaraming mga opsyon sa pag-aalaga na ito ay available sa karamihan, pero hindi sa lahat ng parte ng bansa. Ang karamihan sa mga kalahok ay karapat-dapat sa Medicaid.
- Continuing Care Retirement Communities (CCRCs) (minsan ay tinatawag na “Life Care”) ay naghahandog ng lahat ng independiyente, may katulong at skilled nursing facilities sa iisang lokasyon. Kung humina ang kalusugan ng isang tao, ang nakakagambalang paglipat sa isang bagong komunidad ay hindi kinakailangang gawin. Ang mga komunidad na ito ay madalas na mas malaki at karaniwang kailagnan ang mas malaking entrance fee.
- Maaaring available ang Veteran’s Communities sa inyong estado, at naghahandog ng maraming antas ng pag-aalaga. Mula sa independiyenteng pamumuhay na may supportive health at social services, hanggang sa mga skilled nursing facilities, ang mga komunidad na ito ay nagpapahintulot sa isang beterano ( o sa asawa nila) na tumira sa parehong komunidad.
Anuman ang uri ng pasilidad na piliin mo, siguraduhing bumisita sa bawat isa. Huwag mahiya kung maraming itatanong. Isang pangunahing pagbisita ang magpapahiwatig sa isang pasilidad kung ito ay malinis, maayos ang amoy sa looban, aktibo ngunit mahinahon ang interaksyon sa mga residente, at alin sa mga residente ang nasisiyahan sa kanilang bagong “tahanan”.
Kapag ang Magulang Mo Ay Lumipat sa Bahay Mo
Pagbabago ng Mga Tungkulin ng Pamilya. Kung ikaw o ang magulang mo ay magpasya na ang pinakamabuting lugar para sa magulang mo ay ang tirahan mo, dapat mong maunawaan na ang paglipat ng magulang kasama mo ay marahil na hahantong sa pagkakaiba ng mga tungkulin sa pamilya. Ang dating parating nasusunod na magulang ay magiging mas pala-asa—maaari kang maging guardian na nag-uutos at nagkokontrol sa maraming mga aspekto ng buhay ng magulang mo, habang sinusubukan na mapanatiling hindi pala-asa ang magulang mo, hangga’t maaari. Maaaring mas kaunti ang panahon mo para sa asawa mo at para sa iyong sarili. Maaaring kailanganin mo na humingi ng tulong mula sa mga anak mo para sa mas maraming mga responsibilidad sa bahay kasama na ang pag-aalaga sa kanilang lolo o lola. Ang mga pagbabago sa tungkulin na ito ay maaaring mahirap na mga pagbabago para sa lahat.
- Tiyakin na madali para sa iyong magdesisyon at maging ang taong masusunod.
- Maghanda mula sa di pagsunod ng iyong magulang kapag naramdaman nila na hindi na sila ang nagtatakda ng mga regulasyon, kinokontrol ang kanilang situwasyon o natatakot na mawalan ng kalayaan, pero tiyakin na nakakasali ang magulang mo sa proseso ng pagdedesisyon at ang kanilang mga pananaw at kagustuhan ay naririnig.
- Kung kailan posible, hayaang may aregluhan sa mga aktibidad ng pagdedesisyon para panalo ang parehong panig.
- Ikonsidera kung paano makaka-ambag ang magulang mo sa gawaing bahay, tulad ng pag-aalaga sa bata, at paggagawa ng mga madadaling gawain o pinansiyal na tulong sa gastusin sa bahay.
- Isipin ang pagiging handa ng asawa mo at ng mga bata sa pagtulong sa pag-aalaga, at ang kanilang pagiging komportable na makasama ang lolo o lola sa bahay —lalo na kung siya ay nagdurusa mula sa dementia.
- Isipin ang mga paraan kung saan ang mga tradisyonal na interes ng iyong magulang, ang mga gawi niya at mga gustong pagkain ay maaaring maipakaloob, nang hindi nagagambala ang sarili mong mga buhay.
- Pagkasunduan ang mga kaayusan sa pananalapi sa una pa lang at nang malinaw. Kung may mga mapagkukuhanan ng impormasyon o tulong, makakapagbigay ba ng kontribusyon patungo sa mga pagkain at utilities (mga serbisyong pampubliko tulad ng kuryente, tubig atbp.)?
- Kung mayroon kang mga kapatid o iba pang mga miyembro ng pamilya na komportableng makasama ng iyong magulang, sasang-ayon ka ba sa una pa lang na puwede silang makasama ng iyong magulang, o maaaaring mamalagi ang magulang mo sa bahay nila para makapagpahinga pa mula sa pag-aalaga o para makapagbakasyon?
Mga Pagbabago sa Pamumuhay. Ikaw at ang iyong magulang ay marahil na may lubos na magkaibang paraan ng pamumuhay. Ang mga gawi sa pagtulog, pagkain at mga gusto, mga kalendaryo ng gagawin, mga interes, at pang-araw araw na mga aktibidad ay maaaring kailangang ayusin para matiyak ang isang maayos na transisyon.
- Pag-usapan at planuhin kung paano mapapatupad ang mga schedule sa pagtulog, mga oras sa pag-idlip at mga gawi sa pagtulog ng lahat ng mga miyembro ng pamilya sa bahay.
- Talakayin kung anong mga uri ng pagkain ang kakainin mo, kung kailan dapat ihanda ang mga pagkain, at kung ang mga espesyal na diyeta ay kailangan at kung paano maipagkakaloob ang mga ito.
- Pag-aralang mabuti kung ang mga gawain tulad ng paninigarilyo/di paningarilyo o pag-inom/di pag-inom ay magkatugma.
- Ikonsidera kung paano mo masusuportahan ang patuloy na pagsali ng magulang sa mga social network tulad ng pagbisita sa mga kaibigan at pagsali sa lugar ng pagsasamba at kung mapapamahalaan ang transportasyon papunta sa mga ito o paano mapapamahalaan ang iba pang mga aktibidad.
- Hikayatin ang magulang mo na ipagpatuloy ang nakakasiya at mga ligtas na libangan.
- Ikonsidera kung ang magulang mo ay ganap na magiging bahagi ng mga aktibidad ng iyong pamilya o kung kaya niyang mapanatili ang isang independiyenteng pamumuhay.
- Ikonsidera kung paano makaka-apekto ang ingay sa loob ng iyong bahay at gawi ng mga pangkalahatang aktibidad.
Mawawalan Ka ng Oras. Kinakailangan sa pag-aalaga ang napakaraming oras at marahil na makaka-apekto ito sa trabaho mo, sa oras mo kasama ang pamilya, personal na oras at tulog.
- Tiyakin ang dami ng oras na mailalaan mo para sa mga pangangailangan sa pag-aalaga ng iyong magulang. Kailan ka makakatawag para kumuha ng mga appointment o itakda ang mga kinakailangang serbisyo? Kailan mo madadala ang iyong magulang sa kaniyang mga medikal na appointment?
- Suriin kung kailangan mong ayusin ang kasalukuyan mong oras sa trabaho at kung ang pinagtatrabahuan mo ay kayang maipagkaloob ang mga kaayusan na iyon.
- Kung babawasan mo ang oras ng trabaho, tiyakin ang epekto nito sa iyong pananalapi, sa pagsulong ng karera, insurance sa kalusugan at Social Security at retirement na mga benepisyo.
- Ikonsidera kung may oras ka para sa asawa, mga anak at kaibigan mo.
- Kung kailangan ng full-time na superbisyon ng iyong magulang, sino ang gagawa nito habang ikaw ay nasa trabaho o habang inaasikaso ang mga gawain ng iyong mga anak?
- Ikonsidera na sa mas kumaunting oras ay kailangan mong bigyang panahon ang sarili mong mga kaibigan, mga libangan o ehersisyo, at kailangan mo ng kaunting panahon para sa sarili mo mismo araw-araw.
- Asahan na minsan, mararamdaman mo na ubos na ang enerhiya mo at kailangan mong makahanap ng panahon para makapagpahinga.
- Suriin kung paano maisasaayos ang kaunting oras sa pahinga mula sa mga tungkulin sa pag-aalaga (“pagpapahinga”) at humingi ng tulong mula sa mga miyembro ng pamilya, mga kaibigan mo, isang may suweldong katulong o home care agency.
Ang Tahanan Mo. Ang mga pisikal na kaayusan sa pamumuhay ay dapat sapat kung lilipat ang magulang mo kasama mo sa bahay. Kailangang may sapat na laking kuwarto na angkop sa isang mas nakatatanda na maaaring may mga problema sa pagkilos o paningin. Maaaring kailanganin sa isang bahay ang mga espesyal na pag-aangkop ng tirahan para gawing ligtas ito. Ang karamihan sa mga pagbabagong ito ay hindi masyado mahal pero kailangan ng panahon at pagpaplano para mapatupad. Ang ilang mga pamilya ay ikinokonsidera ang pagpapalaki sa kanilang tirahan o paggamit ng “accessory apartment” (o “accessory dwelling unit”)—isang kumpleto sa gamit na modular unit na maaaring pansamantala o permanenteng itayo sa likuran o saanman sa isang lote. Ang home health agencies at/o area agencies on aging ay maaaring may mapagkukuhanan ng impormasyon at tulong na magsagawa ng mga home assessment na may kinalaman sa pagbabago ng tirahan, at ligtas na mga pamamaraan sa pagbubuhat/paglilipat na inirerekumenda para mas mabuting makatulong sa magulang mo.
- Suriin ang espasyo at kung may sapat na privacy.
- Isipin kung saan matutulog ang magulang mo. Ano ang mararamdaman ng bata kung kinailangan niyang ibigay ang kaniyang kuwarto para sa kaniyang lolo o lola?
- Kung posible, ilagay ang magulang mo sa first floor para maiwasan ang paggamit ng hagdan.
- Ikonsidera ang malalaking mga pagbabago na maaaring kailanganin para maangkop sa anumang mga kapansanan o problema sa pagkilos, halimbawa ang wheelchair accessible na mga banyo at shower, ibang mga door handle, mas mababang switch ng ilaw.
- Tiyakin kung aling mga assistive device ang maaaring kailanganin tulad ng mga grab bar sa banyo, pinataas na mga toilet seat, mga handrail at rampa.
- Kung paligoy-ligoy ang magulang mo at nanganganib na biglang mawala, ikonsidera ang mga special na kandado, door chimes, at iba pang mga device na makakatulong na mapanatiling ligtas na nakasara ang mga pintuan at bintana.
- Tingnan nang mabuti ang bagay ninyo kung may mga nakalawit na kable, mga toxin, madudulas na surface, hindi matatag na silya, mga throw rug. Ikonsdera ang pagkakabit ng isang stove-top na shut-off device (isang aparato na awtomatikong pinapatay ang apoy sa kalan),
- Magkabit ng maliliwanag at hindi nakakasilaw na ilaw sa itaas ng lahat ng mga dadaanan, at murang mga adhesive strip sa mga hakbang at iba pang mga posibleng madudulas na lugar tulad ng mga banyo at shower.
- Ayusin ang mga kontrol ng temperatura para ang bahay ay hindi masyado mainit o di masyado malamig. Dapat malaman na ang mas nakakatanda ay madalas na gusto na mas mainit-init ang kapaligiran nila at maaaring maka-apekto ito sa parehong pagiging komportable mo at ang mga utility bill.
- Talakayin kung paano mo maisasama ang kasangkapan ng magulang mo sa bahay mo.
- Balik-aralan kug paano ang kasalukuyang inaalagaan o ang mga bagong alagang hayop ay maisasama sa situwasyon ng bagong bahay.
- Isipin ang pagkakaroon ng isang system o alarm na naka-kabit para mabigyan kayo ng abiso kapag kailangan ng tulong ng magulang mo.
Mga Kaayusang Pinansiyal
Ang indibiduwal na pinansiyal na impormasyon ay maaaring hidi karaniwang ibahagi sa mga miyembro ng iyong pamilya. Gayunman, kung ikaw ay nag-aalaga para sa isang magulang, maaaring kailangan na maging mas kasangkot ka sa kaniyang mga personal na pananalapi, kasama na ang pagbabayad ng mga bill, pagbabantay ng mga account at pamamahala sa mga retirement account o mga investment. Maaari itong magdulot ng mga problema sa iyong magulang o mga kapatid na maaaring pagdudahan ang iyong access at paano mo pinamamahalaan ang pera ng iyong magulang.
- Pagkasunduan kung magkano, kung mayroon man, ang ibibigay na pimansiyal na bayad ng iyong magulang para kanilang mga gastusin sa pagtira sa iyo. Magbabayad ba sila ng upa, pagkain at iba pang mga gastusin?
- Maaaring ikasama ng loob ng iyong mga kapatid ang anumang pera na maaaring matanggap mo. Bukas na pag-usapan ang mga kaayusan sa pananalapi kasama ang mga kapatid para manatiling alam nila ang mga bagong gastusin at nasasapanahon sa mga accout.
- Magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng magulang at mga kapatid mo hinggil sa mga out-of-pocket (galing sa sariling bulsa) na mga gastusin.
- Ikonsidera ang paghahanda ng isang pormal na legal na dokumento na tinatawag na Personal Care Agreement na naglalarawan sa anumang bayad sa iyo mula sa magulang mo para sa mga akomodasyon o sa mga serbisyo sa pag-aalaga sa iyo.
- Para makatipid sa oras, pag-aralan ang opsyon ng awtomatikong pagbabayad ng mga paulit-ulit na bill.
- Tingnan rin ang libre o murang mga serbisyo na tumutulong sa mga papeles sa Medicare para sa mas nakatatandang mga adult.
- Tiyakin na naka-ayos ang mga legal na dokumento tulad ng Durable Power of Attorney, Representative Payee, Advanced Directives, (Basahin ang Mga Mapagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong na seksyon para sa Fact Sheet ng Legal Planning for Incapacity.
Pamamahala sa Paglipat
Marahil na ang magulang mo ay nakatira sa kaniyang dating tahanan ng maraming tao at bumuo ng malapit na ugnayan sa komunidad, pamilya, mga kaibigan, mga health provider, social life at pang-araw araw na gawain. Ang pag-empake at pag-alis sa isang bahay ay isang napakalaking gawain para sa sinuman, pero para sa mas nakatatandang tao na dekada ang dami ng mahahalagang ala-ala at ari-arian, ang paglilipat ay maaaring kumatawan sa isang napakalaking emosyonal na paghamon. Ang pag-alis mula sa pamilyar na at komportableng kapaligiran na ito ay mahirap at maaaring magdulot ng malaking kalumbayan. Dagdag pa dito, ang pag-alis sa sariling bahay ay kumakatawan sa pagbawas sa kalayaan at humuhudyat ng isang bagong yugto sa buhay. Madalas, kapag naisip ang pag-eempake at pag-aayos ng deka-dekadang kasaysayan, ang mga ala-ala at mga ari-arian ay tila napakahirap na para lalo pang maantala ang pagkokonsidera sa desisyon na lumipat ng bahay. Pero may ilang mga mapagkukuhanan ng impormasyon at tulong na maaaring makatulong.
Sa ilang mga komunidad, may mga espesyal na komunidad na may bayad na tutulong na ayusin ang paglipat ng isang matanda sa isang bagong lokasyon at ayusin na ibenta o ipamigay ang hindi kinakailangang kasangkapan at mga ari-arian. Makakatulong rin sila na mag-empake at alisin ang mga na-empake. Anuman ang mga serbisyong ginagamit, para sa karamihang mga pamilya, ang mga matatandang anak ay may malaking tungkulin pa rin sa gawaing ito. Ang bukas na komunikasyon ay makakatulong na mapadali ang mga hamon na ito.
Habang tinitulungan mo ang magulang mong mag-empake, pag-usapan ang mga mabigat na nararamdaman, kilalanin na ang tila kawalan na nararamdaman ng iyong magulang at tiyakin na mabuti ang naging desisyon ninyong lahat. Bigyan ng panahon at oportunidad na balikan ang nakalipas. Siguraduhin sa magulang mo na magiging bahagi ka pa rin ng kanilang buhay anumang ang kanilang kaayusan sa pamumuhay—kahit na sa bagong komunidad ay nais mo pa rin tiyakin na ang kalidad ng pag-aalaga at serbisyo at nakakatugon sa mga pangangailangan ng iyong magulang.
Kung ang magulang mo ang may-ari ng bahay, ikonsidera ang pagpapa-upa dito. Ang kita sa upa ay maaaring makatulong sa mga dagdag na gastusin na maaaring akuin ng pamilya, o makakatulong sa pagbabayad sa pag-aalaga na ipinagkaloob sa iba pang mga lugar ng komunidad, at nakakapagkaloob ng iba pang mga benepisyo sa buwis. Dagdag pa dito, ang pagpapa-upa ng bahay, kaysa sa pagbebenta nito, ay makakapagbigay rin sa magulang mo ng mas matagal na panahon ng trasisyon para masanay sa bagong kaayusan sa pamumuhay. Ang pagbebenta ng matagal nang tirahan ay maaaring tila pagwawakas na, at makakapagdagdag sa tindi ng pagkabalisa ng transisyon.
Kakailanganin ng magulang mo ng higit pang oras para masanay sa kaniyang bagong tirahan at ang tungkulin niya sa pamilya mo. Ang pagtitiyaga at suporta mo ay makakatulong na gawing mas madali ang transisyon na ito. Maaaring makatulong ang isang panlabas na counselor. Para sa karagdagang payo sa paglilipat ng magulang mo sa isang bagong situwasyon ng pamumuhay, basahin ang FCA Fact Sheet na Downsizing Your Home: A Checklist for Caregivers.
Mga Gantimpala
Sa kabila ng mga hamon, natutuklasan ng maraming mga adult na anak na ang pagkakaloob ng suporta at pag-aalaga para sa kanilang mga magulang ay isa sa pinakamalaking nakakapagbigay kasiyahan na karanasan nila. Maaaring maka-ambag ang pamilya sa pamamagitan ng pamamahagi ng kanilang nakaraan at maging isang malaking parte ng sambahayan mo. Ang mga apo ay may bukod-tanging oportunidad na matutunan at matandaan ang mga kuwento ng nakalipas ng pamilya. Ang mga caregiver naman ay may di pangkaraniwang oportunidad na maibalik ang dating mga ginawa para sa iyo ng mga magulang.
Inirerekumendang Babasahin
Elder Care Made Easier. Somers, M., 2006, Addicus Books.
How to Care for Aging Parents: A Complete Guide, Morris, V., 2004, Workman Publishing.
Moving for Seniors: A Step-by-Step Workbook, Morris, B., 2001, Smooth Transitions.
The Essential Guide to Caring for Aging Parents, Rhodes, L., 2012. Alpha Books (Penguin Group).
Mga Pinagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong:
Family Caregiver Alliance
National Center on Caregiving
(415) 434-3388 | (800) 445-8106
Website: www.caregiver.org
Pagaaring yaman; www.caregiver.org/tagalog/
Email: info@caregiver.org
FCA CareNav™: caregiver.org/carenav
Family Care Navigator: www.caregiver.org/family-care-navigator
Hangad ng Family Caregiver Alliance (FCA) na mapahusay ang kalidad ng buhay para sa mga caregiver sa pamamagitan ng edukasyon, mga serbisyo, pananaliksik, at pagtatanggol. Sa pamamagitan ng National Center on Caregiving nito, ang FCA ay naghahandog ng impormasyon sa kasalukuyang panlipunan at pampublikong patakaran, at mga isyu sa pag-aalaga at nagbibigay ng tulong sa pagdedevelop ng pampubliko at pribadong mga programa para sa mga caregiver. Para sa mga residente ng greater San Francisco Bay Area, ang FCA ay nagkakaloob ng direktang mga serbisyo ng suporta para sa mga caregiver ng mga taong may Alzheimer’s disease, stroke, traumatic na pinsala sa utak, Parkinson’s disease, at iba pang nagpapahinang disorder na tumatama sa mga adult.
FCA FACT SHEETS
Ang lahat ng FCA Fact Sheets ay available online sa www.caregiver.org/caregiver-resources/.
Tandaan: Ang mga mapagkukunang nakalista sa ibaba ay nasa English. Para sa mga fact sheet sa Tagalog, tingnan ang Mga kaugnay na mapagkukunan.
Caregiving With Your Siblings
Downsizing a Home: A Checklist for Caregivers
Hiring In-Home Help
Holding a Family Meeting
Legal Planning for Incapacity
Personal Care Agreements
ORGANIZATIONS
AARP
601 E St., NW
Washington DC 20049
(888) 687-2277
Administration for Community Living
U.S. Department of Health & Human Services
330 C St., SW
Washington, DC 20201
(202) 401-4634
Aging Life Care Association (dating tinatawag na National Association of Professional Geriatric
Care Managers)
Alzheimer’s Association
225 N. Michigan Ave., Fl. 17
Chicago, IL 60601-7633
(800) 272-3900
Eden Alternative
P.O. Box 18369
Rochester, NY 14618
(585) 461-3951
Eldercare Locator
Locate Area Agencies on Aging at iba pang mga mapagkukuhanan ng impormasyon at tulong
(800) 677-1116
LongTermCare.gov
Online tool para makatulong sa iyo na “Find your path forward.”
Medicare and Medicaid
(800) MEDICARE
National Center for Assisted Living
Offers Choosing an Assisted Living Residence: A Consumer’s Guide
U.S. Department of Housing and Urban Development
Housing Counseling Agency
451 7th St., SW
Washington, DC 20410
(202) 708-1112
Village to Village Network
(617)-299- 9NET
Inihanda ng Family Caregiver Alliance. Na-review nina Brenda Klutz,B & R Klutz Consulting, LLC, dating Deputy Director, Licensing and Certification, California Department of Health Care Services. Ang pagpopondo sa fact sheet na ito ay na-update ay mula sa Genentech. Huling na-update noong 2012, © 2003, 2012 Family Caregiver Alliance. Naka-reserba ang lahat ng mga karapatan.