Traumatic Brain Injury (Tagalog)
Introduksyon
Taon-taon, may tinatantiyang 2.5 milyong katao sa Estados Unidos ay nagdurusa sa isang traumatic brain injury (TBI) pero ang total na dalas nito ay hindi kilala. Ang epekto ng brain injury ay madalas na nagpapabago sa buhay ng mga nakakaligtas, mga pamilya at mga caregiver. Ang fact sheet na ito ay tumatalakay sa traumatic brain injury at ang mga konsekuwensya nito at nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga nakakatulong na mapagkukunan ng tulong na available sa mga pamilya na nag-aalaga sa mahal sa buhay na naaapektuhan ng TBI.
Kahulugan
Ang traumatic brain injury ay makokonsidera na isang Acquired Brain Injury. Nangyayari ito kapag may malakas na pagkakauntog o pagkakatama sa ulo ay nagresulta sa pinsala sa utak. Ang saklaw ng mga TBI ay mula mild (mahina) hanggang severe(malubha). Mahalagang tandaan na di magkakapareho ang bawat utak, at hindi rin magkakatulad ang mga pinsala. Samakatuwid, ang pinsala sa utak ng bawat indibiduwal ay bukod tangi. Ito ay nagpapakita ng kakaibang hamon – di tulad ng ibang organ sa katawan – sa parehong pag-diagnose ng mga tiyak na kakulangan mula sa pinsala, at pagpapasya sa eksaktong rehabilitation na kinakailangan.
Ang Mild TBI ay nangyayari kapag ang isang tao ay may mabilis na pagbabago sa kalagayang pangkaisipan o kawalan ng malay. Ang karaniwang uri ng pinsala sa utak, isang concussion (pagkakauntog), ay nauuri bilang mild traumatic brain injury. Ang mga Mild TBI ay madalas na hindi nakikilala ang sakit at bilang konsekuwensya, ang taong nakaranas ng pinsala ay nawawalan ng mga benepisyo na makukuha mula sa rehabilitation at medikal na pag-aalaga. Kahit ang mga mild na TBI ay mayroong mga panghabang buhay na epekto na maaaring mapahupa sa pamamagitan ng wastong pag-aalaga. Ang mga Severe na TBI ay kinasasangkutan ng kawalan ng malay ng ilang oras o linggo at maaaring magresulta sa permanenteng kapansanan.
Anumag TBI, mild o severe man, ay maaaring magresulta sa short- o long-term na kapansanan.
Maraming iba’t ibang mga uri ng traumatic brain injury, kasama na ang mga sumusunod.
- Concussions (Pagkakauntog): Pinaka-karaniwang uri ng TBI
- Penetration injury: Mga bala o iba pang bagay na pumasok sa loob ng bungo
- Contusions: Dumudugo na pagkatama sa ulo
- Diffuse axonal injury: Pinsala sa pagkakahiwa sa brain tissue sa loob ng bungo
Mga Fact
- May halos 5.3 milyong mga American, humigit-kumulang sa 2% ng populasyon, ang kasalukuyang nabubuhay ng may mga kapansanan na may kaugnayan sa pinsala sa utak.
- Ang mga lalaki ay higit sa doble ang posibilidad na makaranas ng TBI kumpara sa mga babae.
- Ang TBI ay pinakakaraniwan sa mga adolescent (may edad na 15-24) at mas nakatatandang adult (75 at mas matanda pa).
- Ang pinakakaraniwang sanhi ng TBI ay:
- Mga Pagkahulog (40.5%);
- Di sinasadyang blunt trauma (15.5%);
- Aksidente sa sasakyan (14.3%);
- Karahasan (10%).
- Ang TBI ay isang dagdag na factor sa isa’t katlo (30.5%) ng lahat ng mga pagkakamatay na may kinalaman sa pinsala sa Estados Unidos.
- Ang direktang medikal na gastusin ng TBI – at ang mga karagdagang gastusin na may kaugnayan dito tulad ng kakulangan sa productivity – na may total na higit sa $60 bilyon sa Estados Unidos kada taon.
- Mga Pagkahulog (40.5%);
- Di sinasadyang blunt trauma (15.5%);
- Aksidente sa sasakyan (14.3%);
- Karahasan (10%).
Mga Konsekuwensya
Ang TBI ay maaaring magresulta sa banayad, katamtaman, o malulubhang mga pagbabago sa isa o higit pang mga kakayahan, tulad ng pag-iisip, pagsasalita, mga pisikal na funciton, at social behavior. Ang mga konsekuwensya ng TBI ay maaaring panghabang buhay para sa ilan, habang ang ilan ay maaaring bumalik sa mga aktibidad na ikinalulugod nila bago magkaroon ng pinsala. Kung ang isang pinsala ay lubos na malubha, kahit na sanhi lang ng pagkakauntog (concussion), maaaring di na kailanman makabalik ang tao sa paggana tulad nang dati bago maganap ang pinsala.
Isang partial na listahan ng mga cognitive na pagbabago (o mga pagbabago sa pag-iisip) ang maaaring mangyari sanhi ng brain injury na kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Maiksing attention span
- Mga problema sa memorya lalo na sa short term memory
- Kahirapan sa paglulutas ng problema at kahirapan makasunod sa mga direksyon
- Hindi wastong pagpapasya
- Partial o kumpletong kawalan ng mga kakayahan sa pagbabasa at pagsusulat
- Mga problema sa lengguwahe, kasama na ang mga kakulangan sa komunikasyon at kawalan ng bokabolaryo
- Ang kawalan ng kakayahan na maunawaan ang mga abstract na konsepto
- Kahirapan na matuto ng mga bagong bagay
Ang ilan sa mga pisikal na pagbabago na magaganap sanhi ng brain injury ay maaaring makabilang ang mga sumusunod.
- Kahinaan
- Mga problema sa koordinasyon ng muscle, kasama na ang mga kahirapan sa paglunok
- Buo o partial na paralysis
- Mga pagbabago sa sexual functioning
- Mga pagbabago sa pandamdam (paningin, pandinig, pandama, panlasa, atbp.)
- Mga seizure
- Mga problema sa pagtulog
- Mga kahirapan sa pananalita at mga problema sa pag-isip ng tamang salita na sasabihin
Mga problema sa personalidad at pag-uugali ay maaaring bahagya lang o matindi at maaaring kasama ang mga sumusunod:
- Kahirapan sa pakikihalubilo o pakikisama sa iba
- Kakulangan ng kakayahan na makaunawa sa iba
- Gawi na mas iniisip at pinag-uusapan ang sarili
- Kakulangan ng kakayahan na makontrol ang mga damdamin, emosyon
- Mga mas madalas na pagkaka-irita at pagkakayamot
- Hindi angkop at/o agresibong pag-uugali, madaling nagagalit
- Sukdulang mga pagbabago ng mood
- Depression (ang mga indibiduwa na may TBI ay nakokonsiera na mas nanganganib sa depression)
Para sa karagdagang impormasyon kung paano mahaharap ang mga problema sa pag-uugali na nagreresulta sa TBI, basahin ang FCA fact sheet Paghaharap sa Mga Problema sa Pag-uugali Makalipas ang Pinsala sa Ulo (English). Dagdag pa dito, ang libre at komprehensibong Handbook sa Brain Injury, na nilikha ng Schurig Center for Brain Injury Recovery, ay isang napakahusay at praktikal na mapagkukunan ng impormasyon para makatulng na mag-navigate sa proseso ng rehabilitasyon.
Prognosis (o Posibilidad na Gumaling)
Mahirap hulaan kung gaano o kung gagaling ang isang taong nagkaroon ng brain injury, ang isang parte nito ay dahil walang pagsusuri na mabibigay ang doktor para wastong malaman ang mga kakulangan at paggaling. Sa katotohanan, ang mga brain image ay maaaring tila normal kasunod ng isang mild o moderate na brain injury. Ang Glasgow Coma Scale ay ginagamit para matiyak ang unang kalubhaan ng pinsala sa utak. Ito ay madalas na ginagamit sa pinangyarihan ng aksidente o sa emergency room. Ang scale na ito ay gumagamit ng mga pagkilos ng mata at kakayahan na magsalita at ikilos ang iba pang parte ng katawan para malaman ang kalubhaan ng pinsala.
Ang prognosis ng iyong mahal sa buhay ay aasa sa maraming mga factor, kasama na ang kalubhaan ng pinsala, ang uri ng pinsala, at anong mga parte ng utak ang naapektuhan. Ang mabilis na diagnosis at paggagamot ay makakatulng sa proseso ng rehabilitation. Ang neuropsychological evaluation ay makakatulong na matiyak kung paano naapektuhan sanhi ng brain injury ang mga area para sa cognitive function at nagbibigay ng mahalagang paggagabay para malaman ang mga kinakailangang rehabilitation. Tanungin sa iyong medical team ang tungkol sa neuropsychological evaluation at iba pang mga mga pagsusuri na maaaring makatulong, kasama na ang mga pagsusuri sa paningin, pandinig at balanse.
Mga Tip sa Recovery na Nagkaroon ng TBI
Ang proseso ng recovery ay iba-iba para sa lahat – tulad nang di magkakatulad ang bawat isang utak, di rin magkakatulad ang mga pinsala. Ang paggaling ay karaniwang matagal – mula ilang buwan hanggang ilang taon – dahil ang utak ay dahan-dahan ang paggaling at iba kumpara sa iba pang organ ng katawan. Sa baba ay makikita ang mga tip para sa taong may brain injury para makatulong sa paggaling.
- Magpahinga ng husto.
- Iwasan gawin ang mga bagay na maaaring makapagdulot ng iba pang pananakit o pagkaka-untog sa ulo.
- Tanungin sa doktor kung kailan ligtas na muli magmaneho ng kotse, sumakay sa bisikleta, maglaro ng sports, o gumamit ng heavy equipment (mabibigat na kagamitaN).
- Huwag uminom ng alak o gumamit ng droga; ang mga ito ay maaaring lubos na mahirap sa isang napinsalang utak.
- Isulat ang mga dapat gawin, gumamit ng kalendaryo, magkaroon ng daily journal kung posible, at gumamit ng mga alarm sa telepono para makatulong na mapatatag muli ang paggana ng memorya.
- Maging gawi na ulit-ulitin ang mga kilos at aktibidad na nagpapahusay sa paggana. Ang repetisyon ay susi sa rehabilitation habang gumagaling ang utak.
- Hilingin sa doktor na magrekumenda ng mga rehabilitation service na makakatulong sa paggaling.
- Magtabi ng mga mahahalagang item, tuald ng iyong mga susi at wallet, sa parehong lugar para maiwasang mawala ang mga ito.
- Huwag magmamadali. Magpahinga kung kinakailangan.
- Mag-focus na isa isa lang ang gagawin at di sabay-sabay.
- Gawin ang mga dapat gawin sa tahimik at di nakaka-distract na kapaligiran.
- Kung ikaw ay naiirita o galit, sumubok ng mga relaxation technique at/o paglalayo mula sa situwasyon.
- Kung ikaw ay naiirita o nagkakaproblema na mag-concentrate, sapat ba ang tulog mo?
- Kung ikaw ay nagkakaroon ng problemang makatulog, ikaw ba ay umiinom ng mga energy drink o alak?
Rehabilitation
Ang layunin ng rehabilitation ay tulungan ang iyong mahal sa buhay na mabuhay at gumana ng di umaasa sa iba hanggan’t maaari. Ang rehabilitation ay nakakatulong sa katawan na gumaling at nakakatulong rin sa utak sa proseso ng muling matuto para maging lubos na mabisa ang paggaling hangga’t maaari. Ang rehabilitation ay makakatulong rin sa taong may TBI na matuto ng mga bagong paraan kung paano gawin ang mga bagay-bagay kapag nawala ang dating mga kakayahan.
Pagkatapos ang paggagamot na nakaligtas sa buhay ng iyong mahal sa buhay sa oras na mapinsala, marahil ay mag-uumpisa siya sa isang rehabilitation programa at makikipagtrabaho sa isang team ng mga espesyalista. Ang taong may TBI at ang kaniyang pamilya ay ang mga pinakamahalagang miyembro ng rehabilitation team. Ang mga miyembro ng pamilya ay dapat maging bahagi ng rehabilitation at paggagamot hangga’t maaari. Ang ilan sa iba pang mga professional na maaaring maging parte ng team na ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Mga physiatrist o Doktor ng Physical Medicine and Rehabilitation (PMR): Ang mga doktor na eksperto sa rehabilitation medicine na karaniwang namamahala sa proseso ng rehabilitation.
- Mga Neurologist: Ang mga doktor na sanay sa pagbibigay ng diagnosis at paggagamot sa nervous system disorder, kasama na ang mga sakit sa utak, mga seizure, spinal cord, nerves, at muscles.
- Mga Occupational, Physical, at Speech-Language Therapist: Ang mga therapist na tumutulong sa taong muling makuha ang cognitive at physical na mga kakayahan, at mga skill sa komunikasyon at sa pag-uugali.
- Mga Neuropsychologist: Ang mga espesyalistang psycholigist na naka-focus sa pag-iisip ng mga isyu sa skills at pag-uugali (behavioral).
- Mga Vocational Rehabilitation Counselor at Job Coach: Ang mga employement professional na tumutulong na matamo muli ang mga kakayahan na ginagamit sa trabaho at pananatili sa pagtatrabaho pagkatapos mapinsala.
Mahalagang tandaan na ang rehabilitation ay maaaring tumagal ng ilang taon, at ang iyong mahal sa buhay ang makikinabang mula sa kakayahan na makatanggap ng mga serbisyo ng rehabilitation sa buong panahong ito. Ang mga naaangkop na programa at paggagamot ay magbabago rin ayon sa nagbabagong pangangailangan ng iyong kapamilya.
May iba’t ibang mga paggagamot at rehabilitation program ang maaaring makatulong sa iyong mahal sa buhay. Sa ibaba ang ilan sa iba’t ibang mga uri ng rehabilitation facility.
- Acute Rehabilitation: Intensive, in-patient na rehabilitation program sa ospital
- Comprehensive, Long–Term Rehabilitation Program: Nagkakaloob ng comprehensive na rehabilitation kasama na ang mga speech, occupational at physical therapy; psychological counseling; pang-araw araw na pamumuhay at mga kakayahan sa independiyenteng pamumuhay; pagbabago sa pag-uugali at group socialization; pre-vocational at vocational na rehabilitation program; pagtatalaga sa trabaho kasama ng job coach. Karaniwan na isang outpatient weekday program; pero maaaring gawin rin sa isang rehabilitation facility.
- Day Treatment Programs (Pang-araw na Programa sa Paggagamot): Nagbibigay ng basic na rehabilitation, pagbabago sa pag-uugali at group socialization tuwing Lunes hanggang Biyernes.
- Coma Treatment Centers: Tiyak sa coma na medikal na pag-aalaga
- Transitional Living: Mga nonmedical na residential program na nagtuturo sa independiyenteng pamumuhay at mga skill para sa muling integrasyon sa komunidad.
- Long-Term na Pag-aalaga at Supervised-living Program: Residential na pasilidad na nagkakaloob ng pag-aalaga at rehabilitation sa mga taong may TBI na hindi kayang mamuhay mag-isa.
Pag-iiwas
Ang mga TBI ay maaaring magpabago sa pamumuhay. Maraming mga malulubhang pinsala ang maaaring maiwasan, o kahit man lang mabawasan ang pagkalubha, kung may wastong pag-iingat. Ang mga sumusunod na tip ay para mapakaunti ang panganib ng pagkakaroon ng TBI.
- Ang lahat ng mga pasahero ay dapat magsuot ng mga lap belt at shoulder harness sa kotse.
- Gumamit ng wastong naikabit na mga infant at child safety seat. Isang kinatawan ng police department sa iyong lugar o highway patrol ang maaaring magpakita sa iyo ng tamang paraan ng pagkakabit.
- Iwasan ang pag-inom at pagmamaneho o pagmamaneho habang nasa impluwensya ng droga o gamot.
- Gumamit ng mga helmet para sa motorsiklo at bisikleta at iba pang mga recreational sport.
- Huwag gumamit ng mga handheld na device o mga smartphone kapag nagmamaneho o sumali sa isang aktibidad, kahit na paglalakad lang. Maaari kang ma-distract gamit ang smartphone na sapat lang ang ilang saglit para maaksidente ka, mahulog, o matamaan habang tumatawid sa crosswalk.
Para maiwasan ang pagkahulog, ang mga indibiduwal ay dapat na:
- Gamitin ang mga rail sa hagdan (stairway).
- Magkabit ng sapat na pailaw, lalo na sa mga hagdan para sa mga taong hindi malinaw ang paningin o iyong may kahirapan na maglakad.
- Maglagay ng mga bar sa bintana para maiwasan ang pagkahulog ng mga bata.
- Huwag maglagay ng mga balakid sa mga dadaanan.
- Mag-ehersisyo para makatulong na lumakas, para sa flexibility at balanse.
Pag-aalaga
Kapag mayroong nagdurusa mula sa TBI, naaapektuhan ang buong pamilya. Ipinapakita sa mga pag-aaral na ang mga caregiver ay mga tao na nagkaroon ng brain injury ay maaaring makaranas ng pakiramdam ng kabigatan ng problema o buhay, distress, pagkabalisa, galit, at depression. Kung ikaw ay nag-aalaga sa isang kapartner, asawa, anak, kamag-anak, o malapit na kaibigan na may TBI, mahalagang kilalanin kung gaano nakaka-stress ang situwasyon na ito at maghanap ng mga serbisyo ng suporta.
Ang mga serbisyo na pinaka nakakatulong sa iyo ay kinabibilangan ng in-home assistance (home health aides o mga personal care assistant), respite care para makapagbigay ng mga pahina mula sa pag-aalaga, mga support group sa brain injury, at patuloy o short-term counseling para maangkop sa lahat ng mga pagbabago makalipas ang pinsala. Baka kailangan mo rin tanungin sa iyong support system ng kapamilya, mga kaibigan, at miyembro ng komunidad para humingi ng tulong sa pag-aalaga ng iyong mahal sa buhay, para hindi ka masyado mapagod (burn out). (Basahin ang fact sheet ng Family Caregiver Alliance: Ang Pag-aalaga sa ‘YO: Pag-aalaga sa Sarili para sa mga Cargiver sa Pamilya para sa mga karagdagang tip kung paano maaalagaan ang iyong sarili.)
Sa tungkulin mo bilang caregiver, marahil na makikita mong mahirap na makakuha ng angkop at sapat na mga serbisyo para sa iyong mahal sa buhay. Mahalagang malaman na marahil na kakailanganin mo ng tagapagtanggol para sa iyong mahal sa buhay at magpatuloy sa paghahanap ng tulong. Nararapat mong gamitin ang iyong network ng kapamilya at mga kaibigan, at pati na rin mga professional, para makakuha ng tips tungkol sa mga available na makukunan ng impormasyon at iyong makapagkakaloob ng suporta.
Isang libre at komprehensibong Handbook sa Brain Injury, na nilikha ng Schurig Center for Brain Injury Recovery, ay isang napakahusay at praktikal na mapagkukunan ng impormasyon para makatulng na mag-navigate sa proseso ng rehabilitasyon.
Pagtugon ng Veteran Affairs sa TBI
Sanhi ng mataas na dami ng TBI sa militar, ang Veteran Affairs (VA) at iba pang mga sektor sa US military health system ay naging aktibo sa pagtutugon sa mga isyu na hinggil sa TBI.
Ang mga nasa active duty at reserve service na militar ay mas nanganganib na magkaroon ng TBI kumpara sa kanilang mga civilian na kasamahan. Ito ay isang resulta ng iba’t ibang mga factor, kasama na ang mga partikular na demograpiko ng militar; sa pangkalahatan, ang mga kalalakihan sa pagitan ng mga edad na 18 hanggang 24 ay ang pinakananganganib na magkaroon ng TBI. Ito ay dinadagdag sa tumataas na panganib na matalaga sa mga area kung saan sila nanganganib na malantad sa (mga) pagsabog, at ang posibleng panganib ng kahit pinakakaraniwang operational at mga training na aktibidad na karaniwan sa militar.
Sa isang pananaliksik na isinagawa noong 2005 ng Defense and Veterans Brain Center (DVBIC) ay natuklasan na ang mga pagsabog kapag isinabay sa kombinasyon ng (iba pang mga mekanismo – ano ang kahulugan nito) ay ang nangungunang sanhi ng TBI para sa mga aktibong duty na military personal sa mga war zone (lugar na may giyera). At, ang mga taong dati nang may mga TBI ay mas nanganganib na magdusa sa mga maaaring maranasan na pinsala na maaaring mas symptomatic (maraming sintomas), kumpara doon sa kanilang unang TBI.
Nagpatupad ang VA ng isang integrated at pambansang system sa pag-aalaga para sa mga veteran at mga miyembro ng active duty na gumagaling mula sa TBI. Ang system na ito ay nilikha para makapagkaloob ng pag-aalaga sa mga taong may TBI na sanhi ng kondisyon ay kailangang ibukod(,) o ayon sa paglalarawan sa mga karagdagang trauma o comorbidities. Ito ay binubuo ng higit sa 100 VA medical center, ang bawat isa ay naghahandog ng dalubhasang rehabilitation care ng isang interdisciplinary team.
Nagsagawa ng iba’t ibang mga hakbang para mapahusay ang pagkikilala at paggagamot sa TBI.
- Noong 2007, pinasimulan ng TBI ang screening para sa lahat ng mga veteran.
- Ang mga veteran na may positibong TBI screen ay inirerekumenda na kumuha ng isang comprehensive evaluation sa mga specialty provider na nagpapasya sa definitive diagnosis.
- Isang pinasadyang Rehabilitation and Reintegration Treatment Plan of Care ay dine-develop para doon sa mga Veteran na kailangan ng patuloy na mga serbisyo ng rehabilitation.
May Makakatulong na Mapagkukunan ng Impormasyon at Serbisyo para sa Mga Taong may mga TBI at mga Caregiver
National Disability Rights Network Protection at Advocacy for Individuals with Disabilities
Protection and Advocacy (P&A) System and Client Assistance Program (CAP)
Ang nasyonal na network na ito ng isinautos ng kongreso sa mga ahensya para sa mga karapatan ng may kapansanan ay nagkakaloob ng iba’t ibang mga serbisyo sa mga taong may kapansanan, kasama na ang TBI. Ang mga ahensya ng P&A ay nagbibigay ng impormasyon at mga serbisyo ng pagrerekumenda at tumutulong sa mga taong may kapansanan na makahanap ng mga solusyon sa kanilang mga problema na kinabibilangan ng diskriminasyon at pagtatrabaho, edukasyon, pangangalagang pangkalusugan at transportasyon, personal na pagdedesisyon, at mga benepisyo sa may kapansanan sa Social Security. Ang mga ahensyang ito ay nagkakaloob rin ng indibiduwal at pampamilyang pagtatanggol. Ang mga ahensya ng CAP ay tumutulong sa mga kliyente na hangad ang vocational rehabilitation. Para sa karagdagang impormasyon sa P&A at CAP na mga programa, basahin ang National Disability Rights Network na website, ndrn.org.
Traumatic Brain Injury Model Systems
Napopondohan sa pamamagitan ng National Institute on Disability and Rehabilitation Research, ang TBI Model Systems ay binubuo ng 16 TBI treatment centers sa kabuuan ng Estados Unidos. Ang TBI Model Systems ay may malawakang karanasan sa paggagamot ng mga taong may TBI at nauugnay sa mga lubos na natatag na mga medical center na nagkakaloob ng mataas na kalidad na trauma care mula sa pagsisimula sa head injury hanggang sa proseso ng rehabilitation. Para sa karagdagang impormasyon sa TBI Model Systems, basahin ang tbindsc.org.
Brain Injury Association of America
biausa.org
Isang nasyonal na organisasyon na nagtatanggol at nagpapalawak sa kamalayan na nagde-develop at namamahagi ng educational na impormasyon tungkol sa mga brain injury at mga mapagkukunan ng impormasyon, mga legal na karapatan, at serbisyo. Ang Association ay nagbibigay ng iba’t ibang mga impormasyon hinggil sa brain injury at may mga kaanib sa estado sa kabuuan ng Estados Unidos.
Brain Injury Association of America (BIAA) Chartered State Affiliates
Ang BIAA ay isang nasyonal na programa na may network ng higit sa 40 chartered na state affiliate, at pati na rin daan-daang mga local chapter na nagkakaloob ng mga impormasyon, edukasyon, at suporta sa mga indibiduwal, pamilya, at professional na naaapektuhan ng brain injury. Para matagpuan ang mga TBI program ng iyong estado na makakatulong sa iyo, basahin ang online listing ng mga chartered state addiliate ng Brain Injury Association of America sa biausa.org/state-affiliates.
Social Security Disability Insurance (SSDI) & Supplemental Security Income (SSI)
Posible na ang iyong mahal sa buhay ay may karapatan para sa SSDI at/o SSI. Ang pagiging karapat-dapat (eligibility) para sa SSDI at SSI eligibility ay depende sa maraming mga factor na kinabibilangan ng kalubhaan ng kapansanan at anong mga asset at kita ng iyong mahal sa buhay. Dapat kayong makipag-ugnayan sa Social Security Administration para lubos pang malaman ang tungkol sa mga program na ito at kung ang iyong mahal sa buhay ay kuwalipikado para sa mga benepisyong ito. Para sa karagdagang impormasyon sa SSDI at SSI, basahin ang ssa.gov.
Centers for Independent Living (CIL)
Natuklasan ng ilang mga pamilya na pinakamahalagang hikayatin ang kanilang mahal sa buhay na may TBI na patuloy na matuto ng mga kakayahan na mapapahintulutan sila na mamuhay ng independiyente hangga’t maaari. May mga CIL sa buong mundo para makatulong sa mga taong may kapansanan na mamuhay ng independiyente sa komunidad at maaaring may mga mapagkukunan ng impormasyon para makatulong sa iyong mahal sa buhay na maabot ang layunin na mabuhay mag-isa. Ang mga serbisyo ng CIL ay kinabibilangan ng pagtatanggol, peer counseling, case management, personal assistance at counseling, impormasyon at pagrerekumenda, at independent living skills development. Para sa karagdagang impormasyon sa national CIL system, basahin ang virtualcil.net/cils.
Defense and Veterans Brain Injury Center
dvbic.dcoe.mil
Naglilingkod sa active duty military, sa mga dependent nito, at mga veteran na may traumatic brain injury. Ang iba ay naghahandog ng evalution, paggagamot, follow-up na pag-aalaga, mga educational material at pananaliksik.
Brainline.org
brainline.org
Brain Injury Resource Center
headinjury.com
Services For Brain Injury − San Jose, Oakland, Santa Cruz, CA
sbicares.org
Isang non-prfit na naglilingkod sa Greater Bay Area na may komprehensibong day-prgram rehabilitation para sa anumang uri ng brain injury sa anumang yugto. Ang program ay sumasaklaw mula post-acute at medikal na matatag na kakayahan para sa pang-araw araw na pamumuhay mag-isa, at pagbabago sa pag-uugali at mga skill para sa group socialization; hanggang pre-vocational at vocational na mga serbisyo na kinabibilangan ng pagtatalaga sa trabaho kasama ng isang job coach. Kasama sa staff ang may lisensyang mga psychologist, physical, occupational at speech-language pathologist; at vocational rehabilitation at employement professionals. Ang impormasyon at mga serbisyo sa pagrerekumenda at lingguhan na support group ay ipinagkakalob ng walang dagdag na gasto.
Schurig Center For Brain Injury Recovery – Larkspur, CA
schurigcenter.org
Isang non-profit, post-acute na therapeutic center na naghahandog ng maraming iba’t ibang rehabilitative at supportive services na naitatalaga para tiyak na makatulong sa mga nakaligtas mula sa brain injury at ang kanilang mga pamilya para mamuhay ng ganap, makabuluhan at masasayang buhay. Naglilingkod sa mga adult na may edad na 18 taong gulang at hangga’t ang mga buhay nito ay naapektuhan ng isang brain injury, ang kanilang mga pamilya at mga caregiver.
Family Caregiver Alliance
National Center on Caregiving
(415) 434-3388 | (800) 445-8106
Website: caregiver.org
Pagaaring yaman: https://www.caregiver.org/tagalog/
Email: info@caregiver.org
FCA CareNav: https://fca.cacrc.org/login
Services by State: https://www.caregiver.org/connecting-caregivers/services-by-state/
Hangad ng Family Caregiver Alliance (FCA) na mapahusay ang kalidad ng buhay para sa mga caregiver sa pamamagitan ng edukasyon, mga serbisyo, pananaliksik, at pagtatanggol. Sa pamamagitan ng National Center on Caregiving nito, ang FCA ay naghahandog ng impormasyon sa kasalukuyang social, pampublikong patakaran at mga isyu sa pag-aalaga, nagkakaloob ng tulong sa pagde-develop ng pampubliko at pribadong mga programa para sa mga caregiver. Para sa mga residente ng mas nakalalawak na San Francisco Bay Area, ang FCA ay nagkakaloob ng direktang serbisyo ng suporta sa mga pamilya para sa mga caregiver noong may mga Alzheimer’s disease, stroke, ALS, pinsala sa ulo, Parkinson’s disease, at iba pang nagpapahinang karamdamang pangkalusugan na nararanasan ng mga adult.
Inirerekumendang Mababasa
Fact at Tip Sheets ng FCA
Isang listahan ng lahat ng mga fact at tip ay available online sa www.caregiver.org/fact-sheets.
Ang Pag-aalaga sa ‘YO: Pag-aalaga sa Sarili para sa mga Cargiver sa Pamilya
Coping with Behavior Problems After Head Injury (English)
Ang Emosyonal na Panig ng Pag-aalaga
Brain Injury Handbook
Isang libre at komprehensibong Brain Injury Handbook (Handbook sa Brain Injury), na nilikha ng Schurig Center for Brain Injury Recovery, ay isang napakahusay at praktikal na mapagkukunan ng impormasyon para makatulng na mag-navigate sa proseso ng rehabilitasyon.
Update sa Pananaliksik: Traumatic Brain Injury, Brainline.org: brainline.org
Traumatic Brain Injury, Center for Disease Control and Protection: cdc.gov
NINDS Traumatic Brain Injury Information Page, National Institute of Neurological Disorders and Stroke: ninds.nih.gov
Ang fact sheet na ito ay inihanda ng Family Caregiver Alliance at na-review ni Catherine Sebold, communications specialist ng Brain Injury Association of America. Na-update noong Abril, 2020, ni Carol Welsh, MPA, CBIS, Services For Brain Injury, San Jose, CA.
©2020 Family Caregiver Alliance. Naka-reserba ang lahat ng mga karapatan.