FCA logo

Tumor sa Utak (Brain Tumor)

Introduksyon

Ang tumor sa utak ay isang koleksyon ng mga cell na hindi nako-kontrol ang pagdami sa loob ng utak. Tinatawag rin na neoplasm, growth, mass, o lesion, ang isang tumor sa utak ay mauuri bilang primary o sekundarya (metastatic) at maaring benign o malignant.

  • Ang primaryang mga tumor sa utak ay nagde-develop at karaniwang nananatili sa utak.
  • Ang sekundaryang mga tumor sa utak, o metastatic brain tumors, ay mga kanser na nagde-develop sa iba pang lugar sa katawan at kumakalat sa utak. Ang pinakakaraniwang kanser na kumakalat sa utak ay ang kanser sa baga, kanser sa suso, melanoma, kanser sa colon, at kanser sa bato.
  • Ang mga malignant na tumor sa utak ay mabilis na lumalaki at napapaliit at/o nakakahimasok sa normal na tissue ng utak.
  • Ang mga benign na tumor sa utak ay karaniwang hindi mabilis lumalaki. Gayunman, kahit ang mga benign na tumor ay maaaring nakakamatay, sanhi ng kanilang lokasyon sa utak.
  • Ang pagkakaroon ng impormasyon sa diagnosis ng tumor sa utak ay mahirap para sa mga pamilya, pero may mga dahilan rin para umasa. Ang substantial na progreso ay nagawa sa medikal na pag-uunawa ng mga kanser sa pangkalahatan nito, at ang mga pagsulong sa pag-aaral ng biology ng mga tumor sa utak ay humahantong sa parami nang paraming mga mabisang paggagamot. Ang karamihan sa mga opsyon sa paggagamot na ito ay tinatalakay sa ibaba.

Mga Fact

Ayon sa Central Brain Tumor Registry of the United States (CBTRUS), may tinatantiyang 87,000 mga bagong kaso ng primaryang tumor sa utak ang na-diagnose sa Estados Unidos kada taon. Ang 30% ng mga tumor na ito ay malignant na mga tumor sa utak. Ang primaryang malignant na mga tumor sa utak ay kumakatawan sa 2.4 porsiyento ng lahat ng mga kamatayan sanhi ng kanser sa Estados Unidos. Halos 70% ng lahat ng mga primaryang tumor sa utak ay benign at maaaring matagumpay na gamutin. May karagdagang 150,000 mga indibiduwal ang na-diagnose gn metastatic ng mga tumor sa utak kada taon. Ang kadalasan ng metastatic na tumor sa utak ay tila dumarami: mga pagsulong sa paggagaling ng mga primaryang kanser sa ibang lugar ng katawan ay nagpapahintulot sa mga tao na mas matagal mabuhay, pero ang mga kalat na cell ng kanser ay nakahanap ng paraan para makarating sa utak. Mayroong higit sa 100 mga uri ng tumor sa utak. Ang ilang mga uri ng primaryang tumor sa utak ay pinaka-karaniwang nangyayari sa mga bata, habang ang iba naman ay mas madalas na nangyayari sa mga adult. Ang mga adult na tumor sa utak ay karaniwang nakikita sa pagitan ng mga edad na 40 at 60 taong gulang, at nagaganap nang medyo mas madalas sa mga kalalakihan.

Mga Sintomas

Dahil ang mga tumor cell ay dumarami sa loob ng utak, maaaring maipit, ma-irita, at/o masira ng mga ito ang normal na tissue ng utak. Bilang resulta, ang mga tumor sa utak ay maaaring magdulot ng mga sintomas tulad ng:

  • mga sakit ng ulo
  • mga seizure
  • mga problema sa pananalita
  • kahinaan
  • malabong paningin
  • pananakit o pamamanhid
  • mga problema sa pagkilos
  • pagiging paralisado
  • nausea o pagsusuka

Ang mga tumok sa utak ay maaaring magdulot ng pakiramdam ng pagkapadog o kahinaan. Dagdag pa dito, ang mga tumor sa utak ay maaaring magdulot ng mga problema sa memorya, pagbabasa, at pananalita. Ang mga sintomas na naranasan ay madalas na may kaugnayan sa lokasyon ng tumor. Hindi lahat ay nakakaranas ng sintomas. Halos one-third ng mga taong may brain tumor ay halos walang mga sintomas.

Pagda-diagnose ng Mga Tumor sa Utak

Ang mga tumor sa utak ay madalas na nada-diagnose kapag ang isang pasyente ay naka-develop ng isang sintomas na sanhi ng paghahangad nila ng medikal na atensyon. Ang mga karaniwang sintomas kapag na-diagnose ay kinabibilangan ng mga pagsakit ng ulo, mga seizure, kahinaan, pagbabago sa pananalita, paningin, pag-iisip o personalidad. Pagkatapos na suriin ng doktor ang pasyente, inuutos ng doktor ang isang imaging test, tulad ng MRI. Ang imaging ay nakakatulong na makita kung ano ang sanhi ng sintomas. Ang images ay nagpapakita ng eksaktong laki, lokasyon, at epekto ng sugat sa utak. Ang mga imaging test ay hindi nagkakaloob ng panghuling diagnosis. Kung pinaghihinalaan ang isang tumor, inirerekumenda ang isang surgical procedure, kung posible, para makakuha ng sample ng tissue para malaman mismo kung anong uri ng mga cell o tumor ito. Ito ay mula sa sample ng tissue na pinagkuhanan ng diagnosis.

Ang mga tumor sa utak ay maaaring ma-diagnose at ma-evaluate gamit ang kombinasyon ng mga ito sa iba’t ibang uri ng mga procedure.

  • Magnetic resonance imaging (MRI)
  • Computerized tomography (CT)
  • Positron emission tomography (PET)
  • Biopsy

Ang MRI, CT, at PET scanning ay lahat mga paraan para kuhanan ng litrato ang loob ng katawan. Hindi nito kailangan na ma-operahan. Ang mga procedure na ito ay tinatalakay nang mas detalyado sa ibaba.

Magnetic resonance imaging (MRI)
Ang mga MRI ay inirerekumenda at mas pinipiling paraan para kumuha ng image ng isang tumor sanhi ng mataas na kalidad ng mga nalilikhang image. Ang mga MRI ay gumagamit ng sukdulang malakas na magnet para makalikha ng mga image. Sa contrast-enhanced na MRI, ang pasyente ay unang iniiniksyunan ng isang dye na ginagawang iba ang pagpapakita ng mga normal at may tumor na tissue. Kung kailangan ng inyong mahal sa buhay ang isang MRI siguraduhin na sabihin sa doktor ang alinmang kasaysayan sa mga allergy o mga reaksyon sa gamot. Dahil ang MRI ay gumagamit ng isang magnet, walang metal ang maaaring dalhin sa loob ng kuwarto habang isinasagawa ang MRI. Ang mga pasyenteng may pacemaker at/o mga metal na implant ay hindi maaaring kumuha ng MRI.

Computerized tomography (CT)
Isang CT scan ang maaaring gamitin para sa mga pasyete na hindi maaaring sumailalim sa MRI dahil sila ay mayroong mga pacemaker, metal implant, mga allergy, o claustrophobia.

Ang mga makinarya ng CT scan ay kumukuha ng maramihang mga x-ray sa maliliit na mga area ng utak mula sa iba’t ibang mga anggulo. Tapos ay pinagsasama ng computer ang mga scan para makagawa ng isang detalyado at three dimensional na image.

Dahil ang iodine ay maaaring gamitin bilang isang contrast agent para mapahusay ang image, dapat ninyong sabihin sa doktor kung ang inyong mahal sa buhay ay may anumang mga allergy, diyabetes, hika, kondisyon sa puso, mga problema sa bato, o kondisyon sa thyroid.

Positron emission tomography scan (PET)
Ang mga PET scan ay minsan ginagamit pandagdag sa isang MRI o CT para matasa ang mga tumor sa utak. Pagkatapos na sumailalim sa paggagamot para sa tumor sa utak, ang mga PET scan ay magagamit rin para mapag-iba iba ang bagong lumalaking tumor mula sa scar tissue o necrosis (mga cell na pinapatay ng radiation).

Biopsy 
Ang biopsy ay ang pagtatanggal sa pamamagitan ng pag-oopera ng maliit na piraso ng tissue ng tumor na may iisang tiyak na layon na makapagbigay ng diagnosis. Ang tissue ay pinag-aaralan para makumpirma ang uri ng tumor, at makatulong sa healthcare team na makapagbalangkas ng isang plano sa paggamot.

Paggagamot sa Mga Tumor sa Utak

May iba’t ibang mga opsyon na makokonsidera sa paggagamot ng mga tumor sa utak. Ang inyong healthcare team ay magdi-disenyo ng isang plano para makatulong na gamutin ang tumor at maibsan ang anumang mga sintomas na maaaring dulot ng tumor sa utak.

Ang sumusunod na mga propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan ay maaaring maging bahagi ng treatment team:

  • Neurologist: isang doktor na dalubhasa sa pamamahala ng mga pasyente na may mga sakit sa utak at iba pang mga parte ng nervous system.
  • Neurosurgeon (o brain surgeon): isang doktor na dalubhasa sa pag-oopera ng utak at ng iba pang bahagi ng nervous system.
  • Neuro-oncologist: isang doktor na dalubhasa sa pamamahala ng mga pasyente na may mga tumor sa utak at iba pang mga tumor sa nervous system.
  • Neuropsychologist: isang psychologist na dalubhasa kung paano gumagana ang utak at ang epekto ng pinsala sa utak ng pasyente.
  • Radiation oncologist: isang doktor na dalubhasa sa pamamahala ng mga pasyenteng may kanser at ginagamot ang mga ito gamit ang radiation therapy.
  • Physical therapist: isang provider sa pangangalaga ng kalusugan na nagtuturo at nagbibigay gabay sa pasyente sa pamamagitan ng iba’t ibang mga ehersisyo para maiwasan ang pananakit at maibalik ang paggana o pagkilos ng katawan o makatulong sa pasyente na umangkop sa mga bagong limitasyon ng katawan.
  • Occupational therapist: isang provider sa pangangalaga ng kalusguan na tumutulong sa mga pasyenteng makakuha ng kalayaan sa pag-aalaga sa kanilang sarili, sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga estratehiya at ehersisyon na magpapahintulot na makasali sila sa kanilang mga gawi at tungkulin sa pang-araw araw na pag-aalaga sa sarili.
  • Speech-language pathologist o speech therapist: isang provider ng pangangalagang pangkalusugan na dalubhasa sa paggagamot ng mga problema sa komunikasyon at paglunok.
  • Social worker: isang provider sa pangangalaga ng kalusugan na nagkakaloob ng maraming iba’t ibang mga serbisyo nang direkta sa mga taong may kanser at sa kanilang mga pamilya kasama ang access sa pagkokonekta ng mga mapagkukuhanan ng tulong at impormasyon, counseling, suporta, at edukasyon.

Operasyon

Ang unang mas pinipiling paraan ng paggagamot, depende sa lokasyon at laki ng tumor, ay ang pagtatanggal sa pamamagitan ng pag-oopera ng malaking parte ng sugat hangga’t maaari (tinatawag rin na resection). Ang pag-oopera ay maaari rin magpabawas sa mga sintomas na sanhi ng pamamaga ng utak. Ang pagpapahusay sa mga pamamaraan ng pag-oopera sa loob ng mga huling taon ay ginawang mas ligtas ang pag-oopera; gayunman, ang pag-oopera ay parating may mga panganib na dapat talakayin ninyo at ng inyong mahal sa buhay sa oncologist at neurosurgeon. Sa pagpapasya kung ang pag-oopera ay tama para sa inyong mahal sa buhay, ikokonsidera ng inyong doktor ang laki, lokasyon, at uri ng tumor, at pati na rin ang pangkalahatang kalusugan ng pasyente, at ang medikal na kasaysayan.

Radiation Therapy o Radiotherapy

Ang radiation therapy ay ang paggamit ng walang sakit na mga x-ray na sinisira ang mga tumor cell at ginagawang hindi na kaya ng mga ito na makapag-reproduce. Ang radiation ay maaaring gamitin pagkatapos ma-operahan para maiwasan na bumalik ang tumor (recurrence) sa pamamagitan ng pagsisira sa mga tumor cell na hindi maaaring ganap na maalis. Sa mga kasong hindi opsyon ang pag-oopera, ang radiotherapy ay maaaring gamitin sa halip na operahan para masira ang tissue ng tumor o para maibsan ang mga sintomas. Ang iba’t ibang uri ng radiotherapy ay inilalarawan sa ibaba.

  • Whole brain radiation therapy (WBRT) ay nagbibigay ng patas na dosis ng radiation sa buong utak. Ang whole brain radiotherapy ay ginagmait kapag ang kanser ay metastasized sa utak at kapag mayroong nakitang ilang mga tumor. Ang mga pakinabang ng whole brain radiotherapy ay magagamot nito ang malaki at maliliit na mga tumor, maraming tumor nang sabay-sabay, at mga tumor na nasa loob-looban gn utak na hindi maaalis sa pag-oopera. Ang whole brain radiotherapy ay madalas na ginagamit para mabawasan ang panganib ng muling pagbabalik ng tumor makalipas na ma-operahan.
  • Conventional external beam radiation ay ang pinaka-karaniwang uri ng radiation therapy at ginagamit para gamutin ang mga primaryang tumor sa utak. Mas precise ito kaysa sa WBRT Ang beams ay nakaturo sa tumor at sa isang maliit na border ng tissu sa palibot ng tumor para maligtas ang malusog na tissue ng utak. Ang karaniwang external beam radiation therapy ay hindi masakit, at karaniwang ibinibigay kapag may 15 minutong pagbisita, sa loob ng ilang mga linggo.
  • Stereotactic radiosurgery ay isang mas naka-target na uri ng radiation therapy, at hindi ganap na pag-oopera. Ito ay tinatawag na “radiosurgery” dahil ito ay sobrang previse at focused. Ang equipment ay ginagamit para sa radiosurgery ay karaniwang tinutuoy ayon sa pangalan ng tatak nito, tulad ng Gamma Knife®, XKnife®, o CyberKnifeTM. Ang ganitong uri ng therapy ay naghahatid ng mas mataas na dosis ng radiation sa isang maliit na tumor (karaniwang 1.5 inches o mas maliit pa ang diameter) sa iisang treatment session. Dahil ang ganitong uri ng radiation ay naka-target sa tumor nang mas precise, mas maliit ang posibilidad na mapipinsala nito ang malusog na tissue. Ito ay madalas na ginagamit para gamutin ang maliliit na metastatic tumor at muling pagbalik ng maliliit na tumor. Ang stereotactic radiosurgery ay gumagamot lang sa mga tumor na natutuklasan sa MRI o CT scan.

Chemotherapy

Ang chemotherapy ay ang paggamit ng mga espesyal na droga para patayin ang mga tumor cell. Ang ilang mga gamot ng chemotherapy ay ibinibigay sa pamamagitan ng pag-iinom; habang ang iba naman ay ibiniigay sa pamamagitan ng iniksyon. Sa ilang mga kaso, ang chemotherapy ay maaaring kailangang ibigay nang walang hinto sa loob ng matagal na panahon. Kung ganito ang kaso, isang pump o catheter ay maaaring ilagay sa ilalim ng balat para maibigay ang mga gamot.

May chemical protective layer sa palibot ng utak na tinatawag na blood-brain barrier. Ang barrier na ito ay makaka-iwas sa mga gamot o chemotherapy na binibigay sa pamamagitan ng bibig o iniksyon na hindi makaabot sa utak. Para malutas ang problemang ito, may mga bagong paraan ng pagbibigay ng chemotherapy ang nade-develop para maihatid ang gamot nang direkta sa tumor. Ang isang halimbawa nito ay ang chemotherapy wafer implants na ini-implant sa pamamagitan ng pag-oopera sa site ng tumor at madadala ang paggagamot lumaon.

Ang mga bagong gamot ay dine-develop rin na naka-target sa tiyak na mga abnormality na natatagpuan sa mga tumor cells. Tinutukoy bilang mga “targeted therapies,” ang bagong henerasyon ng mga gamot ay bumubuo ng batayang pinasadyang gamot sa pamamagitan ng pag-target sa mga genes (proteins), receptors, at enzymes na tiyak sa mga tumor cell. Ang mga nakatarget na gamot ay gumagana sa pamamagitan ng paghaharang sa mga cell signal na nagpapalaki sa mga tumor cell o sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga signal para na sirain ng mga tumor cell ang kanilang sarili.

Dahil ang chemotherapy ay maaaring maka-apekto sa parehong mga malulusog na cell at mga tumor cell, maaaring magkaroon ng mga side effect. Ang mga ito ay nag-iiba iab depende sa uri ng gamot at indibiduwal.

Immunotherapy

Ang immunotherapy ay isang uri ng paggagamot sa kanser na pinapalakas ang sariling immune system ng katawan para malabanan o patayin ang mga cell ng kanser. Mayroon ilang uri ng immunotherapy, kasama ang monoclonal antibodies at tumor-agnostic therapies, di tiyak na mga immunotherapy, oncolytic virus therapy, t-cell therapy, at mga bakuna sa kanser. Depende sa uri ng mga cell ng kanser na sanhi ng tumor sa utak, ang iba’t ibang mga uri ng immunotherapies ay maaaring mairekumenda. May ilang mga uri ng immunotherapy na naaprubahan na ngayon para gamutin ang systemic na mga kanser na maaaring metastasize sa utak.

Kasalukuyang mayroong dalawang naaprubahan ng FDA na mga opsyon para sa immunotherapy para sa primaryang brain at central nervous system na mga kanser. Ang mga ito ay naka-target sa antibodies;

Ang Bevacizumab (Avastin): isang monoclonal antibiody na tina-target ang VEGF/VEGFR pathway at pinagbabawalan ang paglaki ng mga tumor blood vessel. Ang gamot na ito ay naaprubahan para gamutin ang bumabalik na glioblastoma.

Dinutuximab (Unituxin) : isang monoclonal antibody na tinatarget ang GD2 pathway; naaprubahan para sa first-line treatment ng high risk pediatric neuroblastoma.

Ang karagdagang mga immunotherapies ay sinusubukan sa mga clinical trial sa buong mundo.

Tumor Treating Fields (Optune)

Ang Tumor Treating Fields (TTF) ay isang therapy sa kanser na gumagamit ng electric fields na naka-tune sa mga partikular na frequency para magambala ang paghahati ng mga cell, pinipigalan ang paglaki ng tumor, at sa katapusan ay nagiging sanhi ng pagkamatay ng cell. Naaprubahan ito ng FDA para sa paggagamot ng glioblastoma. Kailangan sa TTF ng kuryente o battery pack at kinabibilanganng pagsusuot ng cap ng “arrays” ng pasyente, na nagta-transit ng mga alternating electric fields sa pagitan ng mga tumor cell. Bukod sa minor na mga iritasyon sa balat kung saan inilalagay ang arrays sa anit, ang therapy ay walang systemic na mga side effect.

Paggagamot sa Mga Sintomas

Ang mga sumusunod na paggagamot ay makakatulong sa mga sintomas ng tumor sa utak, tulad ng mga sakit sa ulo at nausea, kahit na ang mga ito ay hindi tunay na makakatulong para maalis ang tumor o maaalagaan ang inyong mahal sa buhay:

Steroids (Corticosteroids)
Ang mga tumor sa utak ay madalas na lumilikha ng pamamaga at inflammation sa loob ng bungo. Ito ay maaaring magdulot ng mga sakit sa ulo, pagkaantok, at iba pang mga problema. Ang steroids (corticosteroids), karaniwang dexamethasone, ay mabilis na nagbabawas sa pamamaga at mapapahusay ang paggana ng kaisipan. Ang karamihan sa mga pasyente ay mas mabuti ang nararamdaman sa short-term steriod na paggagamot; gayunman, ang ilan ay kailangan pa rin kumuha ng steriods ng higit sa ilang buwan para makontrol ang mga sintomas. Kung ang inyong mahal sa buhay ay gumagamit ng steriods bilang parte ng treatment plan, tiyakin na sabihin sa doktor o nars ang tungkol sa anumang mga pagbabago sa kanilang kalusugan na maaaring napansin ninyo. Ang steriod ay maaaring magdulot ng side effect tulad ng patataba, mas malakas na ganang kumain, hindi makatulog at pagiging iritado. At, ang inyong mahal sa buhay ay dapat makipag-usap sa doktor kung magpasya silang huminto sa paggamit ng steriod dahil ang biglaang paghinto ay maaaring mapanganib.

Anti-seizure medications (Anticonvulsants)
Mga gamot na mabibigay para maiwasan ang seizures. Ang mga gamot na ito ay tinatawag na anti-seizure na gamot o anticonvulsants. May ilang iba’t ibang mga anti-seizure na gamot na available tulad ng Keppra, Tegretol, Trileptal, Lamictal, Dilantin, Depakote, Neurontin, at phenobarbitol. Kung ang inyong mahal sa buhay ay gumagamit ng anti-seizure na gamot bilang parte ng treatment plan at hindi ito gumagana o nagdudulot ng mga hindi kanais-nais na side effect, maaaring ilipat kayo ng doktor sa ibang gamot.

Complementary therapy (Isinasabay na mga therapy)
Ang medical treatment ng inyong mahal sa buhay ay maingat na naplano para makontrol ang sakit at mabawasan ang mga sintomas hangga’t maaari. Maraming mga tao ang naghahangad ng mga complementary therapy para makatulong sa kanilang mas maganda ang maging pakiramdam at makaraos sa stress ng kanser. Ang mga therapy na ito ay hindi nilalayon na palitan ang medical therapy, pero maaaring makatulong sa inyong mahal sa buhay na mapamahalaan ang kaniyang mga sintomas. Ang mga complementary therapy para sa kanser ay maaaring kabilang ang pamamahala sa stress, relaxation at imagery training, meditasyon, suporta sa grupo, counseling sa pamilya, nutrisyon, herbal na gamot, masahe, acupuncture, at edukasyon. Ang ilang mga cancer center at ospital ay naghahandog ng mga serbisyong ito para sa mga taong may kanser, sa kanilang mga pamilya, at sa kanilang mga caregiver.

Makakatulong ba ang Mga Clinical Trial sa Inyong Mga Mahal sa Buhay?

Ang mga clinical trial ay mga research study para sumubok sa mga bagong treatment. Para sa pananaliksik sa kanser, maaaring ipagtuon ang pansin ng clinical trial sa gamot, pag-oopera, radiotherapy, isang bagong uri ng therapy, o ang ilang kombinasyon ng mga ito. Ang mga benepisyo ng paglalahok sa mga clinical trial ay kinabibilangan ng:

  • Pagtatanggap ng alaga mula sa medical team na dalubhasa sa inyong sakit
  • Ang isa sa naunang makatanggap ng nangangakong bagong paggagamot
  • Pagtulong sa mga doktor na maunawaan nang higit pa ang tungkol sa paggagamot sa kanser, at sa gayon ay makakatulong sa panghinaharap na mga pasyente ng kanser.

Ang ilang mga panganib ng paglalahok sa mga clinical trial ay kinabibilangan ng:

  • Isang experimental treatment ay maaaring hindi kasing ganda ng standard care
  • Ang bagong treatment ay maaaring hindi gumana para sa inyong mahal sa buhay
  • Ang inyong mahal sa buhay ay maaaring kasama sa study group na hindi tumatanggap ng bagong treatment.

Ang mga doktor ngayon ay nag-i-imbestiga sa ilang mga paggagamot para sa tumor sa utak sa mga clinical trial. Ang ilang mga bagong gamot ay nilikha para mapahusay ang bisa ng standard na mga treatment, tulad ng radiotherapy at chemotherapy. Ang iba pang mga paggagamot ay nilikha para baguhin ang mga tumor cell, para ang paglaki ng mga ito ay manantiling nakokontrola. Mararaming mga paraan para makahanap ng mga trial na maaaring angkop para sa inyong mahal sa buhay. Simula sa pamamagitan ng pagtatanong sa doktor tungkol sa mga available na trial. Ang iba’t ibang mga organisasyon ay nagkakaloob ng mga listahan kasama ng impormasyon tungkol sa mga kasalukuyang sinusubukan, at kung saan nagagawa ang trial. Basahin ang seksyon sa ibaba na pinamagatang Mga Pinagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong kung paano makaka-ugnayan ang mga organisasyon na ito. Tiyakin na siguraduhin sa insurance provider ng inyong mahal sa buhay para makita kung ang mga gasto sa pagsasali sa clinical trial ay sakop.

Ano ang Mangyayari Pagkatapos ng Treatment?

Pagkatapos ng treatment, ang kalusugan ng pasyente ay maingat na binabantayan. Ang MRI, CT, o iba pang uri ng imaging scan ay maaaring gawin paminsan-minsan para makita kung gumagana ang treatment. Ang madalas na mga eksaminasyon sa katawan ay makakatulong sa doktor na malaman kung ang kanser ay bumalik o kung problema ang mga side effect. Tiyakin na i-ulat ang anumang muling pagbalik ng mga sintomas o iba pang mga pagbabago sa kalusugan ng inyong mahal sa buhay sa doktor o nars kaagad.

Mga Isyu para sa Caregiver

T: Ano ang mga epekto ng tumor sa utak sa kaisipan, emosyon, o personalidad?
Ang mga tumor sa utak ay tunay na nakaka-apekto sa utak, mga emosyon, at/o personalidad. Ang mga problema sa memorya, pananalita, at/o concentration ay maaaring mangyari. Ang inyong mahal sa buhay ay maaaring humarap sa malulubhang hamong pangkaisipan na may mga pakiramdam ng pagkakalito. Maaaring magbago ang mga mood, at pati na rin kung paano kumikilos ang isang tao. Ang inyong mahal sa buhay ay maaaring magkaroon ng kahirapan na sabay-sabay na gawin ang mga kilos. Ang iba’t ibang mga treatment ay maaaring magpabagal sa pagsulong ng mga sintomas na ito, kaya’t tiyakin sa doktor kung anong mga paggagamot ang maaaring makatulong.

Alamin na ang isang neuropsychologist ay maaaring makatulong sa rehabilitation. Para maka-isip ng isang mabisang plano, ang neuropsychologist ay gagawa muna ng isang serye ng mga pagsusuri para makita ang mga emosyon, pag-uugali, at mental na kakayahan ng inyong mahal sa buhay. Batay sa mga resulta ng pagsusuri, ang isa o higit pa sa mga sumusunod ay maaaring marekumenda.

  • Ang cognitive rehabilitation na nangangahulugan na treatment para sa mga kahirapan sa pag-iisip
  • Ang occupational rehabilitation, na ang edukasyon at pagsasanay kung paano makakapagpatuloy sa pagtatrabaho
  • Ang counseling ay maaaring makatulong sa mga pagbabago sa emosyon

T: Paano gagawing mas ligtas ang tahanan para sa aking mahal sa buhay na may mga tumor sa utak?
Sanhi ng posiblang panghihina ng kalamnan, ang mga pagbabago sa balanse, at iba pang mga konsiderasyon, ang sumusunod ay maaaring makatulong sa inyong gawing mas ligtas ang inyong tahanan para sa inyong mahal sa buhay:

  • Maglagay ng mga handrail sa shower at bathtub
  • Maglagay ng isang silya sa shower
  • Kung ang tahanan ay higit sa isang palapag, ikonsidera na ilagay ang kama ng inyong mahal sa buhay sa ground floor
  • Ikonsiderang kumuha ng hospital bed
  • Ikonsiderang kumuha ng portable toilet

T: Paano makakaraos ang aking emosyon?
Bilang isang caregiver, maaari ninyong piliin na makatanggap ng counseling para matutunan kung paano matutulungan ang inyong mahal sa buhay na pakitunguhan ang mga pagbabago sa kaisipan na nararanasan at ang pinakamahalaga sa lahat, kung paano mapapakitunguhan ang sarili ninyong mga reaksyon sa mga pagbabago na dinaraanan ng inyong mahal sa buhay. Ito ay isang mabigat na panahon para sa lahat ng kasangkot. Habang ang sakit ay maaaring magkaisa ang mga tao sanhi ng isang karamdaman, maaari rin itong magdulot ng tension, kalungkutan, at stress. Heto ang ilang mga suggestion para makaraos.

  • Maghanap ng mga miyebro ng pamilya at kaibigan na handang tumulong sa pag-aalaga ng inyong mahal sa buhay.
  • Gawing bahagi ang mga taong iyon sa pag-aalaga ng isang komunidad na nagkakaloob ng parehong praktikal at emosyonal na suporta sa inyo at sa inyong mahal sa buhay.
  • Kilalanin ang inyong mga lakas at lakas ng iba sa inyong mapag-arugang komunidad.
  • Regular na magpahinga! Ang caregiver burnout ay isang pangunahing dapat ikabahala.
  • Sumali sa mga panlabas na grupo at organisasyon na nagkakaloob ng suporta at impormasyon sa mga taong may kanser at sa kanilang mga caregiver.

Mga Pinagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong

Family Caregiver Alliance
National Center on Caregiving
(415) 434-3388 | (800) 445-8106
Website: www.caregiver.org
Pagaaring yaman: www.caregiver.org/tagalog
Email: info@caregiver.org
FCA CareJourney: www.caregiver.org/carejourney
Family Care Navigator: www.caregiver.org/family-care-navigator
Hangad ng Family Caregiver Alliance (FCA) na mapahusay ang kalidad ng buhay para sa mga caregiver sa pamamagitan ng edukasyon, mga serbisyo, pananaliksik, at pagtatanggol. Sa pamamagitan ng National Center on Caregiving nito, ang FCA ay naghahandog ng impormasyon sa kasalukuyang social, pampublikong patakaran at mga isyu sa pag-aalaga, nagkakaloob ng tulong sa pagde-develop ng pampubliko at pribadong mga programa para sa mga caregiver. Para sa mga residente ng mas nakalalawak na San Francisco Bay Area, ang FCA ay nagkakaloob ng direktang serbisyo ng suporta sa mga caregiver noong may mga Alzheimer’s disease, stroke, traumatic brain injury, Parkinson’s disease, at iba pang nagpapahinang disorder na nararanasan ng mga adult.

Fact at Tip Sheets ng FCA

Isang listahan ng lahat ng mga fact at tip ay available online sa www.caregiver.org/tagalog.

Iba Pang Mga Organisasyon at Link

National Brain Tumor Society
https://braintumor.org/

The American Brain Tumor Association
www.abta.org

Brain Science Foundation
www.brainsciencefoundation.org

Ang fact sheet na ito ay inihanda ng Family Caregiver Alliance at nirepaso ni Margaretta S Page, RN, MS at Lisa Guthrie, RN, BSN UCSF Neuro-Oncology Gordon Murray Caregiver Program © 2020 Family Caregiver Alliance. Naka-reserba ang lahat ng mga karapatan.