Wernicke-Korsakoff Syndrome (Tagalog)
Ano ito?
Ang Wernicke-Korsakoff syndrome (WKS) ay isang kombinasyon ng dalawang neurological na kondisyon na madalas na pinagsasama Ang Wernicke’s encephalopathy ay ang pauna at acute na stage ng syndrome. Kung ang indibiduwal ay gumaling mula sa acute stage, Korsakoff amnesic syndrome, ang chronic at pangmatagalang stage ay nagreresulta ng WKS.
Habang maraming mga sintomas, ang pinakamahalagang feature ng syndrome ay ang epekto nito sa ala-ala. Tiyak na dito, ang kondisyon ay nagdudulot ng kahirapan sa paglilikha ng mga bagong ala-ala o pag-aalala sa mga pinakahuling memorya (mga memorya na ginawa bago magkasakit na madalas na nananatili pa rin na buo sa isipan).
Ang WKS ay hindi masyado karaniwan kumpara sa iba pang mga uri ng dementia Ito ay naka-apekto lang sa 1 hanggang 2 porsiyent ng populasyon sa Estados Unidos, pero ang sakit ay marahil na hindi masyado nauulat, lalo na ang mga mas banayad na uri na mas mahirap makilala. Medyo mas maraming kalalakihan ang nada-diagnose kaysa sa mga babae. At madalas itong nakaka-apekto sa mga taong nasa pagitan ng mga edad na 30 at 70.
Ano ang mga sanhi ng WKS at ano ang nagpapataas sa posibildad na magkaroon nito?
Ang malubhang kakulangan ng vitamin B1, thiamine, ay ang sanhi ng WKS. Ang Thiamine ay isang mahalagang nutrient na nakakatulong na ma-metabolize ang sugar, na lumilikha ng enerhiya para sa utak. Ang kakulangan ng thiamine ay pumapatay sa mga brain cell at samakatuwid ay nagdudulot ng mga neurological na pagbabago sa degree ng cognitive impairment.
Ang WKS ay karaniwang may kaugnayan sa chronic alcoholism. Ang pag-inom ng alak ay madalas na pumipigil sa absorption ng thiamine, at ang mga malalakas uminom ay may di magandang gawi sa pagkain. Sinusuri pa rin ng mga medical researcher ang kaugnayan sa pagitan ng malakas na pag-inom ng alak at ang mga sintomas ng dementia. Maaaring may aspekto na namamana rin ang WKS. Pero ang pinakakaraniwang pagpapakita ng WKS ay ang cronic na alcoholic na pasyente na kulang sa nutrisyon.
Ang malnutrition at ang iba pang mga sanhi ng kakulangan ng nustrisyon ay maaaring magdulot o magpalala sa WKS. Kabilang sa mga ito ang mga eating disorder, kanser, chemotherapy, gastric bypass, at kidney dialysisall na mga kondisyon na nagpapaliit sa thiamine mula sa katawan. Ang kakulangan ng kakayahan na makabili ng wastong pagkain at medikal na pag-aalaga ay nag-aambag rin sa WKS.
Mayroon ba nito ang miyembro ng aking pamilya?
Ang ilang mga sintomas na marahil na dapat tandaan ng mga miyembro ng pamilya ay di madaling makita. Hintayin kung may mga pagbabago, lalo na sa mga ito:
- Walang sigla
- Pagka-antok
- Hindi nakikinig/walang pakialam
- Kalituhan ng isip
- Mga problema sa paningin
- Kahinaan ng muscle
- Mga isyu sa koordinasyon ng muscle, lalo na sa paglalakad/gait
- Panginginig
- Kamakailan o panandaliang mga kahirapan sa ala-ala
- Exaggerated na pagkukuwento
- Pagkabalisa
Iba pa, ang mas acute na mga sintomas ay maaaring magpahiwatig ng pangangailangan para sa mas kagyat na medikal na pansin na kinabibilangan ng sobrang bilis na tibok ng puso, mababang presyon ng dugo, mababang temperatura ng katawan, mga hallucination, pagde-deliryo, o stupor (kawalan ng malay).
Kung may nakita ka sa alinman sa mga nasa itaas na senyas o nababahala sa pag-uugali ng iba, mag-schedule ng isang appointment sa primary care physician ng miyembro ng iyong pamilya o, kung kinakailangan, humingi agad ng tulong. At kapag nagaganap ang isang appointment – personal man, sa relepono, o video conference – tiyakin na may kasamang advocate ang miyembro ng iyong pamilya.
Ang advocate ay isang tao na naroroon para suportahan ang pasyente, para magtanong, at magtala kung ano ang natalakay. Sa ganitong uri ng situwasyon, imposible para sa isang pasyente na may matinding mga problema sa memorya na sa susunod ay ibabahagi sa kapamilya kung ano ang naganap sa appointment – kaya’t napakahalaga ng pagkakaroon ng isang advocate.
Kung ang advocate ay ikaw o iba pa, kailangan nilang mag-ulat pabalik sa mga miyembro ng pamilya para malaman kung ano ang nangyari sa appointment at sabihin ang mga susunod na hakbang – tulad ng mga follow-up na appointment, lab work, imaging test, o home care advice.
Paano nakikilala ang sakit na WKS?
Nakikilala ng mga physician ang sakit na WKS makalipas ang masusi na clinical na eksaminasyon, kasama na ang lab work, imaging scans, at detaladong pag-aaral sa health record ng pasyente. Ang work-up ay karaniwang sumasakop sa mga sumusunod:
- Isang kumpletong medical history, kasama na ang impormasyon tungkol sa pang-araw araw na gawi ng tao sa pag-inom—dati at ngayon—at ang kanilang dietary/nutritional history
- Isang pisikal na eksaminasyon para tingnan kung may mag hudyat ng malnutrition.
- Ang lab work ay kinabibilangan ng blood count, electrolytes, at mga pagsusuri sa paggana ng atay. Ang mga resulta ng lab test ay maaaring magpakita ng malnutrition na may kinalaman sa alcoholism o para matiyak na ang level ng thiamine sa dugo ay mas mababa sa normal.
- Isang MRI o CT scan ay maaaring magpakita ng lumaking mga ventricles at diencephalic lesions, lumiit na mammiliary bodies, at iba pang mga pagbabago sa utak.
- Madalas na kailangan ang rekumendasyon sa isang psychiatrist o neurologist hanggang sa isang neuropsychologist para matiyak ang degree ng memorya at iba pang cognitive dysfunction at mabigyang linaw ang diagnosis.
Dapat konsultahin ng mga physician ang pamilya, mga kaibigan, dating mga medikal na rekord para makuha ang pinaka-kumpleto na impormasyon na posible tungkol sa kasaysayan ng tao sa alak.
Mahalagang diagnostic na kriterya
Ang mga ito ay gabay sa pag-diagnose ng mga kaso ng dementia na may kaugnayan sa alak (hindi lamang para sa WKS):
- Ang “mahalagang” kasaysaysan sa pag-inom ng alak, na kabilang ang isang average na 35 na inom ng alak kada linggo para sa mga lalaki (28 para sa mga babae), karaniwan para sa 5 hanggang 10 taon o higit pa.
- Para mapanatili ang isang may batayang diagnosis, 30 hanggang 60 araw ay dapat nakalipas na mula nang huling malantad sa alak. Mas matagal na di uminom ng alak na may mainam sa katawan na nutrisyon, mas wasto ang magiging diagnosis.
Pinaghihinalaan ng mga physician ang WKS na walang kaugnayan sa alak na maaari silang mag-imbestiga ng iba pang mga sanhi:
- anorexia nervosa
- hyperemesis gravidarum (isang extreme na uri ng morning sickness habang buntis)
- matinding malnutrition
- paggamit ng feeding tube ng matagal ng hindi dinadagdagan ng thiamine
- ang iba pang mga disorder o surgircal procedure na nagpapahina sa pag-absorb ng intestine ng thiamine
Ang WKS ay madalas na hindi nakikita kapag may diagnosis. Maaaring makatulong na dalhin ang fact sheet na ito sa appointment mo para makatulong sa pakikipag-usap mo tungkol sa iyong mga ikinababahala sa isang physician.
Ano ang prognosis?
Sa diagnosis ng WKS, ang paggagamot ay kritikal at sensitibo sa oras.
Kung na-diagnose ang Wernicke’s encephalopathy at maaga itong nagamot, ang ilan o lahat ng mga sintomas ay maaaring mabalik sa dating kalagayan. Sa sandaling natatag na ang chronic stage, hindi na masyado tiyak ang paggaling. Ang paghinto sa pag-inom ng alak at pagtitiyak na ang masustansyang diyeta ay maaaring maiwas ang karagdagang pinsala sa utak at nerve. Ang paggana ng memorya, gayunman, ay maaaring mabagal na gumaling; ang paggaling ay karaniwang di kumpleto.
Sa mas huling stage, kung ang pinsala sa utak ay hindi na mababalik sa dati, ang mga indibiduwal ay marahil na magkaroon ng tatagal na mga problema sa memorya at gait (halimbawa, kakulangan ng muscle coordination at pagkamanhid o kahinaan sa mga braso at binti).
Kung hindi magamot, ayon sa Alzheimer’s Association, ang mga estatistica ay maaaring nakakdismaya:
- Ang Wernicke’s encephalopathy ay maaaring mag-alis sa kakayahan ng katawan at maaaring magbanta rin sa buhay. Ito ay nagdudulot ng kamatayan na hanggang 20 porsiyento ng mga pasyente.
- Sa 85 porsiyento ng mga survivor, ito ay sumusulong at nagiging Korsakoff syndrome.
- Kung patuloy na uminom ng alak ang pasyente at ipagpatuloy ang di mabuti sa kalusugan na diyete, lalala ang kondisyon at mga sintomas.
Paano ginagamot ang WKS?
Kabilang sa paggagamot ang:
- Ang Thiamine replacement therapy ay pinapangasiwaan sa lalong madaling panahon.
- Ang patuloy at mabuting hydration at nutrisyon.
- Ang hindi pag-inom ng alak—ito ang solusyon.
Research na isinasagawa ng WKS.
- Mga clinical trial ng National Institute of Neurological Disorders at Stroke, isang dibisyon ng National Institutes of Health: https://www.ninds.nih.gov/Disorders/Clinical-Trials/Find-Ninds-Clinical-Trials.
- Pampubliko at pribadong pinipondohan na mga clinical study sa buong mundo, mula sa ClinicalTrials.gov:
https://clinicaltrials.gov/search/term=Wernicke-Korsakoff%20Syndrome.
Ano ang magagawa ko para matulungan ang miyembro ng aking pamilya sa WKS?
Ano ang mahalaga
- Mahalagang tiyakin na ang naapektuhang tao ay patuloy na hindi uminom ng alak.
- Ang nasabing tao ay dapat mapanatili ang isang masustansya at balanseng diyeta at manatiling lubos na hydrated.
- Sa panandalian, kritikal na ang miyembro ng iyong pamilya ay may sapat, inirekumenda ng physician na thiamine intake. Sa pangmatagalan, kung ang miyembro ng iyong pamilya ay may balanseng diyeta at lubos na nourished, ang supplement ng thiamine ay maaaring di na kailangan – tiyakin sa iyong doktor.
Dapat mayroong makatuwiran at makatotohanang mga inaasahan
Kahit na ang naapektuhang tao ay huminto sa pag-inom at naibalik ang thiamine, maaaring magpatuloy silang magpakita ng mga senyas ng syndrome (hal. pagkalito, kakulangan ng koordinasyon, kahirapan sa memorya at pag-alala). Sa isang sober na pasyenteng may WKS, mahalagang kilalanin ang mga sintomas na ito bilang parte ng sakit na sanhi ng hindi nababalik sa dati na pinsala at nervous system.
Tandaan na sa ilang mga sober na pasyenteng may WKS, para sa mga di sila kilala ay maaaring di sila nanghina, dahil kaya nilang magsagawa ng isang matalino at nakakasiyang talakayan na nagpapatunay ng kanilang kakayahan na magpatuloy mag-isa sa kanilang buhay.
Kaligtasan muna
Ang mga caregiver ng pamilya ay dapat mag-ingat para matiyak ang kaligtasan ng taong may WKS, at pati na rin ang ibang kasama sa sambahayan.
- Ang mga nalilito o tulirong indibiduwal ay di dapat iwanan mag-isa.
- Kailangan ang superbisyon para matiyak na ang tao ay hindi paligoy-ligoy papalayo sa bahay o di maiwan ang kalan o ang tubig na bukas.
Pagtutugon sa mga di maalala, reaksyon sa pagiging paulit-ulit
Ang mga panandaliang problema sa memorya ay nangangahulugan na ang nalilitong tao ay maaaring ulit-ulitin ang parehong tanong. Ang pakikitungo sa madalas na repetisyon ay madalas na kinasasangkutan ng trial and error na pamamaraan at kombinasyon ng mga estratehiya.
- Magtiis at sagutin sa isang kalmadong paraan. Ang nalilitong tao ay makakahalata sa iyong mood at maaaring maging mas nauunsyami kung ang boses mo ay malakas o nagagalit.
- Maglagay ng mga palatandaan sa bahay para matulungan ang taong maramdaman na ligtas sila sa kapaligiran. Lagyan ng etiketa ang loob ng mga pintuan at drawer na may nakasulat na mga salita kung ano ang nasa loob ng mga ito. Magsulat ng mga tala (hal. ang hapunan ay alas-6 ng gabi).
- Ibaling ang pansin ng tao sa ibang paksa o aktibidad (hal. mabilis na paglalakad, pag-aalala ng isang lumang litrato, atbp.).
Kung patuloy na maging balisa ang tao, talakayin ang mga sintomas sa isang physician, neurologist, o psychiatrist. Ang mga medikasyon ay maaaring available para makatulong na makontrol ang biglang pagsabog ng emosyon o pagkabalisa.
Pag-aalaga sa isang caregiver
Kasing halaga ng sa inaalagaan, ang caregiver ay nangangailangan ng suporta at time-off mula sa patuloy na mga demand sa pag-aalaga. Tiyakin na maglaan ng panahon para asikasuhin ang mga kailangan mo.
- Simulan sa mga pangunahing kilos ng pag-aalaga sa sarili, kasama na ang pagkain ng wasto, pagtulog ng husto, at pagpunta sa mga regular na check-up.
- Magplano ng schedule ng pana-panahong pagpapahinga para sa iyong sarili. Maaaring kailanganin mo ng isang home care worker, kaibigan, o miyembro ng pamilya para matulungan ang iyong mahal sa buhay na bigyan ka, ang caregiver ng pamilya, ng pahina para maibsan ang stress.
Paano makaka-apekto ang diagnosis na ito sa aking pamilya?
Ang pag-aalaga sa mga miyembro ng pamilya na may WKS o mga dementia na may kinalaman sa alak ay nagpapakita ng mga hamon para sa mga caregiver ng pamilya. Ang tumatagal na mga sintomas ng dementia at iba pang neurological na problema ay mahirap na mga kondisyon kahit na sa mga pinakamagagandang pangyayari. Ang mga miyembro ng pamilya ay maaaring bigyang kahulugan ang kakaiba o nakakalitong mga pag-uugali ng naapektuhang tao bilang isang pagpapatuloy ng “malakas” na pag-inom, kahit na huminto na ang tao sa pag-inom.
Ang alcoholism at dynamics ng pamilya
Ang mga nasirang relasyon ay pangkaraniwan sa mga pamilyang may alcoholic.
- Ang mga indibiduwal na may kasaysayan ng pagkagumon sa alak ay madalas na humihiwalay mula sa kanilang mga pamilya at mahal sa buhay.
- Bilang isang caregiver, maaaring magsisi kayo sa pag-aalaga ng isang magulang o asawa na may matagal na kasaysayan sa pagkagumon sa alak.
- Ang karamihan sa mga indibiduwal na apektado ng WKS ay matagal nang mga alcoholic, kaya’t maaaring mahirap na kombinsehin ang miyembro ng iyong pamilya na ihinto na ang pag-inom. Makipag-usap sa isang physician o mental health professional tungkol sa mga mabisang estratehiya para makaiwas at pamamahala sa pag-inom ng alak.
- Ipinapahiwatig sa research na ang alcoholism ay madalas na nagpapatuloy sa mga pamilya. Maaari nitong mabigyan ng dagdag na stress ang mga relasyon sa pamilya.
- Ang pagkakaroon ng mga karagdagang miyembro ng pamilya na alcoholic ay nagpabigat sa pag-aalaga.
- Ipinapakita sa research na maaaring mamana ang kahinaan sa pagkakagumon sa alal at mga neurological problema na may kinalaman sa alak (peripheral neuropathies).
- Sa mga pamilyang may alcoholic, ang mga miyembro ng pamilya ay dapat mag-ingat ng husto para maiwasan ang sobrang paggamit ng alak upang mabawasan ang sarili nilang panganganib sa mga problema sa kalusugan na may kinalaman sa alak.
Makakatulong ang mga professional
Ang mga professional sa mental health ay mga case worker na sanay sa addiction ay makakapagbigay ng kinakailangang tulong at suporta.
- Ang case manager o counselor ay makakatulong sa pmilyang maayos ang mga isyu at makakatulong na maayos ang mga naaangkop na serbisyo ng suporta.
- Ang mga counselor at case worker ay makakatulong rin sa mga meeting ng pamilya at maaaring makatulong na mapagkaisa mula ang pamilya para tulungan ang taong may WKS. Maaari rin silang magrekumenda ng mga support group.
- Sa mga malulubhang kaso, o kapag di kapag mabigay ng pamilya ang naaangkop na pag-aalaga, puwede mong isaalang-alang ang isang residential facility. Kung ang pasyente na may WKS ay nakakaranas ng patuloy na pagkalito, may mga nursing home na nagkakaloob ng special dementia care.
Ito ay tila nakakagulat na tanggapin kaagad. Mayroon bang available na tulong? Saan kami magsisimula?
Family Caregiver Alliance
National Center on Caregiving
(415) 434-3388 | (800) 445-8106
Website: www.caregiver.org
Pagaaring yaman
Email: info@caregiver.org
FCA CareJourney: www.caregiver.org/carejourney
Family Care Navigator: www.caregiver.org/family-care-navigator
Hangad ng Family Caregiver Alliance (FCA) na mapahusay ang kalidad ng buhay para sa mga caregiver sa pamamagitan ng edukasyon, mga serbisyo, pananaliksik, at pagtatanggol. Sa pamamagitan ng National Center on Caregiving nito, ang FCA ay naghahandog ng impormasyon sa kasalukuyang social, pampublikong patakaran at mga isyu sa pag-aalaga, nagkakaloob ng tulong sa pagde-develop ng pampubliko at pribadong mga programa para sa mga caregiver. Para sa mga residente ng mas nakalalawak na San Francisco Bay Area, ang FCA ay nagkakaloob ng direktang serbisyo ng suporta sa mga pamilya para sa mga caregiver noong may mga Alzheimer’s disease, stroke, ALS, pinsala sa ulo, Parkinson’s disease, at iba pang nagpapahinang karamdaman sa utak na nararanasan ng mga adult.
Iba Pang Mga Organisasyon at Link
National Organization for Rare Disorders
https://www.rarediseases.org
National Institute on Alcohol Abuse and Alcoholism
https://www.niaaa.nih.gov
American Association for Marriage and Family Therapy
https://www.aamft.org
National Eldercare Locator
https://www.eldercare.acl.gov
Caregiver Action Network
https://www.caregiveraction.org/
Dementia.org
https://www.dementia.org/
Al-Anon Family Groups
https://www.al-anon.org
Ang impormasyong ito ay inihanda ng Family Caregiver Alliance, na-update ni Patricia Doherty, at na-review ni Peter R. Martin, MD, MSc, DABPN, DLFAPA, FAAAP, Professor of Psychiatry and Behavioral Sciences, Professor of Pharmacology, Vanderbilt Psychiatric Hospital. Ang mga pinagkuhanan ng impormasyon na ito ay kinabibilangan ang National Organization for Rare Disorders (https://www.rarediseases.org), the NIH’s National Institute of Neurological Disorders and Stroke (https://www.ninds.nih.gov), Alzheimer’s Association (https://www.alz.org), ©2021 Family Caregiver Alliance. Naka-reserba ang lahat ng mga karapatan.